Chapter 39

1.8K 54 3
                                    


Kahit may mahalagang bagay na gagawin si Raven ay mas inuna nito asikasuhin si Nostalgia.

.......

Pagdating sa kanyang opisina.

"Please take a seat!" Nakangiting sabi ni Raven.

Naupo si Nostalgia.

"What kind of job do you prefer?"

"Kahit ano po Sir hindi po ako namimili," sagot niya, naisip nya na baka sakaling bigyan sya ng mas magandang trabaho.

Hindi rin masabi ni Nostalgia na nagtatrabaho na sya doon ngunit iba na ang kanyang itsura kaya kailangan ay mag aaply sya ng bago, hindi nya rin naiba ang kanyang pangalan.

Maya maya ay biglang nag ring ang cellphone ni Raven, tumatawag si Elizar na nasa kabilang branch ng Saphire View hotel.

"I will cancel my appointment for today, or kung gusto mo ay ikaw na ang makipag meet sa kanila I have an important things to do, bye!" Sabi ni Raven at agad nya itong binabaan ng cellphone. Maya maya ay may pumasok na staff.

"Sir may naghahanap po kay Sir Elizar?"

"He is not here, doon ko sya nilagay ngayon sa BGC branch, tell them to meet him there, ok!"

"Ok Sir!" Sabi ng staff at lumabas na ito ng silid.

Nawala ang kaba ni Nostlagia nang nalaman nyang wala doon si Elizar, dahil naka lista ang kanyang pangalan sa file nito.

Nakatitig sa kanya ang napakaguwapong si Raven, at di makapaniwala si Nostalgia na kaharap nya ang anak ni Don Luiz at nararamdaman nyang may gusto ito sa kanya.

"Well I have a job that suit for you."

"Ano po yon?"

"I want you to be my Private secretary is that okay?"

"Oh pero masyado pong mataas yon."

"It does fit you."

Pinaupo si Nostalgia sa isang bakanteng desk.

"From now on, this will be your office, and while I'm here I'll give you a room to stay for a mean time, para kahit saan ako magpunta ay kasama ka, are you happy?"

"Oh yes sir thank you so much!" Di makapaniwalang sabi ni Nostalgia.

Maya maya ay may tumawag kay Raven.

"Okay I'll be there." Sabi ni Raven sa kausap nya sa kabilang linya,

"I'll be back in ten minutes, stay here okay." Sabi ni Raven at pansamantalang lumabas ito at lumipat sa kabilang silid, at nang nakalabas si Raven ay di makapaniwala si Nostalgia sa bilis ng mga pangyayari. Kinuha nya sa kanyang bag ang benditas at kanyang pinagmasdan.

"Ibang klase pala talaga ang benditas na to, nasan na kaya si Brendan? Nasasabik akong makita sya." Sabi ni Nostalgia sa kanyang loob.

Makalipas ang ilang minuto ay nagbalik na si Raven.

"Nostalgia, I want to show you your room, come with me!" Sabi ni Raven.

"Ok Sir."

........

Samantala ay abala sa paglilinis ng mga silid si Brendan, kinukuha nya ang mga recycle bin sa bawat kuwarto ng silid. At habang tulak nito ang cart na may mga laman na mga tuwalya, sabon at iba pang gamit sa hotel ay biglang nakasalubong nya sa hallway ang paparating na si Raven at laking gulat nya nang nakita nyang kasama nito si Nostlagia. Wala syang nagawa kundi magbigay galang nang papalapit ang mga ito sa kanyang harapan. At nang malapit na sila sa kanyang harapan,  napalingon sa kanya si Nostalgia, ngunit hindi sya nito binati dahil kasama nito si Raven.

Nakita ni Brendan na pumasok ang mga ito sa isang silid, nakaramdam ng selos si Brendan.

"Napakabilis naman ng pangyayari at kasama nya agad ang Raven na iyon? Sana huwag kang magbago Nostalgia." Nag aalalang sabi ni Brendan sa kanyang loob.

Pagpasok nila sa suite, walang ibang gawin si Raven kundi titigan si Nostalgia. "You're so beautiful!"
At napansin nito na hindi maganda ang suot ni Nostalgia. "I want you to wear some fancy clothes, come with me!" Sabi ni Raven. "Saan tayo pupunta?"
"I will take you to the boutique to buy some new clothes,"
"Nahihiya po ako,"
"No worries, ipapakilala kita sa fiance ng dad ko,  we will have a diner with her tonight," sabi ni Raven. Kinabahan si Nostalgia, alam nyang si Myrtle ang tinutukoy nito. "Let's go," wika ni Raven, walang nagawa si Nostalgua kundi sumama sa kanya. Gustong ipakita ni Raven kay Myrtle na may babaeng mas nakakahigit sa kanyang kagandahan.

...........

Kinagabihan

Masayang nakaharap sa salamin si Myrtle at naaakit sya sa kanyang sarili.

"Wala ng hihigit pa sa aking kagandahan, kaya kong paluhurin kahit sinong lalaki sa mundo, kailangan ko ng maubos ang mga benditas para mapanatili ko na ang gandang taglay ko, hmp bakit kasi pa isa-isa lang ang pag gamit ng benditas na yun? Pero kailangan kong maghintay hanggang ito ay maubos at kailangan ko na rin maubos ang mga talutot ng enigma na yon. Siguro pag naubos na yon ay papakawalan na ako ni Kasandra. Mula nung ginamit ko ang enigma ay hindi na sya nagpapakita sa akin. Lumipas na rin ang kabilugan ng buwan pero walang masamang nangyari, sa palagay ko ay nagustuhan nya ang ginagawa ko. Malapit na akong magtagumpay!" Sambit ni Myrtle habang nakaharap sa salamin.

Maya maya ay pumasok si Brendan sa  silid na iyon dala ang isang kahon na naglalaman ng damit na binili ni Myrtle online.

Inilapag ito ni Brendan sa kama, at biglang lumapit si Myrtle sa kanya.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon