Chapter 23

2.1K 70 4
                                    


Pumasok sila sa loob ng admin office.

Sumilip sa may pinto si Caster, gusto nyang malaman kung ano ang kanilang pakay doon.

Nakita nyang nag pi fill up ng form ang dalawa.

"Magtatrabaho din sila dito? Ano kaya ang magiging trabaho nila?" Tanong ni Caster sa kanyang loob.

Makalipas ang ilang sandali ay lumabas na ng silid sila Brendan at nang nakita ito ni Caster ay nagtago sya sa may haligi at sinundan nya ulit ang mga ito, nagpunta sila sa maid's quarter at doon ay nakita nyang binigyan sila ng isusuot nilang uniform na gaya ng uniform ng roomboy at roomgirl.

"Hmn, roomboy at roomgirl pala ang magiging trabaho nila dito? Magpakilala kaya ako sa kanila? Kayalang di naman sila maniniwala at baka magtaka lang sila?" Sabi ni Caster sa kanyang loob.

Habang nag mumuni muni si Caster ay biglang lumabas ng maidsquarter si Brendan at Nostalgia suot ang kanilang uniform, napadaan sila sa harapan ni Caster at napatingin sa kanya, nginitian lamang sila ni Caster nang sila ay nakita. Napatitig ang dalawa sa kanya, at nauntol ang kanilang tinginan nang dumating ang floor manager.

"Bakit nandito ka?" Sabi ng manager na si Florence kay Caster.

"Sorry po ma'am mag si cr lang po ako." Sabi ni Caster.

"Ah okay, bumalik ka kaagad sa hall maraming guest ngayon." Malambing na sabi ni Florence. At ngumiti ito kay Caster na may halong pagkakilig.

Sumunod si Brendan at Nostalgia kay Florence at tinuturo sa kanila ang kanilang mga gagawin, at nang sila ay nakalayo na ay agad naman nag punta si Caster sa office kung saan naroon si Myrtle.

Kumatok ng pinto si Caster at binuksan ni Myrtle.

"Bakit ka nandito?"

"Nakita ko si Brendan at Nostalgia, dito na rin sila mag tatrabaho!" Bulalas ni Caster.

Biglang nag alala si Myrtle, hindi dapat malaman ni Nostalgia na sya si Myrtle dahil malalaman nito na ginawa nya ang lihim.

"Sigurado ka ba? Papano mangyayari yon eh wala namang requirements si Nostalgia para makapasok dito at wala syang experience?"

"Sigurado akong sila yon, kaya siguro nakapasok dahil kay Brendan, alam mo namang matinik yung lalaki na yun!"

"Hmm, pero wala na tayo magagawa kung nandito rin sila, ngunit huwag na huwag mong sasabihin ang lihim natin, hindi dapat nila malaman kung sino tayo!"

"Bakit ayaw mong malaman nila, kaibigan mo naman si Nostlagia diba, at si Brendan ay......ex boyfriend mo?"

"Ah basta ayokong malaman nila, kaya ikaw manahimik ka."

"Ok sige na, pakiss naman." Sabi ni Caster, napatingin si Myrtle sa kaakit akit na labi ni Brendan, at di ito nakapagpigil at naghalikan sila, habang nagsasanib ang kanilang mga labi ay nakakaramdam silang muli ng kakaibang akit sa isa't isa at gusto nilang gawin ang pag iibigan, ngunit biglang may kumatok sa pinto, agad silang napabitiw sa isa't isa,

Nagtago si Caster sa ilalim ng lamesa, pumasok si Florence.

"Bakit nakalock ang pinto?" Tanong nito.

"Sorry ma'am naisara ko, wala po ngayon si Sir Elizar."

"Ganon ba, pagdating nya pakisabi na nag uumpisa na ang mga bagong housekeeper."

"Ok po ma'am."

At lumabas na si Florence. Lumabas na din si Caster. Muli silang naghalikan, ngunit bumitiw si Myrtle.
"Mamata na batin ituloy, baka may  makakita sa atin, matanggal pa tayo pareho, magtiis ka na muna." Sabi ni Myrtle kay Caster.

"Oo nga, basta mamayang gabi, galingan mo magtrabaho at gagalingan ko rin, see you tonight!" Sabi ni Caster at hinalikan nya si Myrtle ng mabilisan at lumabas agad ito ng opisina.

Samantala...
Nag umpisa ng maglinis ng mga kuwarto si Nostalgia kasama ng isa pang matagal ng roomlady na si Emi. Tinuturuan sya nito kung papano ang kanyang mga gagawin.

"Tandaan mo, dapat walang gusot ang kama, dapat laging flat," sabi ni Emi habang pinapakita kay Nostalgia kung papano mag takip ng kama.

"Mamaya, yung Penthouse suite ang ating lilinisin, mamaya pa kasi mag checheck out yung ambassador na naka stay doon, at dito ngayon mag I stay ang pamilya ng may ari ng hotel na to." Sabi ni Emi habang nag aayos ng kama.

"Yung pamilya ng may ari?" Tanong ni Nostalgia.

"Yes! Dito gaganapin ang debut ng nag iisang anak na babae ni Don Luiz, Empress ang pangalan nya, kaya kailangan pag alis ng ambassador ay malinis na natin agad ang Penthouse at iba pang executive suite."

"Opo."

"Maiwan na muna kita at may kukunin lang ako." Sabi ni Emi.

"Ok po." Sabi naman ni Nostalgia.

Nang lumabas si Emi ay pumasok naman si Caster dala ang cart ng mga bagahe ng customer.

Napatingin sa kanya si Nostalgia at nagkatinginan sila.

Gusto nyang lumapit kay Nostalgia at makipagkamay, ngunit naisip ni Caster na baka pag nahawakan ni Nostalgia ang kanyang balat ay iibig ito sa kanya, ngunit inaakala lamang ito ni Caster, dahil kahit sino ang humawak o humaplos sa kanyang balat ay normal lamang, hindi ito ma oobsess sa kanya dahil hindi nya kinuha ang enigma.

Habang manghang nakatingin si Nostalgia sa kanya ay iniba ni Caster ang kanyang iniisip.

"Hi! Bago ka lang dito?" Kunwaring tanong ni Caster.

"Ah oo, ngayong araw lang ako nag umpisa, ikaw?"

"Mag iisang linggo pa lang, ako nga pala si Caster!"  Nabiglang sabi nya, nakalimutan nyang ibahin ang kanyang pangalan, ngunit pinabayaan na lamang nya dahil marami naman ang mga magkakaparehong pangalan.

"Caster?" Nagtatakang tanong ni Nostalgia.

"Ikaw naman anong pangalan mo?"

"Ako si Nostalgia."

"Sana maging magkaibigan tayo," nakangiting wika ni Caster at kanyang nilagay ang mga luggage sa walk in closet.

Maya maya ay pumasok naman si Brendan dala ang vacuum cleaner, napatingin sya kay Caster, napansin nya ang kakaibang kisig nito, at nang nakita naman ni Caster si Brendan ay lumabas na sya ng silid, nakabangga nya si Emi.

"Ay sorry po!" Sabi ni Caster at tuluyan na syang lumayo sa silid na iyon.

Napatulala si Emi nang nakita nya si Caster.

"Napakaguwapo talaga ng bellboy na yon grabe!" Sabi ni Emi at nakita naman nya si Brendan na nag ba vacuum.

"Bakit ba mga guwapo ang nakikita ko ngayon hihi!" Kinikilig na sabi ni Emi.

"Ate Emi tapos na po ako maglinis." Sabi ni Nostalgia.

Tiningnan ni Emi ang paligid at nakita nyang ok na lahat.

Natapos na din si Brendan mag vacuum.

"Maari na tayong lumabas at papasok na dito ang bagong customer." Sabi ni Emi.

........

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now