Chapter 58

1.4K 51 2
                                    

Samantala

Nasa simbahan na si Raven at ang mga bisita, excited na ang lahat makita si Nostalgia.

Naroon na din si Myrtle at Don Luiz.

Nakaupo si Myrtle katabi ng mga kamag anak ni Don Luiz, nakatayo naman si Don Luiz sa tabi ni Raven malapit sa altar ng simbahan.

Habang nakaupo si Myrtle ay paypay ng paypay ito kahit de aircon ang simbahan, di sya mapalagay at parang gusto na nyang mag walk out ngunit wala itong magawa.

At dahil hindi mapakali ay tumayo ito sa kanyang kinauupuan at nais nitong magpahangin sa labas. Nakita sya ni Don Luiz na tumayo sa kanyang kinauupuan, nilapitan nya agad ito.

"Kanina pa kita napapansin na tila di ka mapalagay, are you okay?" Tanong ni Don Luiz.

"Naiinitan lang ako," sagot ni Myrtle.

"What? Malakas naman ang aircon?"
Nagtakang sabi ni Don Luiz.

"Ewan ko, naiinitan pa rin ako, gusto ko ng sariwang hangin sa labas,"

"Well, go ahead dear,"

At naglakad si Myrtle papalabas ng simbahan, at habang nagpapahangin sa labas, ay may dumating na isang magarang sasakyan. At ang sakay nito ay sina Caster, Krystal at Madden.

"Caster?" Sambit ni Myrtle.

Ngunit dinaanan lamang sya ni Caster at di sya pinansin nito.
Nakaramdam ng poot si Myrtle.
"May araw ka rin Caster!" Bulong sa loob nya.
Wala ng tao sa labas ng simbahan at ang lahat ay nasa loob na nito, kaya naisipan ni Myrtle na pumasok na rin. Bumalik na ito sa kanyang upuan.

Kumpleto na ang mga bisita at si Nostalgia na lamang ang hinihintay ng lahat.

........

Samantala, habang nakasakay sa limousine si Nostalgia ay kanina pa nito pinag mamasdan ang telepono na nasa kanyang harapan, sa pamamagitan lamang ng intercon phone nya pwedeng makausap ang driver ng sinasakyang limousine dahil sa sobrang haba nito. Maya maya ay iniangat nya ang intercon upang kausapin ang driver.

"Yes mam?" Tanong ng driver sa kabilang linya, at may sinabi sa kanya si Nostalgia.

"Ok po mam!" Mabilis na sagot ng driver at biglang kumaliwa ito.

Samantala...

Sa maliit na bahay ni Brendan, nilapitan sya ng kanyang ina sa kanyang silid.

"Anak! Ilang araw ka ng hindi kumakain, ano ba nangyayari sayo?" Nag aalalang sabi ng nanay ni Brendan.

Nakaupo si Brendan sa sahig at nakayuko ito, kumakalat na ang mga butlig sa kanyang katawan at nangingitim na ang kanyang mga balat, kapag nagtagal pa ng ilang mga araw ay magiging kagaya na ito ng balat ng puno na mapupunta sa pagkahalimaw, kaya ang mga nalalagyan ng mga enigma noon ay nagtatangka na lamang magpakamatay.

"Anak sumagot ka, bakit ka nagkakaganyan dadalhin kita sa ospital!" Naiiyak na sabi ng kanyang ina.

"Pabayaan nyo na ako, wala na kayong maitutulong sa akin!"

Sabi ni Brendan habang nakayuko pa din ito.

"Anak huwag mong sabihin yan, halika sa ospital!"

"Wala na akong pag-asa nay, layuan nyo ako!" Nawawalan ng pag-asang sambit ni Brendan.

Maya maya ay may kumatok sa pinto, lumabas ang kanyang ina ng silid at binuksan ang pintuan at laking gulat nya ng bumungad ang isang babaeng nakasuot ng pangkasal.

Nagtaka ang nanay kung bakit may babaeng naghahanap kay Brendan na nakasuot ng damit pangkasal.

"Sino ka?" Nagtatakang tanong ng ina ni Brendan.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now