Chapter 50

1.2K 48 3
                                    

"Brendan!" Maiyak iyak na sambit ni Nostalgia.

Napatingin lamang si Caster habang nakayakap si Nostalgia kay Brendan.

At maya maya ay nakita sila ni Raven papalapit sa kanila.

"Nostalgia!" Sabi ni Raven, at nang nakita nito na magkayakap sila ni Brendan, kumunot and noo nito at agad nyang hinatak si Nostalgia.

Napabitiw si Nostalgia kay Brendan, at niyakap sya agad ni Raven.

"Are you okay?" Nag aalalang sabi ni Raven kay Nostalgia habang niyayakap nya ito, walang magawa si Brendan at Caster at nakatingin lamang sila sa kanila.

"Ok lang ako Raven."

"Thank God! Let's get out of here!" Sabi ni Raven at hinawakan nya ang kamay si Nostalgia at sila ay umalis na.

Nag kalat na ang media at kanya kanya na sila ng report sa naganap na pangyayari.

NANGYARI NA ANG LAHAT NG  ITO NOONG MGA NAKARAANG TAON AT NAUULIT NA NAMAN ITO HANGGANG NGAYON. AT PALAISIPAN PA RIN KUNG BAKIT NANGYAYARI HANGGANG NGAYON ANG NAKAKAHINDIK NA LAGIM NA ITO. PINAG IINGAT ANG LAHAT DAHIL MARAMI NA NAMAN ANG GUMAGALA NA MGA HALIMAW SA SYUDAD!

Sabi ng isang news reporter.

..........

Bumalik si Madden at Krystal sa loob mg ballroom at nang nakita ni Krystal si Caster ay natuwa ito.

"Salamat at walang nangyaring masama sayo!" Sabi ni Krystal at napayakap sya kay Caster.

Nasa hallway naman si Brendan at naaala nya si Nostlagia nang biglang nilapitan sya ng floor manager.

"Nakakatakot ang nangyari ang daming namatay, buti na lang at may nag bukas ng fire alarm!" Sabi nito ngunit tahimik lamang si Brendan at di na nya sinabi na sya ang nagbukas ng fire Alarm, Yun lang pala ang makakapagtaboy sa mga naging halimaw, nakakatakot na lumabas ngayon," kinikilabutan na sabi ng floor  manager.

...........

Sumunod na araw.....Sa mansion ni Don Luiz.

May kausap itong mga imbestigador na kanyang inanyayahan.

"Gusto kong imbestigahan ninyo ang mga nangyayari sa hotel, kailangan kong malaman kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito, hanggang ngayon ay wala pa din akong balita sa nawawala kong anak,"

"Gagawin namin lahat ng aming makakaya sir para malaman ang mga nangyayari, hindi lamang sa hotel ninyo ito nangyayari."

Makalipas ang ilang sandali ay umalis na ang mga pulis.

Nilapitan naman ni Don Luiz si Raven at sila ay nag-usap sa terrace.

"This is sounds ridiculous pero may nasabi si Myrtle na may kaugnayan si Nostalgia sa mga nangyayari!"

"Dad ano naman ang kinalaman ni Nostalgia tungkol dito?"

"According to Myrtle may lihim daw si Nostalgia, and we have to investigate!"

"Dad I'm not interested and I don't believed her! I'm dying to marry Nostalgia no matter what!"  mariing tugon ni Raven at umalis na ito.

.......

Kinagabihan......

Dinala ni Raven si Nostalgia sa yacht Club at sumakay sila ng malaking yate.

Naupo sila sa Deck kung saan may naka set na table at may mga waiter na nagsisilbi sa kanila. Sa tabi ay may lalaking tumutugtog ng violin at sineseranade sila.

Hinawakan ni Raven ang mga kamay ni Nostalgia at inalalayan itong umupo.

"Are you happy my love?" masayang wika ni Raven.

"Oo, napakaganda ng tanawin!" Nakangiting sabi ni Nostalgia.

"Our wedding is all set and I am so excited!" Sabi ni Raven.

"Ako din." Sabi ni Nostalgia.

"Meron akong ibibigay sayo." Sabi ni Raven at may inilabas syang maliit na box at binigay kay Nostalgia, at nang kanyang binuksan ay nakita nyang isang napakagandang singsing.

"Our engagement ring, sorry it's late, sa Germany ko pa kasi inorder yan eh."

At isinuot ni Raven ang singsing sa ring finger ni Nostalgia.

"Napakaganda nito Raven, salamat."

"Sa puerto Rico tayo maghahoney moon I want you to meet my mom, hindi kasi sya makaka attend ng ating kasal kase kagagaling lang nya ng sakit and she need some rest."

Hindi maipaliwanag ni Nostlagia ang saya ng kanyang nararamdaman, si Raven ay isang panaginip at di sya makapaniwala na ito ang kanyang mapapangasawa, ngunit naalala nya si Brendan.

"Salamat Brendan, kung hindi dahil sayo ay hindi ko nakuha ang benditas at pinaalalahanan mo ako na huwag kong kunin ang enigma, mahal kita Brendan pero hanggang magkaibigan na lang tayo." Sabi nya sa kanyang loob.

"Are you okay?" Sabi ni Raven nang napansin nyang parang may ibang iniisip si Nostlagia.

"Ok lang ako, may naalala lang ako, dati isa lang akong ........ garbage girl."

"Really?"

Tumango lamang si Nostalgia.

"Who cares, everything will be fine now."

"Salamat Raven minahal mo ako kahit sino lang ako!"

"You are my everything, you complete me."

At masaya silang nagkakatinginan ng matatamis na mga ngiti.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now