Chapter 2

2.8K 92 2
                                    

Hindi na nagtaka si Nostalgia ginagawa ni Myrtle, dahil sa tuwing kumikita sila ay bumibili ito ng pansarili lamang nya.               

"Naubos na ba yung sabon na binili mo nung isang araw?" Tanong ni Nostalgia.

"Meron pa, mabuti na yung may stock, eh ikaw ano ang bibilhin mo? Bigas at sardinas na naman?"     

"Ano pa nga ba, kaya nga ako nagtatrabaho para sa nanay at tatay ko, alam mo naman na may sakit ang tatay, si nanay naman maliit rin lang ang kinikita sa paglalaba."

Nagpunta sila ng tindahan at bumili si Nostalgia ng isang kilong bigas, patatas at corned beef.

"Uy naiba naman corned beef!" Sabi ni Myrtle.

"Gusto daw ng tatay kumain nito,"

Bumili naman si Myrtle ng sabon, toothpaste at shampoo na nasa sachet.

Gusto rin sana ni Nostalgia bumili dahil mauubos na rin ang kanyang sabon at toothpaste. Kaya lang ay mahina ang kita nila ngayon kaya sa susunod na siya bibili nito, samantalang si Myrtle ay nakukuha pang bumili ng lotion kaya mas maganda ang kanyang balat kesa kay Nostalgia.

Matapos nilang bumili sa tindahan ay uminom sila ng palamig para maibsan ang kanilang pagod, naupo sila sa banko' sa tapat ng tindahan.

Inaamoy amoy ni Myrtle ang sabon na kanyang nabili.

"Ang ganda talaga sa balat nito at ang bango pa."

"Mukhang may pinag papagandahan ka ah?' Sabi ni Nostalgia.

"Tama ka," masayang sagot ni Myrtle.

"Sino?"

"Si Brendan,"

Di na nagtaka si Nostalgia, noon palang crush na ito ni Myrtle, at crush nya rin ito ngunit hanggang pangarap lamang.

"Alam mo ba, nahinto din sya ng pag-aaral."

"Talaga, bakit naman malakas naman yung bigasan nila diba?" Nagtatakang tanong ni Nostalgia,

"Eh balita ko kasi magsasara na, di daw nagkasundo yung nanay nya tsaka yung tiyahin nyang may ari ng pwesto kaya pinapalayas na sila doon."

"A ganon ba?"

"At alam mo, nagkahiwalay na sila nung girlfriend nya, kasi yung babae nasa Korea na, kaya single na ulit si Brendan ngayon,"

"Pero isang pangarap lang si Brendan, sa katayuan natin," malungkot na sabi ni Nostalgia. "Alam ko naman na gusto mo rin sya eh,"
"Pangarap lang, di nya ko magugustuhan,"
"Malamang, pero ako may pag asa, di naman nya alam na ganito trabaho ko, alam mo ba, kagabi nagkita kami." Kinikilig na sabi ni Myrtle.

"Saan kayo nagkita?"

"Sa bahay ni Laila, birthday nya at inimbitahan ako,  nandon din si Brendan, tinanong nya ako kung may boyfriend na daw ba ako, e sabi ko wala, yun maganda mga ngiti nya sa akin, ang pag kakaalam nya sales lady ako sa mall," kwento ni Myrtle. "Pero di naman totoo yun," nag-aalalang sabi ni Nostalgia."Hmp! kapag na kumpleto ko yung requirements ko magtatrabaho na ako sa mall, ayoko na mangalakal."

"Pero ito lang kasi ang maaari nating gawin eh, papano kung makita nya tayong nangangalakal?"

"Kaya nga balot na balot tayo, mata lang ang nakikita di na nya malalaman yun!"

Matapos nilang mainom ang palamig ay umuwi na sila sa kanilang barong barong.

Nagsaing si Nostalgia, at nagluto ng corned beef na kanyang nabili. Maliit lamang ang kanilang dampa, kahoy na pinto at wala itong sala, may maliit na kahoy na hapag kainan, at sa tabi ay may papag na nakalagay dito kung saan nakahiga ang kanyang amang may sakit , at nasa labas ang kanilang lababo at lutuan, ang perang kinikita ng kanyang ina sa paglalaba ay sa gamot ng tatay nya lamang napupunta, kaya kailangan ni Nostalgia magtrabaho para may makain sila, namasukan na rin dati si Nostalgia bilang katulong ngunit umalis sya dahil mas gusto nyang mag stay sa kanilang dampa para makasama ang kanyang mga magulang, nasubukan na rin nila ni Myrtle magtrabaho sa karinderia at mag sales lady sa tiangge ngunit kulang ang kanilang kinikita at lagi silang napapagalitan ng amo nila, at sa pamasahe pa lang ay lugi na sila. Nadiskubre nila ang pangangalakal sa tulong ng kaibigan nilang si Caster, ito ang nagsabi na maaaring kumita ng malaki kung mapuno ang isang malaking sako ng mga kalakal. Sinubukan nila ito ni Myrtle, halfday lamang ay napupuno na nila ang sako kaya mas minabuti nilang iyon na lamang ang kanilang gagawin pansamantala.

"Nay kain na po tayo," Sabi ni Nostalgia at inakay nya ang kanyang ama.

Naupo sila sa lamesa at nanalangin, at kanilang pinagsaluhan ang pagkain.

"Anak maghanap ka kaya ng ibang trabaho?" Sabi ng kanyang inang si Ester.

"E wala pa po akong requirements para mag trabaho sa mga mall o restaurant, sa karinderia naman ang liit ng sweldo at lagi lang kami napapagalitan ni Myrtle, mas ok pa ang kalakal nay, hawak namin ang oras."

"Ganon ba?"

"Mag iipon na muna ako ng pang ayos ng mga requirements, gaya ng mga nbi, sss at iba pa, tsaka mahal din ang mamasahe para gawin yon nay,"

"Hayaan mo kapag marami ang magpapalaba sa akin bibigyan kita ng pang ayos mo ng requirements." Sabi ni Ester.

Maya maya ay naubo ang kanyang amang si mang Renato.

"Uhu uhu!"

"Tay?" Hinagod nya ang likuran ng ama.

"Ok lang ako anak, nasamid lang ako."

"Uminom na muna kayo ng tubig." Sabi ni Nostalgia.

"Ang tatay mo kasi ang tigas ng ulo, kaninang hapon alam mo ba, nakaramdam lang ng konting ginhawa aba e lumabas ng bahay at maghahanap daw ng trabaho, ayan nilagnat na naman."

"E tay hindi pa kayo malakas, magpagaling na muna kayo."

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now