Chapter 4

2.3K 74 0
                                    

Nang nakita ni Nostalgia na pinapalibutan na ng mga babae si Brendan ay nagpasya na syang umalis.Naisip nya na sa dami ng babae sa kanilang lugar ay sino lang sya para magustuhan ni Brendan.

Kinagabihan.  

Sa kanyang pagtulog ay binakat nya ulit ang nakasulat sa libro at binasa nya muli at naaantig sya sa storya nito, ngunit madalas syang mabitin sa kanyang binabasa dahil kailangan pa nyang linawan ang susunod na pahina, nakaramdam ng antok si Nostalgia at sya ay nakatulog na.

Sumunod na araw.

Nagkita si Nostalgia at Myrtle sa kanto, naunang nakarating si Nostalgia.

"Myrtle! Nandito ako!" Sabi ni Nostalgia habang nakita nyang naglalakad si Myrtle sa gitna ng mga taong naglalakad.Napangiti si Myrtle ng sya ay nakita.

"Nakabili ako ng bagong sako, mas malaki to, kaya mas marami tayong mailalagay na laman dito." Masiglang wika ni Myrtle.

"Mabuti kung ganon, mabubutas na din yung sako natin eh," sabi naman ni Nostalgia.

Naglakad sila para mag umpisa ng mangalakal.

Sa kanilang paglalakad ay nakita nila si Brendan na may kasamang babae. Kumakain sila ng ice cream sa ice cream shop.

"Si Brendan yun diba?" Sabi ni Nostalgia kay Myrtle.

"Oo sya nga at bakit magkasama sila ni Laila?"

"Baka sila na ngayon?" Sabi ni Nostalgia.

"Imposible yon ako ang gusto ni Brendan."

"Eh maganda naman si Laila tsaka may kaya, kaya siguro sya ang nagustuhan?"

"Hindi ako papayag, alam kong ako ang type nya, naramdaman ko yon."

"Eh baka naman magkaibigan lang sila?" Sabi naman ni Nostalgia.

Maya maya pa'y nakita nilang lalabas na ang mga ito ng ice cream shop, nagtago agad si Myrtle sa likod ni Nostalgia.

"Naku baka makita nya ako, patago na muna sa likod mo!" Sabi ni Myrtle habang tinatakpan nya ang kanyang sarili ng katawan ni Nostlagia.

Dumaan sa kanilang harapan si Brendan at Laila, nakatingin lamang si Nostalgia sa kaguwapuhan ni Brendan kaya nasundan nya ito ng mga tingin, at ng sila ay nakalayo, ay lumabas na si Myrtle sa likod ni Nostalgia.

"Hay salamat at di nya ako nakita, kinabahan ako!" Sabi ni Myrtle.

Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakad.

"Ano sa palagay mo silang dalawa na ba?" Tanong ni Myrtle,

"Parang sila na! kasi magkahawak sila ng kamay eh."

"Ano? nakita mo ba na magkahawak sila ng kamay."

"Oo."

Sumama ang loob ni Myrtle sa kanyang nalaman.

"Hmp! Aagawin ko sya kay Laila.!" Pairap na sabi ni Myrtle.

"Ano eh papano?"

"Basta, magpapaganda ako at mag iipon para makabili ng bagong damit."

"Hmm sige na tara mangalakal na tayo." Sabi ni Nostalgia at nagpatuloy silang maglakad.

........

Isang gabi, pumasyal si Myrtle sa dampa nila Nostalgia.

"Myrtle, napasyal ka?"

"Pwede bang makitulog dito ngayong gabi."

"Aba oo naman, huwag lang tayo maingay kasi natutulog na ang tatay at nanay, halika pasok ka."

Umakyat sila sa taas na papag ni Nostalgia.

"Bakit naman dito mo gusto matulog?" Sabi ni Nostalgia.

"Nag aaway kasi ang tatay at nanay eh, naririndi ako sa away nila, kaya nagpa alam ako na dito na muna ako, para makapag usap din sila."pabulong sa sabi ni Myrtle.

"Ah ok."

Habang inaayos ni Myrtle ang kanyang hinigaan ay nakita nya si Nostalgia na nag susulat, binabakat nya ang mga malalabong nakasulat sa diary.

"Ano yang ginagawa mo?"

"Eto yung napulot kong libro, malabo kasi kaya sinusundan ko yung mga nakabakat na letra para luminaw."

Natawa si Myrtle sa ginagawa ni Nostalgia.

"Hihi! Ano ka ba naman, lumang luma na yan at sira na pinagtyatyagaan mo pa!"

"Hindi mahalaga sa akin kung luma o sira na ang interesado ako ay ang nilalaman ng libro."

"Ano ba ang nakasulat dyan maganda ba?"

"Oo love story to, at kakaiba ang love story nya, parang mahiwaga, at na kaka inlove nga eh, kaya lang nakakabitin kasi kailangan ko pang ganituhin para mabasa ang susunod na mga pahina."

"Talaga? Pabasa naman o di kaya ikuwento mo naman sa akin."

"Ok ikukuwento ko sayo."

Ikinuwento ni Nostalgia ang kanyang nabasa at interesadong nakikinig si Myrtle.Nakaupo sa papag si Nostalgia at nakasandal sa kahoy na pader ang kanyang likod,

"Alam ko na! siguradong si Beatrice ang nagustuhan ni Leandro diba?"wika ni Myrtle habang nakahiga ng paharap kay Nostalgia.

"Hindi!"

"Ano? Sino?"

"Yung yaya ni Beatrice si Kasandra."

"Akala ko ba tradisyon ng mayayaman yan, bakit yaya ang nagustuhan ni Leandro?"

"Hindi kasi alam ni Leandro na yaya lang si Kasandra."

"Kahit na, eh bakit naman nya nagustuhan si Kasandra, mas maganda naman si Beatrice sa kanya."

"May kakaibang taglay na kagandahan si Kasandra na wala sa iba, dahil mayroon syang lihim."

"Ano, anong lihim nya?"

"Sabi ko na sayo magiging interesado ka eh."

"Sige na sabihin mo na sa akin, papano ang nangyari? Anong lihim?"

"Nandito sa susunod na mga pahina kayalang, kailangan ko pang linawan ito eh, haaah inaantok na ako, bukas na lang."

"Hmn interesado nga yan, sige bukas dito ulit ako matutulog, ipagpatuloy natin basahin."

"Oo ba, excited na nga rin ako mabasa ang susunod na page, kayalang inaantok na ako talaga, hay kung hindi na sana lilinawan ay mababasa na natin agad eh, matulog na tayo,"

"Hay nakakabitin talaga!"

"Oo nga eh." Inaantok na sabi naman ni Nostalgia.

"Anak matulog na!" Naalimpungatan na sabi ni Ester..

"Opo nay." Sabi ni Nostalgia.

At nahiga sila ni Myrtle.

Hanggang sa pagtulog ay laman ng isip nila ang storya ng diary na kanilang nabasa.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz