Chapter 3

2.4K 87 2
                                    

Matapos nilang kumain ay inasikaso ni Nostalgia ang kanyang ama.

Sinamahan nya ito sa banyo. At nilinis nya ang katawan nito, ginamit nya ang malapit ng maubos na sabon.

Binihisan naman ng kanyang ina ang kanyang ama.     

"O ayan maginhawa na ang pakiramdam mo, makakatulog ka na ng mahimbing nyan."sabi ni Ester kay Renato.

"Napakaswerte ko at dalawa kayong nag aalaga sa akin."

Sabi naman ni Renato..

Nahiga si Renato at kinumutan ni Ester, nahiga na din sa kanyang tabi.

Ang silid naman ni Nostalgia ay sa itaas ng papag, may maliit na hagdan paakyat sa kanyang papag. Mayroon syang ilaw na nakasabit sa kahoy na pader, ito ang nagsisilbi nyang liwanag sa tuwing nagbabasa sya ng libro, may ilan syang nakulekta na mga lumang pocket book na napupulot nya sa basurahan.

Sa kanyang paghiga ay naalala nya ang sinabi ni Myrtle tungkol kay Brendan,  ngunit lagi niyang naiisip, sa kanyang kaanyuan at katayuan sa buhay ay hindi sya umaasang magugustuhan nito, maari pa si Myrtle dahil hindi ito mukhang mahirap, ngunit mas maganda at mas maamo naman ang mukha ni Nostalgia kesa kay Myrtle. Nababahiran lamang ito ng kahirapan kaya hindi napapansin, si Myrtle naman ay may dimple sa gilid ng kanyang labi sa tuwing sya ay ngumingiti, ordinaryo rin lang ang buhay ni Brendan, mayroon silang tindahan at bigasan, ngunit pinaalis na sila doon kung kaya't nawalan na din ng trabaho ang kanyang mga magulang, kaya nahinto na rin si Brendan mag aral at namasukan bilang isang waiter sa bar. Guwapo si Brendan, matangkad at maraming mga babaeng kinikilig sa kanya.

Binuksan ni Nostlagia ang libro na kanyang napulot.

Nakita nyang medyo malabo na ang mga nakasulat dito ngunit mababanaag ang mga ito kung kanyang babakatin, at may mga parte na malilinaw pa.

"Sulat kamay pala ito, isa yata tong diary? Kanino kaya ito?"

Kinuha nya ang kanyang ballpen at binakat nya ang bawat letra na malabong nakasulat, para mabasa nya ito. Habang kanyang binabakat ang bawat letra ng mga nakasulat ay unti unti na nyang nababasa ito, kaya pinagtyagaan nyang bakatin ang isang buong pahina. At nang kanyang natapos ang isang pahina ay kanya itong binasa.

"Sa bayan ng Santa Barbara, isang kakaibang uri ng pag-ibig ang naganap nang dahil sa lagim,"

"Kakaibang uri ng pag-iibigan? Ano kaya nangyari?" Interesadong sambit ni Nostalgia at pinagpatuloy nito magbasa.

Napapabilang sa angkan ng mayayaman ang kanilang pamilya, anak ng pinkamayamang Doktor sa bansa si Beatrice at anak naman ng mayamang negosyante at haciendero si Leandro, at ito ay isang sikat na batang skultor. Pangarap ng kanilang mga magulang na sila ang magkatuluyan kaya pinapadalo sila sa isang kasiyahan na tinatawag na "The Night to Remember" ito ay tradisyon na kasiyahan ng mayayaman taun-taon, para magkakilala ang mga anak ng mayayaman sa lipunan at magkaroon ng pagkakataon na makapamili at magkagustuhan.  Marami ng relasyon ang nagtatagumpay sa tradisyong iyon kaya ang lahat ng mayayaman ay naghahanda para makadalo ang kanilang mga anak para dito. Mga bata pa lamang sina Leandro at Beatrice ay nagkita na sila at nakadama ng lihim na pag ibig sa isa't isa. At nang sila ay dumating sa tamang edad, pinadalo sila sa Night to Remember. At iyon na ang pagkakataon na sila ay magkikita muli, ngunit sa di maipaliwanag na dahilan, ibang babae ang naibigan ni Leandro at ito ay ang anak ng isang katiwala na si Kasandra.

"Hmn....Isa palang Love story ito, tungkol sa isang makisig na skultor na iniibig ng dalawang babae, gusto kong basahin lahat ng nilalaman ng libro na to, kaya lang nakakabitin, kailangan ko pang bakatin bawat isang letra." Sabi ni Nostalgia sa kanyang loob.

Nahiga na sya para matulog ngunit di sya dalawin ng antok.

Interesado syang basahin ulit ang libro kaya binakat nya ulit ang sumunod na pahina, at kanyang binasa.

"May isang lihim na taglay si Kasandra at dito nagsimula ang lagim."

"Hmm? Lagim? nakakatakot naman, pero gusto ko malaman, sana mabuo ko ang libro na to para mabasa ko ang storya ng pag iibigan nila nung skultor na si Leandro, ano kaya ang storya nila?" Sabi ni Nostalgia sa loob nya at sya ay biglang naghikab, pinatay na nya ang ilaw na nasa kanyang tabi at sya ay natulog.

........

Isang araw, mag isa lamang si Nostalgia mangalakal ng araw na iyon, may trangkaso si Myrtle. At habang nangangalakal ng basura si Nostalgia ay nakita nya si Brendan na nag lalaro ng basket ball sa baranggay.

Huminto sya sa kanyang ginagawa at pinanood nya si Brendan, nasa labas sya ng baranggay hall, nakasilip lamang sya sa rehas.Lalong nakakaramdam si Nostalgia ng pagkagusto dito habang kanya ito minamasdan, napapahawak sya ng mahigpit sa mga rehas sa tuwing nakikita nya itong nakakashoot ng bola, nag titilian ang mga babae sa kanya.

"Ang galing talaga nya!" Sabi ni Nostalgia at mag isa syang nag chi cheer sa kanyang kinatatayuan.

Matapos ang first quarter ay naupo si Brendan at nilapitan ng babae at pinag kumpulan ito.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz