Chapter 46

1.3K 56 2
                                    


Nabalitaan ni Brendan ang nalalapit na kasal ni Nostalgia at Raven at labis itong nasaktan.

Nilapitan sya ng floor manager habang nasa isang tabi ng hallway.

"Dito lang pala sila nagkakilala ni sir Raven at Nostalgia na yun, kapangalan pa nya yung dating kasama mo, nasaan na ba si Nostalgia?"

"Ah nasa ibang lugar na sya at di na sya babalik pa dito." White lies na sabi ni Brendan.

"Kaya naman pala, eh bakit parang malungkot ka Brendan, may gusto ka ata sa fiance ni Sir Raven eh, napakaganda ba naman kasi nya diba?"

"Malungkot? Hindi ah bakit naman ako malukungkot eh hindi ko naman sila kaanu ano."

"Ah akala ko naman, but anyway bakit hindi na lang ako ang ligawan mo hihi." Kinikilig na sabi ng floor manager.

"Alam mo ang tingin ko sayo ay ate ko, kaya hindi kita pwede ligawan."

"Ate? Ok sige na nga, nagtataka ako sayo ang daming nagkakagusto sayo na mga babae dito pero bakit wala ka man lang magustuhan sa kanila?"

"Darating din yan, sa ngayon trabaho na muna." sabi ni Brendan at naglakad ito ng hallway papunta sa ball room, at doon ay nakita nya ang nakapaskel na poster sa magaganap na fashion show.
.....

CASTER'S FASHION SHOW

Gabi ng Fashion show ni Caster.

Abala ang mga catering services sa isang malaking ballroom ng Saphire View Hotel.

May malaking runway stage sa harapan, at may nakasulat dito na Madden&Krystal apparel.

Sa paligid naman ay may mga round tables na may walong upuan na naka kalat sa buong floor, sosyal ang setting ng mga ito.

Nag dadatingan na ang mga bisita.

Samantala sa back stage.

Nakasilip si Madden sa mga sosyal na mga taong nagdadatingan.

"My Gosh, this is our first fashion show, at nakakataba ng puso at talagang pinaghahandaan ito ng mga tao. Tingnan mo naman ang sososyal nila at mukhang pinaghandaan nila to." Excited na sabi ni Madden kay Krystal habang nakasilip sila mula sa back stage.

"Oo nga, halika na mag paayos na tayo sa stylist para bongga din tayo pag rumampa tayo ng stage mamaya haha!" Sabi naman ni Krystal, nakita nya ang may ari ng H&H.

"My Gosh! Krystal! Halika dali tingnan mo, si Henrick at Honeylyn they here, bumili pala sila ng ticket?"

"Talagang curious sila na makita si Caster in person, this is really a good sign."

Maya maya ay lumapit ang isang staff at may ibinalita sa kanila.

"Mam! Sir! Kailangan natin ng isa pang extra table!" Natatarantang sabi ng isang staff.

"Bakit?"

"Eh darating daw po ang may ari ng hotel na ito, si Don Luiz at Raven Ayala."

Nagkatinginan ang dalawa at na excite.

"Talaga? Oh this is gonna be great!" Sabi naman ni Krystal..

"Ok sabihan mo ang catering na magdagdag ng isa pang table dito sa pinaka harapan!" Masayang sabi ni Madden.

.......

SA PENTHOUSE

Inaayusan si Myrtle ng mga couturier., at humanga sila sa sobrang ganda nito.

"Napakaganda mo naman." Sabi ng bading na stylist na nag aayos ng kanyang buhok.

"Salamat!" Sabi naman ni Myrtle habang hawak nya ang magazine na si Caster ang cover.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon