Chapter 48

1.2K 47 0
                                    

Samantala, may isang model na babae ang lumabas ng back stage at nagpunta ito sa counter ng mga drinks at sya ang unang nakakuha ng isang inumin na may enigma, at kanyang ininom ito sa sobrang uhaw, matapos ay nagbalik na agad ito ng back stage.

"Myrtle?" Sambit ni Brendan, at agad ito umatras nang nakita nya ito.

"Kung natatakot kang mahawakan ako wala akong magagawa, hanggang dyan ka na lang Brendan isang hamak na bellboy! At syanga pala kung ayaw mong may mangyaring masama sayo, umalis ka na bago mag 30 minutes! Hahaha!" Tumawang sabi ni Myrtle at naglakad na ito pabalik kung saan sya nakaupo.

"30 minutes?" Nagtatakang sabi ni Brendan at bigla syang kinabahan.

Nakabalik na si Myrtle sa table at hinawakan nya sa kamay si Don Luiz.

Hindi pa rin mapalagay si Brendan sa sinabi ni Myrtle.

Tumingin si Brendan sa kinauupuan ni Nostalgia at nakita nyang abala ito sa panonood.

Gusto nyang lapitan ito.

Nakatingin naman si Nostalgia kay Caster at masaya sya sa tagumpay nito, alam nyang mabait na tao si Caster at hindi ito gagawa ng masama sa kapwa. At nang pumasok na ulit ng back stage si Caster ay doon lamang ulit naging nahinto sa pagkamangha ang mga nanonood.

"He is amazingly perfect!" Sabi ng isa sa mga guest.

Proud na proud naman sila Madden at Krystal dahil nakita nila kung gaano na attract ang mga tao kay Caster..

"Oh my Caster sana magustuhan mo ako, but you are too much handsome for me, sobrang inlove nako sayo! Oh Caster!" Sabi naman ni Krystal sa kanyang loob. Maya maya pa'y kinuha na ng waiter ang tray ng mga drinks at isa isa na nya itong ilalagay sa table, random ang paglagay nito ng mga juice dahil iba iba ang gusto ng mga flavor ng mga tao. Unang lumapit ang waiter sa isang table.

"What drinks do you like ma'm? We have grapefruit, peach, cramberry, lychee and blueberry." Tanong ng waiter.

"Lychee please!" Sabi ng babaeng guest, lingid sa kaalamanan ng waiter na may enigma ang mga inumin na iyon.

Masayang inilagay ng waiter ang lychee drink sa table sa harap ng guest.  Matapos ma iserve ang mga drink, pumunta naman ito sa kabilang table at lumipat sa kabila hanggang naubos ang laman ng tray.

Hindi na mapalagay si Brendan sa sinabi ni Myrtle at nakita nya ang mga waiter na nagbibigay ng mga drinks sa mga guests. Nagbabalak lapitan ni Brendan si Nostalagia para mapagsabihan ito ngunit nasa tabi nito si Myrtle. Nanlalamig ang pakiramdam ni Brendan at biglang nakita nya si Nostalgia na napatingin sa kanya.

"Brendan?" Sabi ni Nostalgia sa kanyang loob.

Nakita nya si Brendan na kumakaway sa kanya at pinapalapit sya nito, pansamantalang nagpaalam si Nostalgia kay Raven.

"Punta lang ako ng cr." Sabi ni Nostalgia.

"Oh yeah sure!" Nakangiting sabi ni Raven at hinawakan nya ang kamay ni Nostalgia para makatayo, at nais pa syang samahan ni Raven ngunit sinabi ni Nostalagia na sya na lamang mag isa.

Nagmamasid naman si Myrtle sa paligid at nakikiramdam, habang ang mga tao ay nanonood sa stage sya naman ay abala sa pag gala ng kanyang mata sa paligid. Tinitingnan nya ang mga tao, at nakita nyang marami na ang umiinom ng mga drinks at naisip nya na isa sa mga iniinom ng mga ito ay may halong enigma, sampung inumin ang nilagyan nito ng enigma. Makalipas ang ilang sandali ay nagbabalak na syang umalis.

