Chapter 59

1.4K 53 1
                                    

"Sakay na tayo!" Sabi ni Brendan habang mabilis na yakag si Nostalgia palapit sa kanyang motor na naka park sa tapat ng simbahan. Nagsunuran ang mga tao sa labas at sila ay pinagmasdan. Ngunit sa sobrang haba ng kapa na damit pangkasal ni Nostalgia ay hindi nito malaman kung papano ito makakasakay. Nakaisip ng paraan si Brendan. Sadyang pinunit nito ang kapa. Tumulong na rin si Nostalgia alisin ito.  At nang wala ng sagabal ay nagmadali silang sumakay sa motor, at masaya syang yumakap sa likuran ni Brendan.

"Salamat Brendan!"

"Kalimutan mo na si Raven, nandito ako para sayo, mahal kita!" Sambit ni Brendan at agad pinaandar ang motor.

"Oh! Brendan mahal na mahal kita." Masayang sabi ni Nostalgia.

.........

Samantala, wala ng nagawa ang mga bisita kundi mag uwian. Nahimasmasan na rin ang nanay ni Nostalgia at nagpasya na silang umuwi sa kanilang dampa.
"Hintayin na lamang natin ang ating anak sa bahay, tayo na!" Sabi ng kanilang ama.
"Ano nangyari kay Nostalgia?" Nagtatakang sabi ni Froy.

"Sa bahay na namin ipapaliwanag, umuwi na tayo!" Sagot ng ama.

.......
Naihatid ni Brendan si Nostalgia sa dampa nito.

"Salamat at niligtas mo ako kanina, sobrang nakakahiya ang nangyari sa akin,"

"Kalimutan mo na ang nangyari, ang mahalaga tayong dalawa ang totoong nagmamahalan,"

"Pero hindi na ako maganda?"

"Maganda ka para sa akin, di tulad ni Myrtle, nakakakilabot ang kagandahan nya!"

"Papano kung hindi nagbalik sa dati ang anyo ko, mamahalin mo pa rin ba ako kahit hindi totoo ang kagandahan ko?"

"Oo naman, dahil alam kong mabuti kang tào,"

Napangiti si Nostalgia, at nagkatitigan sila ni Brendan. Hinaplos ni Brendan ang pisngi ni Nostalgia at unti unting nagkalapit ang kanilang mga labi.
Napapikit na lamang si Nostalgia sa saya na kanyang nararamdaman.

...

Makalipas ang ilang araw......

Pinuntahan ni Brendan si Nostalgia sa kanilang dampa, at may hatid itong magandang balita.

"Mukhang maganda ang ngiti mo ah?" Bati ni Nostalgia nang nakita nya si Brendan.

"Meron akong natuklasan!"

"Ano yon?"

"Nung binuhos mo sa akin yung benditas nagbalik agad ako sa dati kong anyo, at alam mo ba may natitira pa sa loob ng bote, kalahati pa yun."

"Anong ibig mo sabihin?"

"Bakit  di mo subukan gamitin yung natira?"

Napayuko si Nostalgia at nakaramdam ng lungkot.

"Bakit ka nalulungkot?"

"Sabi mo mahal mo ako kahit ano pang itsura ko, bakit gusto mo ulit ako gumanda?"

"Susubukan lang naman natin, gusto ko maging masaya ka, alam ko naman na pangarap mo maging maganda para makakuha ka ng mas magandang trabaho diba?"

"Natatakot ako baka hindi na tumalab sa akin yun?"

"Sayang yung benditas kung di mo susubukan, para sayo yon,"

Napaisip si Nostalgia.

"Kung hindi tumalab, mamahal8n mo pa rin ba ako?"

"Hindi na tinatanong yan, mahal kita kahit ano mangyari,"

Napangiti si Nostalgia.

Maya-maya pa'y nauntol ang kanilang usapan dahil dumating si aling Ester kasama ni Froy galing ng palengke.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon