Chapter 5

2.5K 87 3
                                    

Kinabukasan...Sa kanilang pangangalakal.

"Alam mo ba hindi ako agad nakatulog kagabi?" Sabi ni Myrtle.

"Nahalata ko nga kasi ang likot mo matulog eh haha!" Sabi ni Nostalgia habang nag hahalungkat ng basura.

"Hay naku, diba diary yon, kasi sulat kamay lang so ibig sabihin true story 'yon diba?"

"Eh baka nga siguro, may nabasa akong pangalan na Antonio Jose, sya ang nagsulat ng libro, sulat kamay nga lang."

"Excited na ko mamayang gabi, ano kaya ang lihim ng Kasandra na yun?".

"Yun nga din ang gusto kong malaman."

"Sana maging kasing-ganda ko si Kasandra, para lumuhod sa akin si Brendan, si Laila lang pala ang ipagpapalit niya sa akin."

"Ano ka ba, hindi naman naging kayo ni Brendan,"

"Kahit na, dapat ako ang niligawan niya hindi si Laila, mas maganda naman ako sa kanya, mas maputi lang sya at hindi naman sya mayaman, porke ba ofw ang nanay nya."

Maya-maya ay dumating si Caster, ang ex boyfriend ni Myrtle, ngunit una pa lang ay si Nostalgia ang gusto ni Caster. Inagaw lang ni Myrtle ang atensyon nito kay Nostalgia kaya si Myrtle ang naligawan ni Caster at kaya naging sila. May itsura si Caster, ngunit payat ang katawan, high school graduate at nasanay na sa pangangalakal ng basura mula ng nahinto sa pag-aaral. Hiniwalayan sya ni Myrtle dahil nangangarap si Myrtle na makaalis na sa lugar na 'yon..

"Kamusta na kayo marami na ba kayong napulot?" Masayang sabi ni Caster.

"Oo malapit na namin mapuno ang sakong ito." Ani Nostalgia.

"Tara na Nostalgia, doon tayo sa kabila baka marami pa doon.' Sabi ni Myrtle.

"Teka bakit naman kayo agad aalis? kadadating lang ng mahal mo eh."

"Hoy at sinong nagsabi na mahal kita ha?" Iritang sabi ni Myrtle.

"E hindi naman ikaw ang sinasabihan ko, si Nostalgia." Nakangiting sabi ni Caster.

"Layuan mo si Nostalgia, hindi ka nya gusto......diba Nostalgia?"

"Ah eh wala pa akong balak makipag boyfriend." Sabi naman ni Nostalgia.

"Pero ikaw Myrtle minahal mo din naman ako diba?"

"Noon yon pero hindi na ngayon, napag isip-isip ko na di pala tayo bagay, may pangarap ako Caster, di gaya mo hanggang dito ka na lang."

"Talaga may pangarap ka?"

"Aba oo naman!"

"At ano naman ang pangarap mo, ang maging mayaman?"

"Haha tama ka!"

"At papano mo naman magagawa yon?"

"Ah basta, isang araw magugulat ka na lang yayaman din ako, at di ka na makakalapit sa akin, dyan ka na! Tara na Nostalgia."

At naiwan si Caster at napakamot ng ulo.

.......

"Hay nako ang kapal talaga ng mukha ng Caster na 'yan, matagal na nga kaming split, habol pa din ng habol."

"Eh mabait naman sya at mukhang pursigido sayo eh."

"Pwede ba, hindi sya ang nararapat sa akin, gusto ko ng maka alis dito, kapag natuloy ang tatay sa Saudi aalis na ako dito, ipagpapatuloy ko pag-aaral ko."

"Buti ka pa may pag asa kang makaalis dito."

"Huwag ka mag alala kapag nakaalis ang tatay papuntang saudi, papahiramin kita ng pera para maayos mo ang mga requirements, para maka pag work ka sa mall."

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now