Chapter 15

2.4K 67 13
                                    

Wala ng bisa ang bunga ng hermosa kung kaya't ramdam na ni Myrtle ang sobrang takot.

Samantala, humahangos palabas ng hamog na gubat si Caster, wala na ang talab ng bunga.
Nilalapitan na sya ng mga maligno.

Hanggang sa hinarangan na sya ng mga ito. Nararamdaman na ni Caster ang matinding takot, at bigla na lamang nawala ang liwanag kung saan naroon ang labasan.
"Hindi na ako makakalabas!" Bulalas nya, nakikita nyang napapaligiran na sya ng mga maligno at unti unti ng naglalapitan ang mga ito sa kanya, napasadlak na lamang si Caster sa lupa at naghihintay na lamang ng kanyang katapusan. At habang nakadapa sya ay bigla na lamang may gumulong na isang bunga ng hermosa mula sa bulsa ng kanyang polo shirt, at doon nya naalala na nakakuha sya ng isa pa nito.
Malapit ng dumampi sa kanyang katawan ang mga kamay ng mga taong puno. At kahit walang kasiguraduhan
ay kanyang dinampot ang bunga at kinain nya ito. Napapikit na lamang si Caster nang nakita nyang mahahawakan na sya ng mga taong puno. At laking gulat nya nang nakita nyang naglayuan ang mga ito at nawala ang takot na kanyang nararamdaman. Napangiti si Caster.
"Tumalab ulit ang bunga! Makakalabas na ako!" Masayang sabi ni Caster. At muli niyang nakita ang liwanag palabas ng hamog na gubat na yon.
At doon ay nagmadali syang lumabas hawak ang benditas.
Sa kanyang paglabas, hinanap nya si Myrtle. "Talagang iniwanan ako ng babae na yon!" Sabi ni Caster, at maya maya ay narinig nya ang sigaw ni Myrtle. Ginala nya ang kanyang mga mata, at doon ay nakita nya si Myrtle.
Agad nyang nilapitan ito.
"Myrtle, bakit ka sumisigaw?" Sabi ni Caster, at nang nakita sya ni Myrtle ay napayakap ito sa kanya.
"May sumusunod sa akin, nararamdaman ko!" Takot na sabi ni Myrtle.
"Umalis na tayo dito!" Sabi ni Caster at nagmadali sila umalis sa lugar na yon.
...

Nang nakalabas na sila ng kagubatan, naglakad sila sa kalye at doon nila naramdaman ang sobrang pagod at takot.

Hindi sila nag uusap, tanging hingal ang naririnig sa kanila. May dumating na isang tricycle at agad ito pinara ni Caster.

.....

Nagpahatid sila sa isang kainan. At habang sila ay kumakain ay nilabas ni Caster ang sama ng loob nya kay Myrtle.

"Bakit ka nang iwan?" Masamang loob na sabi ni Caster.

"Akala ko ay hindi ka na makakalabas, kaya niligtas ko lamang sarili ko," sagot ni Myrtle. Napailing na lamang ng ulo si Caster.
"Mabuti na lamang at may nakuha pa ako na extra na bunga,"

"Tumalab ulit?"

"Oo, kaya nga nakalabas ako ng buhay, buti na lamang at nakuha ko itong benditas na to, sulit lahat ng takot ko,"

Hindi makapaniwala si Myrtle nang nakita nya ito.
"Nakuha mo rin yan?"

"Oo, kaya nga ako bumalik sa halamanan,"

Nakaramdam ng pagka inis si Myrtle.

"Ako lang ang dapat meron nyan,"

"Sinamahan kita sa nakakatakot na lugar na yon, kaya dapat ay magpasalamat ka sa akin,"

"Pero, bakit yan lang ang kinuha mo, bakit hindi mo kinuha yung kakambal nyan, yung enigma?"

"Hindi ko kailangan yon, baka lalo ako pumangit!" Sagot ni Caster.

"Hindi mo naman gagamitin sa sarili, sa kaaway mo,"

"Wala naman ako kaaway, kuntento na ako sa benditas na to,"

"Sana lang tumalab yan,"

"Bakit hindi?"

"Hindi mo kinuha ng kumpleto, basta ako naniniwala akong tatalab sa akin to,"

Napahawak sa ulo si Caster at nakaramdam ng takot, na baka totoo sinasabi ni Myrtle.

"Kung sakaling tumalab ang benditas, gagamitin mo rin ba ang enigma sa kaaway mo?"

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon