Chapter 16

1.9K 64 0
                                    


Makalipas ang mahabang biyahe, nakarating na sila ng Maynila.

Mahimbing ang kanilang tulog mula ng gabi na iyon sa loob ng bus. Umaga na nang sila ay nagising. Si Myrtle ang unang nagising, tinanggal nito ang nakatakip na panyo sa kanyang mata. At nang sya ay nagising ay nakita nyang nagtatayuan na ang mga pasahero palabas ng bus. May isang lalaking napalingon kay Myrtle at di nito maalis ang kanyang mata habang naglalakad ito papalabas ng bus, hanggang nabunggo ang lalaki, hindi nito tumitingin sa dinadaanan dahil sa kakatingin kay Myrtle. At ang lahat ng napapatingin kay Myrtle ay naglilingunan at nginingitian sya.

"Bakit nagtitinginan sila sa akin?" Nagtatakang tanong ni Myrtle sa kanyang loob.

Nilingon niya si Caster na himbing pang natutulog, nakatakip ng sweater nito ang kanyang mukha.

"Caster, gumising ka na, nasa Maynila na tayo!"  sabi ni Myrtle habang tinatapik niya si Caster, ngunit naghihilik pa din ito. Inalis ni Myrtle ang sweater na nakatakip sa Mukha ni Caster, at nang kanya itong inalis ay laking gulat niya nang nakita niya ang mukha nito. Tinititigan ni Myrtle ang mukha ni Caster habang natutulog ito, ngayon lamang sya nakakita ng ganoong klase na kisig ng isang lalaki, mamula mula ang labi, matangos na ilong at perpektong hugis ng mukha at parang talukap ng mata ng anghel ang nakapikit nyang mga mata. Napakasutla ng mga balat nito, at may kakaibang ning-ning at akit na di makikita sa ibang tao.

"Sino ito?" Manghang sabi ni Myrtle habang minamasdan ang mukha nito.
At habang minamasdan nya ito ay bigla nya naalala ang benditas.  "Tumalab na ang benditas sa kanya!" manghang sabi ni Myrtle. Hinaplos ni Myrtle ang mukha ni Caster at labis syang naakit dito.

"Caster gumising ka!" Sabi ni Myrtle habang tinatapik ang mukha nito.

At biglang nagising si Caster sa tapik na iyon. At dahan-dahan nitong dinilat ang kaniyang mga mata, nakatitig pa rin si Myrtle at hindi ito makapaniwala sa nakikita nya. Yung mga matang iyon na ang pinakamagandang nakita niya sa buhay niya.

"Hindi ako makapaniwala!" manghang sabi ni Myrtle. 

"Nandito na ba tayo?" papungas pungas ng mata na sabi ni Caster at nang napatingn naman ito kay Myrtle, ay siya naman ang natulala sa sobrang ganda nito.

"M-Myrtle?"

"C-Caster?"

"Ako to! Tumalab na ang benditas!" Sabi ni Myrtle habang minamasdan nya ang kanyang mga kamay na napakasutla.

"Napakaganda mo Myrtle, pero bakit ako," Di makapaniwalang sabi ni Caster.

"Tumalab din sayo, ang guwapo guwapo mo, hindi ako makapaniwala sa napakagandang itsura mo!"

"Tumalab din sa akin ang benditas? Anong itsura ko?" di makapaniwalang sabi ni Caster.

"Napakaguwapo mo!"  Nakangiting sabi ni Myrtle habang nakatitig kay Caster.

"Ako, ano itsura ko?" Tanong naman ni Myrtle.

"Ikaw din Myrtle, sobrang ganda mo!"

"Gaano ako kaganda?" sabi ni Myrtle habang inaalis nito ang mga buhok na tumatakip sa mukha nya.

"Walang katulad, gusto na nga kitang halikan eh!" wika ni Caster.

"Ako rin gusto din kitang halikan!" masayang sabi naman ni Myrtle.

At nang magkakalapit ang kanilang mga labi ay nauntol ito dahil nagsalita ang kundoktor ng bus.

"Last station na po, maaari na kayong bumaba!" sabi ng kundoktor na nasa pinto ng bus.

Sila na lamang ang natitira sa bus.

"Halika na at bumaba na tayo, tayo na lang pala ang naiwan dito!" Sabi ni Caster at nagmadali silang bumaba ng bus.

At pagkababa nila ay nag punta sila sa isang tabi.

"Gusto kong makita itsura ko sa salamin!" excited na sabi ni Myrtle.

