Chapter 17

1.3K 53 0
                                    

Samantala...

Nanlilimahid ang itsura ni Nostalgia sa kakakalkal ng basura.

Naglakad ito papunta sa kabilang kalye at nakita nito si Brendan kasama ni Eric.

Napahinto sya sa paglalakad at napatitig sya kay Brendan.

"Nostalgia?" sabi ni Brendan at pinagmasdan nito ang maduming kaanyuan nito.

"Salamat nung nakaraan Brendan." Nakangiting sabi ni Nostalgia.

"Ako nga ang dapat magpasalamat eh, syanga pala bakit di ka mag hanap ng ibang trabaho?"

"Hmm, wala na akong ibang alam eh."

"Magbihis ka, mag ayos ka, tutulungan kita makahanap ng disente na trabaho,"

"Pero, wala akong experience at di ako nakatapos mag aral,"

"Alam ko na, gusto mo ba mag waitress sa pinapasukan ko, mas ok yun kesa magkalkal ng basura, diba Eric pwede sya don diba?" Baling na sabi ni Brendan kay Eric.

"Ah oo pwede sya don, para magkakasama tayo mas masaya!" Sabi naman ni Eric.

"Baka di ako matanggap?" sabi ni Nostalgia sabay tingin sa sarili nya.

"Huwag ka mag-alala, ako bahala sayo, magkita tayo mamayang gabi bago ako pumasok ng club."

"Ok sige pupunta ako." Nakangiting sabi ni Nostalgia.

At nginitian din sya ni Brendan ng matamis na ngiti at umalis na sila ni Eric.

Sinundan sila ng tingin ni Nostalgia na may magandang ngiti sa kanyang mga mata.

Naisipan na ni Nostalagia na umuwi para maghanda para mamayang gabi sa magiging bago nyang trabaho.

............

Paglabas ng mall ni Myrtle at Caster ay pinagtitinginan sila ng mga tao dahil sa kakaibang akit ng kanilang kaanyuan.

"Pinagtitinginan tayo ng mga tao, ibang klase pala talaga ang benditas na to haha, nakaka bilib!" Masayang sabi ni Myrtle.

"Oo nga sinabi mo pa, para nga akong nanaginip eh, saan nga pala tayo pupunta?"

"Umuwi na muna tayo sa bahay namin, siguradong wala ang nanay ngayon." Sabi ni Myrtle.

Sumakay sila ng taxi at umuwi sa maliit na apartment ni Myrtle.

Pagdating nila sa apartment ay wala ang ina nya.

Hinawakan agad ni Caster si Myrtle at sila ay naghalikan.

Pareho nag aalab ang kanilang mga dadamdamin at sobrang sabik sa isa't isa.

Doon lang nila naranasan ang ganoong klase na pakiramdam.

Mabilis na hinubad ni Caster ang kanyang suot na pantalon at t shirt at lumantad ang parang inukit ng isang magaling na skultor ang kanyang kabuuan sa harapan ni Myrtle. Sobrang nabighani naman si Myrtle nang nakita nya ang kabuuan ni Caster at napakagat sya sa ibaba ng kanyang labi. At maya-maya'y, sya naman ang naghubad.  Kanyang inisa-isa tinanggal ang kanyang damit. At nang nakita naman ni Caster ang kabuuan ni Myrtle ay labis na nahumaling siyang mayakap ito. Nagkaharap sila at nagkatitigan, at naghawakan ng mga kamay, sabay nilang ginagala ang kanilang mga palad sa katawan ng bawat isa. Maya maya pa ay hindi na napigilan ang kanilang nararamdaman at sila ay mapusok na naghalikan  at nag ibigan.

........

Nakauwi ng dampa si Nostalgia at siya ay naligo.

Matapos ay humarap ito ng salamin.

"Sana naging kasing ganda ko si Myrtle para magustuhan ako ni Brendan, kaya lang silang dalawa na, bakit ba nangangarap pa ako na maging kami ni Brendan?"

Habang nananalamin ay kumatok ang kanyang ina.

"Anak, bilisan mo nga dyan!" wika ng nanay ni Nostalgia.

"Opo nay lalabas na ako." At nagmadali syang nagbihis.

Nilapitan ni Nostalgia ang kanyang ama.

"Tay, kamusta na pakiramdam nyo.?"

"Okay na ako anak, gumagaling na sa awa ng Diyos."

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora