Chapter 11

2.2K 69 0
                                    

Kinagabihan.....   

Sa pagtulog ni Myrtle ay masamang masama pa din ang kanyang loob sa pagkakatanggal sa patimpalak.Hindi nya ito matanggap, at naalala nya ang nakasulat sa Diary.

Kinuha ni Myrtle ang diary at binasa nya ito ulit.

Ang anak ng isang katiwala na si Kasandra ang naibigan ni Leandro nung gabi ng The Night to remember, si Kasandra ang pinaka maganda nung gabi na iyon at hindi maihahalintulad ang kanyang kagandahan sa ibang babae, at mula ng nahaplos ni Leandro ang mga balat ni Kasandra ay umibig ito ng wagas, kung sino man ang makahaplos ng balat ng taong gumamit ng benditas ay mapapaibig ng wagas.

"Hmn alam ko na kung bakit nangyari yon dahil sa lihim ni Kasandra." Sabi ni Myrtle sa kanyang loob, binasa nya ulit nag nakasulat na lihim sa libro.

"Matatagpuan sa puno ng Hermosa sa dalampasigan ng Santa Barbara ang bunga na dapat kainin sa loob ng kagubatan para makapasok at makalabas ng ligtas sa loob ng kagubatan kung saan makukuha ang mga benditas!"  Sabi ni Myrtle sa kanyang loob habang binabasa ang diary.

"Saan kaya ang Santa Barbara na ito? Kailangan kong mapuntahan to, totoo kaya ito? Pero papano ko malalaman na totoo kung di ko pupuntahan?" Sabi nya sa kanyang sarili at humarap sya sa salamin, nakita nyang hindi sapat ang kanyang ganda gaya ng ibang mga magagandang mga babae.Kaya lang nya napaibig si Brendan ay siniraan nya si Laila at sya ang nagmukhang kaawa-awa kaya naawa sa kanya si Brendan, akala ni Bendan ay mabait si Myrtle.

"At ayokong maagaw ng iba sa akin si Brendan, mahal ko sya!"

Binuksan ni Myrtle ang kanyang laptop na pinadala ng kanyang ama at hinanap nya sa google kung saan matatagpuan ang Santa Barbara at kanya itong nalaman.

"Ang layo pala ng lugar na iyon, pero ayon sa kasaykasayan marami daw ang mayayaman doon at mayroon na naganap na isang urban legend tungkol sa Estatwa ni Kasandra? Ibig sabihin naging estatwa si kasandra?" Papano nangyari yon?"

Kinuha nya ulit ang libro ngunit hindi na nya mabasa ang mga sumunod na pahina.

"Hmm nakakatamad ibakat ang bawat letra nito! ang kailangan ko lamang ay ang lihim, ang importante ay gumanda ako ng walang katulad, di ko na dapat alamin ang mga lagim na naganap, hindi ako interesado, kaya lang ayoko magpunta mag isa doon, ayoko naman isama si Brendan dahil lihim ko lamang ito, ayokong malaman nya na gumanda ako dahil sa isang lihim.Ah alam ko na! kay Caster, sa kanya ako magpapasama, tutal tanga-tanga naman yon eh." Sabi ni Myrtle sa kanyang loob.

Kinabukasan ay nakipagkita si Myrtle kay Caster.

"Aba nakakapagtaka naman at gusto mo akong makita?" Nakangiting sabi ni Caster.

"Gusto ko lang kasi sayo magpasama."

"Saan?"

"E sa Santa Barbara!"

"Saan naman yun?"

"Eto yung mapa, na print ko yan sa internet,"

"Ano naman ang gagawin natin dyan?"

"Dadalawin ko lang mga kamag anak ko."

"Ganon ba o sige, ikaw ba naman matatanggihan ko, kelan ba?"

"Bukas ng madaling araw, kailangan na nating maka alis."

"Ok, wala naman akong trabaho eh, natanggal ako."

"Ah talaga kawawa ka naman pala, basta aasahan kita ha, dito na lang tayo magkita bukas ok."

"Ok, basta ikaw." Nakangiting sabi ni Caster.

............

Kinagabihan.

Habang naglalakad si Nostalgia pauwi sa kanilang dampa ay sa di inaasahang pangyayari ay nakita nya si Brendan na pinagtutulungan na binubugbog ng mga tambay sa kanto.

"Tigilan nyo yan! Tatawag ako ng pulis!" Sigaw ni Nostalgia at ng nakita sya ng mga nambubugbog kay Brendan ay nagtakbuhan ang mga ito, naiwan si Brendan na nakahiga sa kalye.

Nilapitan nya ito at tinulungan.

"Brendan ok ka lang ba?"

Hindi makatayo si Brendan sa sakit ng kanyang katawan.

Inalalayan nya si Brendan at nakatayo ito, umakbay ito sa kanya at ng malapit na sila sa dampa nila Nostalgia ay iniupo nya ito sa mahabang banko.

"Ano ba nangyari bakit ka nila binugbog?"

"Ewan ko naglalakad lang ako eh, may babaeng tumingin lang sa akin at lumapit, tapos bigla na lang may nagdatingan na mga lalaki at binugbog ako."

"Ganon ba, naku kailangan magamot yang ga sugat mo."

"Wala to, mawawala din to, salamat sa pagtulong mo ah, kung di ka dumating baka hanggang ngayon binubugbog pa ako ng mga tarantado na yon!"

"Isumbong natin sa pulis."

"Huwag na, makakaganti din ako sa mga yan."

"Huwag mo na sila gantihan, mga walang kwentang tao yung mga yun."

Hinawakan ni Brendan ang kamay ni Nostalgia at tinitigan nya ito sa kanyang mga mata at nagkalapit ang kanilang mga mukha, at bigla na lamang hinalikan nya si Nostalgia. Hindi makatinag sa kinauupuan habang hinahalikan sya ni Brendan.  Napapikit na lamang sya at kanyang  ninamnam ito.

"Salamat Nostalgia." Sabi ni Brendan at bahagya syang ngumiti, at sya ay tumayo at nagpasya ng umalis.

Napahawak si Nostalgia sa kanyang labi habang sinusundan nya ng tingin si Brendan na papalayo sa kanya.
Nakaramdam ng saya si Nostalgia sa ginawa ni Brendan, ngunit alam nyang pasasalamat lamang iyon kaya sya hinalikan nito, ngunit kahit halik lamang ito ng pasasalamat ay maganda ang kanyang pakiramdam at ninamnam nya ito hanggang sa kanyang pagtulog.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now