Chapter 54

1.4K 56 1
                                    

Kinagabihan

Nakalipat na ng simpleng apartment si Caster kasama ng kanyang pamilya, at masayang nagluluto ang nanay nya at mga kapatid na teen ager at sila ay nagkakasiyahan. Ang maliliit na mga kapatid naman ay nagtatakbuhan sa sala at ang kanyang ama ay nanonood sa malaking tv na nakadikit sa pader, excited sila sa kanilang bagong tinitirahan.

"Oh mga anak, baka madapa kayo, huwag na kayong magtakbuhan." sabi ng kanyang ama.

Naka upo naman si Caster at masayang pinagmamasdan ang kanyang pamilya at biglang sumagi sa isip nya si Krystal.

Napaisip si Caster.
"Hindi ko mapapatawad si Myrtle kung may mangyayaring masama kay Krystal! Hindi ko dapat iwanan si Krystal, kailangan nya ko!"

Maya maya ay kinuha ni Caster ang kanyang jacket at nagpaalam umalis.

"Aalis na muna ako nay, tay."

"Eh anak, malapit na kami matapos magluto, kakain na tayo!"

"Kumain lang po kayo at huwag ninyo akong alalahanin, busog pa ako, may pupuntahan lang ako." Sabi ni Caster.

"Oh sya mag iingat ka ha!" Sabi ng kanyang ina at nagmadali ng umalis si Caster.

Sumakay ito ng taxi, gusto nitong balikan si Krystal.

Samantala hindi makakain si Krystal, at nagligpit na sya ng pinagkainan at uminom ng tubig, sobrang lungkot ang kanyang pakiramdam mula ng umalis si Caster. Makalipas ang ilang sandali ay may biglang nag doorbell.

Ang akala ni Krystal ay si Madden ang nasa pinto, at nang kanyang binuksan ay laking gulat nya nang nakita nito si Caster na buong tamis na nakangiti sa kanya.

"Caster?"

"Kamusta ka na?!" Masayang wika nito.

Hindi agad makakibo si Krystal, at di nito namalayan na bigla na lamang tumulo ang kanyang mga luha. At bigla nyang niyakap ng mahigpit si Caster na tila ayaw na nyang bumitiw.

"Caster!" Umiiyak na sambit ni Krystal.

"Bakit ka umiiyak?"

"Hindi ko alam Caster, di ko maintindihan nararamdaman ko sayo, hindi naman kita boyfriend pero bakit sobra akong nasaktan nung umalis ka,"

"Nasaktan din ako,"

Napatingin si Krystal sa mga mata ni Caster.

"Nasaktan ka rin?" Di makapaniwala sambit nya.

"Oo naman,"

"But why?"

"Napatunayan ko sa sarili ko na ...... mahal kita!"

Hindi agad makapagsalita si Krystal sa sinabi ni Caster, ngunit bakas na bakas sa kanyang mukha ang kaligayahan, at kanyang sinabing.

"Caster! Kung alam mo lang mahal na mahal din kita!"

At bigla syang niyakap ni Caster at hinalikan sa labi.

Nakaramdam si Krystal ng matinding akit habang naghahalikan sila ni Caster lalo na ng binuhat sya nito at dinala sa kanyang silid.

Nag aalab ang kanilang mga damdamin habang sila ay nag iibigan, at doon lamang nakaranas si Krystal ng tunay na pag-ibig sa piling ni Caster. Labis na kaligayahan ang kanilang nadarama habang sila ay nagtatalik. Ilang beses napapakagat sa ibaba ng labi si Krystal habang sila ay nagniniig. Pakiramdam ni Krystal ay sya na ang pinaka maswerteng babae sa buong mundo ng mga sandaling iyon, damang dama ni Krystal ang kakaibang akit ni Caster na wala sa iba.

"Oh Caster!" Napapaungol na sabi ni Krystal.

Matapos nilang magsiping ay magdamag silang nakahiga at nag usap.

"Caster di ako makapaniwala na mahal mo ako, bakit ako?"

"Sino lang ba ako Krystal? Basta mahal kita."

"Alam mo sa dinami dami ng mga babae, nawawalan na ako ng pag-asa na magustuhan mo, kaya napakasaya ko at sa wakas ay tayong dalawa na."

"Ang importante ay mahal natin ang isa't-isa."

"Alam mo akala ko hindi ka na magbabalik, akala ko may iba ka ng mahal, labis akong nasaktan kahit hindi pa tayo," Sabi ni Krystal habang nakayakap kay Caster.

"Hindi na kita iiwan mula ngayon." Nangakong sabi ni Caster.

"Oh Caster ako na pinakamaligayang girl sa buong mundo, I love you."

"I love you too,"

"Tuloy ang career mo, masaya na ulit ako," masayang sabi ni Krystal.

"Gusto ko ulit mag-aral para kahit papano ay maipagmalaki mo naman ako."

"Pwede mo naman pagsabayin ang studies at modeling, huwag ka mag-alala."

Maya maya pa'y nakaramdam sila ng gutom.

"Halika sa kitchen lets eat!" Masayang sabi ni Krystal at sila ay kumain sa dining area.

Makalipas ang ilang sandali ay may nag doorbell at ito ay walang iba kundi si Madden.

At laking gulat nya nang nakita nya si Caster na naka tapis lamang ng tuwalya at naka bathrobe naman si Krystal.

"Oh Wow! Do I missed something here?" Masayang sabi ni Madden.

"Well kami na ni Caster!" Masayang sabi ni Krystal.

"Hello Madden!" Masayang bati ni Caster habang lumalapit sa kanya at inakbayan nya si Krystal.

"Oh girl, obvious naman na kayong dalawa na eh, I'm so happy that you are back Caster, mula bukas ay busy na tayo!" Nakangiting wika ni Madden.

"Tamang tama, ngayon pa lang kami kakain, join us!" Nakangiting sabi ni Krystal sa kanya. "Oh girl, gusto ko ng umuwi! Uwian na to, ikaw na nanalo Krystal!" Nagbibirong sabi ni Madden habang patungo sila sa dining area.

"You are really so Lucky! Bruha ka haha!" Kinikilig na sabi ni Madden.

Naupo sila sa dining at masaya silang nag kuwentuhan.At walang kasing saya ang nararamdaman nina Caster at Krystal nung mga sandaling iyon.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now