Chapter 27

1.3K 53 0
                                    

Kinabukasan

Tanghali na nang nagising si Don Luiz.

Pinagmamasdan nya ang natutulog na si Myrtle.

"Napakaganda mo Myrtle, sobrang nakakaakit ka." Sabi ni Don Luiz habang minamasdan nya ito, at maya maya ay nagising si Myrtle.

Napatingin ito kay Don Luiz at sya ay ngumiti.

"Good morning!" Sabi ni Myrtle.

Nakatitig pa rin si Don Luiz sa kanya at hinalikan sya sa noo.

"Anong oras na?" Tanong ni Myrtle,

"Alas dose na ng tanghali, napasarap tayo ng tulog."

Maya maya ay may nag door bell.

"Ako na ang magbubukas." Sabi ni Don Luiz.

At nagpunta naman ng bathroom si Myrtle.

Pumasok ang dalawang room service at dala ang mga tray ng pagkain.

Ang mga ito ay sina Brendan at Nostalgia.

"Magandang tanghali Don Luiz!" Bigay galang na sabi ng dalawa.

"Magandang tanghali din sa inyo!" Sabi naman ni Don Luiz.

Habang nilalagay ng dalawa sa table ang mga pagkain, ay lumabas na ng bathroom si Myrtle at nakita nya si Nostalgia at Brendan.

"Myrtle kakain na tayo." Sabi ni Don Luiz at napalingon ang dalawa nang narinig nila ang pangalan na 'Myrtle'.

Naupo si Myrtle at tiningnan nya si Brendan. Napansin ni Don Luiz na napahinto ang dalawa sa kanilang ginagawa at nakatingin sila kay Myrtle.

"Marahil ay nagagandahan kayo sa kanya kaya di mapatid ang pagtingin nyo sa aking mahal na si Myrtle hindi ba?" Sabi ni Don Luiz sa dalawa.

"Ah opo napakaganda nya!" Sabi ni Nostalgia.

"At ikaw lalaki? Ano masasabi mo sa kanyang kagandahan?"

"Napakaganda po, ngayon lang ako nakakita ng ganyan kaganda." Sabi naman ni Brendan.

"Tama kayo ng sinasabi, yan din ang aking nakita nung una ko syang nasulyapan."

Masayang sabi ni Don Luiz, at pinagsilbihan sila ng mga ito.

Naupo si Don Luiz at nag umpisang kumain, nakatahimik lamang si Myrtle at bahagyang sumubo ng pagkain, panay pa din ang sulyap ng dalawa sa kanya.

"Maari na kayong umalis!" Sabi ni Myrtle sa dalawa.

"Okay po, lalabas na kami, maraming salamat po." Sabi ni Nostalgia.

At nang nakalabas ng silid ang mga ito ay di sila mapalagay.

"Bakit kaboses nya si Myrtle pati ang kilos nya? Myrtle din ang pangalan nya?" Nagtatakang sabi ni Brendan.

"Yan nga rin ang pinagtataka ko,"

"Pero huwag na tayo mag isip, imposibleng si Myrtle yon, co insidence lang yon, magkaoangakan at magkaboses, pero tingnan mo naman ang itsura, sobrang layo, at tiyak, sobrang yaman nung babae," sabi ni Brendan, ngunit di pa rin mapalagay si Nostalgia, may iba itong nararamdaman.

"Brendan may gusto akong sabihin sayo?"

"Ano yon?"

"Kasi may.............." Di pa tapos magsalita si Nostalgia ay dumating si Emi.

"Sumunod kayo sa akin, doon naman tayo sa executive suite."

At hindi naipagpatuloy ni Nostalgia ang gusto nyang sabihin kay Brendan.

"Mamaya ko na lang sasabihin pagtapos ng trabaho natin." Sabi ni Nostalgia kay Brendan.

"Ok." Sabi naman ni Brendan.

...................

Samantala sa Exucutive suite.

Unang nagising si Caster at nakita nyang nakatabi sa kanya si Empress, at nang tiningnan nya ang kanyang sarili ay wala syang suot na kahit ano sa kanyang katawan, napatayo si Caster.

"Nahawakan na nya ako, kung ganon ay iibig na sya sa akin ng wagas? Papano kung hindi ko sya kayang mahalin?" Naguguluhan na sabi ni Caster at kinuha nya ang puting kumot at binalabal nya sa kanyang ibaba.

Hinanap nya ang kanyang uniform at nakita nyang nakakalat ang mga ito sa sahig na carpet.

At nang kanya itong pupulutin ay may nag doorbell, kinabahan si Caster.

At nagising si Empress sa tunog ng doorbell.

Pupungas pungas ng mata si Empress at si Caster ang una nyang nakita.

Nginitian sya ng magandang ngiti ni Empress.

"Good day, pwedeng paki buksan ang pinto?" Naghihikab na sabi ni Empress.

Walang nagawa si Caster kundi buksan ang pinto habang nakatakip ang kumot sa kanyang harapan.

At nang kanyang binuksan ay ito ay walang iba kundi si Brendan at Nostalgia.

"Magandang tanghali po! Room service!" Nakangiting sabi ng dalawa habang dala ang cart ng mga pagkain, pinatuloy sila ni Caster.

Natandaan nila na bellboy ito at nagtaka sila kung bakit ito nasa silid ni Empress at nakahubad pa.

Ngunit di na lamang sila nagpahalata, inihain nila ang mga pagkain sa lamesa.

"Caster, ibangon mo naman ako." Nakangiting sabi ni Empress.

Nagkatinginan ang dalawa nang narinig nila ang pangalan na 'Caster'.

Nilapitan ni Caster si Empress at hinawakan nya ang kamay nito upang ito ay makatayo sa kanyang kinahihigaan.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now