Chapter 20

2.1K 59 0
                                    


Samantala...

Masaya si Brendan at Nostalgia na sumakay sa carousel na pony, para silang mga bata habang nakasakay doon, nasa harapan si Nostalgia at nasa likod naman nya si Brendan at naka palupot ang kanyang matipunong mga bisig sa bewang ni Nostalgia, labis na kaligayahan ang nadarama ni Nostalgia nung mga sandaling iyon, hangga't maaari ay ayaw na nyang matapos ang gabi na iyon.

"Para tayong mga bata Nostalgia."

"Minsan lang naman to eh, hindi ko ito naranasan nung bata pa ako."

"Talaga? Well sakyan natin lahat ng mga rides na gusto mo para sa ganitong paraan man lang ay maranasan mo yung mga na miss mo nung bata ka haha!"

"Masaya ako at kasama kita."

"Tara sakay naman tayo ng bump car!" Masayang sabi naman ni Brendan.

Habang sila ay naglilibang ay masaya ang kalooban ni Nostalgia para syang nananginip na kasama nya si Brendan.

........

Nakapasok sa loob ng hotel si Myrtle at Caster.

Sa kanilang pagpasok ay napagkamalan silang mga mayamang customer.
Napapalingon ang mga taong nakakakita sa kanila.

Labis naman na namamangha si Caster sa kakatingin sa magandang paligid, sa buong buhay nya, ngayon lamang sya nakakita ng ganoon,  full carpeted na sahig at puro materyales fuertes ang mga nakadisplay na kasangkapan at may malaking chandelier na nakasabit sa mataas at magandang kisame.

"Ang ganda dito, pangmayayaman lang to!" Bulalas ni Caster.

"Maupo na muna tayo doon sa couch na yun." Sabi ni Myrtle at sila ay naupo.

"Ano ba gagawin natin, kinakabahan ako, wala tayong pera, baka may bayad ang pagpasok natin dito."

"Manahimik ka nga dyan at ako ang bahala." Sabi ni Myrtle kahit hindi rin nya alam ang pwdeng mangyari sa kanila. Nagmasid sya sa paligid.

Maya maya ay may nakita si Myrtle na isang kagalang galang na lalaki na nakikipag usap ng pormal sa mga foreigner na customer.

"Caster! Nakikita mo ba yung lalaki na yun?" Sabi nya at tinuro nya ang lalaking nakita nya.

"Oo, bakit kilala mo ba sya?"

"Hindi."

"Hindi naman pala e, bakit ba?"

"Sya ang lalapitan natin, sa tingin ko sya ang namamahala sa hotel na ito, para makapag trabaho tayo dito."

"Ano? anong alam ko sa trabaho dito?"

"Hmm, bellboy?"

"Bellboy? Yun ba yung gaya ng mga napapanood ko sa pelikula?"

"Oo,"

"Pero wala naman ako alam na gawin yun?"

"Di na mahalaga yun, dapat matanggap ka,"

"Ikaw ano ang aaplayan mo?"

"Gaya ng sabi ko kanina, kahit tagalinis ng mga kuwarto pwede na, ang importante makapasok tayo dito." Sabi ni Myrtle.

"Yung lalaking yun ba ang tatargetin mo?" Sabi ni Caster habang nakatingin sa lalaki.

"Hindi,"

"Alam ko na, mga mayayaman na customer dito?" 

"Hmm, may mas higot ako na gusto kesa sa kanila,"

"Sino?"

"Gusto kong mabaliw sa kagandahan ko ang may ari mismo ng hotel na to!"

"Ibang klase ka talaga, pero papano mo malalaman kung sino ang may ari? At baka di naman nagpupunta dito yun?"

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now