"Mamaya na Myrtle, ako ang nakakakita sayo, napakaganda mo."

"Ikaw din Caster, nakakabaliw ang kakisigan mo." at nagtama na naman ang kanilang mga paningin at bigla na lamang silang naghalikan, at lalo silang nahumaling sila sa isa't isa. Ngunit wala silang nararamdamang pagmamahal, kahit parehas gumamit ng benditas ay di sila nakakaramdam ng pag-ibig, naaakit lamang sila sa isa't isa. Tanging si Myrtle lamang ang makakapag paibig sa ibang lalaki na hahaplos sa kanyang balat, dahil nakuha nya ang enigma. Ngunit di nya mapapaibig ng wagas ang taong nakagamit ng benditas na gaya ni Caster, pwera lamang kung talagang mahal sya nito o natural na umibig sa kanya. At kahit sino naman ang humawak kay Caster ay hindi nito mapapaibig ng wagas, subalit mahuhumaling ang kahit sinoman ang makakakita sa kanya dahil sa kakaibang taglay nitong kakisigan.

Masaya silang nagkahawakan ng kamay.

"Kailangan natin maghanap ng salamin, pumunta tayo sa mall na yun, tara na!" Masayang sabi ni Myrtle at tumakbo sila papunta sa loob ng isang mall, pinag titinginan sila ng mga tao habang sila ay naglalakad. Humahanga ang mga tao sa kanilang kakaibang kagandahan at kakisigan.

"Teka may problema ako Myrtle!" Mahiya hiyang sabi ni Caster.

"Bakit?"

"Yung pantalon ko nasira yung zipper hindi ko na maisara kasi, lumaki yung .... ."

"Ano ang lumaki?"

"Yung katawan ko." nakangiting sabi ni Caster at nakita ni Myrtle na tinatakpan ni Caster ng bag nya ang kanyang harapan.

"Akala ko kung ano na yung lumaki." natatawang sabi ni Myrtle.

Kumuha ng pera si Myrtle sa kanyang bag.

"O ayan bumili ka ng pantalon mo, buti na lamang at pinadalhan ako ni Tatay, pero bayaran mo sa akin yan ah,"

"Oo salamat."

At naghanap ng pantalon at t-shirt si Caster at nang may napili ay nagpunta sya ng fitting room. At nang humarap ito ng salamin ay hindi ito makapaniwala sa laking pagbabago ng kanyang anyo. Sinalat ni Caster ang kanyang mga matitipunong bisig at hinawakan niya ang kanyang mukha at labis sya namamangha sa kanyang nakikita. Ang lahat ay nagbago mula ulo hanggang paa, kuminis ang mga balat, lumaki ang kanyang katawan kahit hindi naman ito nag gym, at tumangkad ito ng 6'5 mula 5'6.

"Matindi pala talaga ang kapangyarihan ng bulaklak na benditas na ito." Manghang sabi ni Caster.

Samantala si Myrtle naman ay bumili ng bagong damit at nang kanya itong isinukat ay humarap sya ng salamin, naakit sya sa kanyang sarili. Ang mukha ni Myrtle ay medyo matapang tignan ngunit ubod ng ganda, at kahit sino ang makakakita sa kanya ay mahuhumaling sa kanyang kagandahan.

"Ako ba talaga ito? Napakaganda ko, kahit artista ay walang laban sa kagandahan ko!" tiningnan ni Myrtle ang kanyang dibdib at di sya makapaniwala, lumaki ito at tayong-tayo na kagaya ng isang angel o diwata, at perfect ang hubog ng buo nyang katawan.

Matapos maakit sa sarili ay lumabas sya ng fitting room.

"Miss, isusuot ko na ngayon to, tsaka yung sinukat ng lalaking kasama ko."

At binayaran ni Myrtle ang sales lady, manghang nakatingin ang saleslady, at hindi agad ito nakapagsalita.

Maya maya ay lumabas na ng fitting room si Caster at pareho silang namangha sa isa't isa.

Bigla na lamang silang nagyakapan at di nila napigilan na maghalikan,

Pinag titinginan sila ng mga tao habang naghahalikan sila.

"Ang gagandang nilalang naman ng mga yan!" Sabi ng isang babaeng nakatingin sa kanila.

"Oo nga, napakaganda nilang pamasdan." Sabi naman ng isa.

At napahinto sila sa kanilang ginagawa dahil nahiya sila sa mga taong nakatingin.

At nginitian na lamang nila ang mga taong nakatingin sa kanila, at lumabas na sila ng magkahawak kamay.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now