Napansin sya ni Don Luiz.

"Are you okay hon!" Sabi nito kay Myrtle.

"Ok lang ako hon, pero gusto ko na bumalik sa penthouse."

"Pero hindi pa tapos ang show, hindi ka ba nag eenjoy?" Sabi ni Don Luiz. "Nag eenjoy naman ako, pero," di mapalagay na sabi naman ni Myrtle.

Narinig sila ni Madden.

"Huwag muna kayo umalis, may second and third set show pa," Sabi naman ni Madden.

"Your models are really amazing lalo na yung pinakahuling lumabas." Sabi ni Don Luiz.

"Oh yeah sya po si Caster Bardem."

Masayang nakipag kuwentuhan si Krystal at Madden kay Don Luiz, ngunit si Raven ay naka upo lamang at may kausap sa kanyang cellphone, kausap nito si Elizar sa kabilang linya.

Samantala....

Nakalapit si Nostalgia kay Brendan na nasa tabi ng counter ng mga drinks.

"Nostalgia!"

"Brendan?"

"Parang may masamang mangyayari, kailangan na nating makaalis na dito." Nag aalalang sabi ni Brendan.

"Bakit?"

"May hinala akong naglagay ng enigma si Myrtle sa drinks ng mga tao, di ko lang alam kung ilan pero sa tingin ko ay marami."

"Ano?"

"Delikado, Nostalgia, umalis na tayo!"

Kinabahan si Nostalgia at napa gala ang kanyang mga mata sa paligid, naalala nya ang nangyari kay Empress.

Maya maya pa'y lumabas sa stage ang model na unang nakainom ng enigma, at habang ito ay rumarampa sa stage ay bigla na lamang ito huminto sa gitna at biglang na lamang yumuko.

Nagtaka ang mga organizer sa ginagawa nito.

"What is happenning to her? Hindi ko tinuro yan!" Sabi ng isa sa mga nagtuturo sa mga modelo, at sinesenyasan nya ito."Hey, ano ginagawa mo dyan, bakit ka huminto?" Sambit nito ni habang nakasilip ito sa back stage ngunit hindi sya pinapansin ng model.

Wala naman nakakapansin dito, dahil si Caster lang ang inaabangan nila kaya mas abala ang mga ito makipagkwentuhan sa mga kasama nila sa table.

Abala rin sa kuwentuhan sila Don Luiz, Madden at Krystal, gayon din si Raven sa pakikipag usap sa cellphone. Lumabas ito pansamantala para marinig ang sinasabi ng kanyang kausap sa kabilang linya dahil maingay ang tugtog ng music sa loob ng ballroom.

Habang nakayuko ang model sa stage, ay biglang lumaylay ang mahabang buhok nito mula sa pagkapusod at maya maya pa'y nagpa baling baling na ang kanyang ulo. Una sa kaliwa at sumunod ay sa kanan at sunud sunod na itong nag papabaling-baling at bumilis ito, at maya maya pa'y nag uumpisa ng mamaluktot ang mga daliri nito.

Kinabahan ang mga organizer sa kanilang nakita.

"What is wrong with her?" Kabadong sabi ng mga ito, napagkamalan nilang  may epilepsi ang modelo.

"Bakit di nyo sinabi na may epilesi sya? My gosh hindi maaari ito! Sinisira nya ang show! Tumawag kayo ng security ngayon din!" Sabi ng isa sa mga organizer sa mga staff.

At maya maya ay lumapit ang dalawang guard sa model, at nang lumapit ang mga guard ay doon lamang napansin ito ng mga guests na may nangyayari sa stage.

Napatingin si Brendan at Nostalgia sa stage.

"Eto na yon! Sinasabi ko na nga ba!" Sabi ni Brendan.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now