Chapter 18

1.9K 59 0
                                    

Habang nagtatalik ang dalawa ay ramdam na ramdam nila ang bawat kibot ng kanilang mga laman. Para silang mga hayok sa isa't isa habang ginagawa nila ang pagtatalik na yon.

Matapos nito ay nahiga sila at sabay silang humihingal sa sobrang pagod, nahiga si Myrtle sa matitipunong bisig ni Caster.

"Hindi ko akalain na ganito pala ang naiidudulot ng benditas na yun." sabi ni Caster.

"Oo nga, ang sarap ng pakiramdam, para tayong may halaga sa mata ng mga tao."

"Oo nga, yan din ang naramdaman ko, ang galing! At ang sarap sa pakiramdam ng ginawa natin!"

"Oo, sobrang naligayahan ako," sagot ni Myrtle habang nakahiga ang ulunan nito sa bisig ni Caster.

"Pero, diba sabi sa libro iibigin ng wagas ang taong mahahaplos ang taong gumamit ng benditas?" Tanong ni Caster kay Myrtle.

"Oo nga, so umiibig ka na ba sakin dahil nahawakan mo na ako?" tanong ni Myrtle. Pinakiramdaman ni Caster ang sarili, ngunit wala itong nararamdaman na pag
Ibig kundi pagnanasa kay Myrtle.

"Wala eh, pero maaari din naman tayong ma inlove sa isa't isa diba, siguro pag madalas tayong magkasama, pero sa ngayon ay kagaya pa din ng dati ang nararamdaman ko sayo ang pinag kaiba nga lang ay sobrang naakit ako sayo,"

"Hmn? Pareho tayo ng nararamdaman, kahit nahawakan kita wala akong pag-ibig sayo, si Brendan pa din ang mahal ko, pero naaakit din ako sayo ng sobra Caster, gusto ko lagi natin tong gawin,"

"Hahaha pareho pala tayo ng nararamdaman, pero alam mo naman na  si Nostalgia ang gusto ko, naaakit lang tayo sa isa't-isa pero walang love, ang gusto ko, magdamag tayong magtalik ."

"Pwede ba, kalimutan mo na si Nostalgia hindi na kayo bagay ngayon! Ang pangit nya, samantalang ikaw, para kang isang anghel na bumaba sa lupa, sa akin ka lang, nasasabik ako sayo."

Nakangiting sabi ni Myrtle at hinalikan nya si Caster at nagtalik silang muli.

...

Matapos ulit nilang gawin iyon ay nag-usap sila.

"Anong gagawin natin Myrtle?"

"Kailangan nating maghanap ng magandang trabaho, doon sa lugar ng mayayaman para magbago na ang buhay natin,"

"Pero papano?"

Nang biglang dumating ang nanay ni Myrtle.

"Myrtle anak nandyan ka na ba?" Sabi ng nanay ni Myrtle habang kadadating galing ng palengke.

"Naku! Ang nanay!" Nabiglang sabi ni Myrtle at nagmadali silang nagbihis ni Caster.

At dahan-dahan binuksan ni Myrtle ang pinto ng silid, at sa kanyang pag bukas ay bumulaga ang kanyang ina at ito ay namangha nang sila ay nakita.

"Sino kayo? Ano ginagawa niyo sa kuwarto namin?" Manghang sabi ng nanay ni Myrtle na si Jonah.

Hindi agad makapagsalita ang dalawa.

"Sino kayo, saan kayo galing?" Patuloy na sabi ni Jonah.

"Nanay, ako ito si Myrtle!"

"Ano! aAko ba pinagloloko mo?"

Di maniwalang sabi ni Jonah, at napatingin sya kay Caster na nakangiti sa kanya at halos himatayin sya sa sobrang guwapo nito.

"S...Sino kayo?" Nagtatakang sabi ni Jonah.

"Nay ako nga ito, ang anak mo si Myrtle!"

Hindi makapaniwala ang kanyang ina hanggang ikinuwento sa kanya ni Myrtle ang nangyari.

"Totoo lahat ng sinasabi ko sa inyo."

"Nakakamangha ang pinagbago mo anak, at ikaw Caster para kayong mga anghel na bumaba sa lupa, hindi ko akalain na nangyayari ito." naguguluhan na sabi ni Jonah.

"Nakikiusap ako sayo Nanay, lihim lamang ito,"

"Maaasahan mo ako,"

"Pansamantala dito na muna si Caster kasi di pa sya pwede umuwi, marami syang kapatid, baka kumalat ang aming lihim."

"Huwag kayong mag-alala, hindi ko ito ipapa-alam, pero saan nyo nakuha ang benditas na yan?"

"Nanay, basta kami lamang nakaka alam non, di ko maaaring sabihin sa inyo."

"Di ko ba pwede subukan?"

"Delikado ang ginawa namin, di nyo makakayanan,"

Wala ng nagawa si Jonah kundi sundin si Myrtle.

"Aalis muna kami, makikipag sapalaran pero babalik din kami." Sabi ni Myrtle.

"Mag iingat kayo," sagot ni Jonah.
At lumabas na sila ni Caster.

...

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Место, где живут истории. Откройте их для себя