Chapter 61

1.4K 56 2
                                    


Kinabukasan...

Naghihintay si Brendan sa tapat ng bookshop.

Hinihintay nya si Nostalgia, nag-aasam na sana ay gumanda na ulit ito, ngunit kung hindi man tumalab ay tatanggapin pa din nya dahil mahal nya ito.

Maya maya pa'y dumating si Nostalgia, nakatalikod si Brendan, hindi pa nya alam na nasa likuran na nya si Nostalgia.

"Brendan!" Sigaw ni Nostalgia mga ilang metro ang layo mula sa kanya.

Lumingon si Brendan at nilinawan nya ang kanyang mga mata, nakita nyang nakangiti ito sa kanya at kanyang nabanaag na gumandang muli si Nostalgia. Napangiti si Brendan.

"Nostalgia!" Sigaw naman ni Brendan at naglakad sila ng mabilis para sila ay magkalapit.Umaapaw sa kaligayahan ang kanilang nadarama habang papalapit sila sa isa't isa. At nang sila ay nagkalapit ay hinawakan ni Brendan ang kanang pisngi Nostalgia.

At sila ay nagyakapan at nagkahalikan.

"Brendan!"

"Nostalgia ang ganda ganda mo."

At hinalikan nyang muli si Nostalgia.

"Mahal kita Brendan!"

"Mahal din kita!"

Naghawakan sila ng kamay at naglakad ng may ngiti sa kanilang mga mukha. Sa kanilang paglalakad ay may sasakyan na huminto at bumukas ang pintuan ng sasakyan.

At nakita nilang ang sakay nito ay si Caster.

"Caster?" Sabay na sabi ng dalawa. Bumaba ng sasakyan si Caster.

"Kamusta na kayo?"nakangiting sabi ni Caster.

"Mabuti naman!" Sagot ni Brendan.

At bumaba ng kotse si Madden at Krystal at pinakilala sila sa isa't isa.

"Sila ang mga kaibigan ko, pare peace na tayo ha, wala tayong dapat pag-awayan ok!" Sabi ni Caster kay Brendan.

"Oo naman, kalimutan na natin yon!" Sabi naman ni Brendan.

Nakita ni Madden na maganda at guwapo sina Nostalgia at Brendan at inalok nya ang mga ito na maging model sa clothing line nila.

"Model?" Di makapaniwalang tanong ni Nostalgia.

"Oo, gusto kayong kunin ni Madden na maging midelo na gaya ko," masayang wika ni Caster.

"Pero hindi kami sanay!"

"Madali lang yun, kung ako nga eh." Paghihikayat na sabi ni Caster.

Tumingin si Nostalgia kay Brendan.

"Try natin Nostalgia sila na ang lumalapit para magkatrabaho tayo."

"Oo naman, hindi po kami tatanggi." Masayang sabi naman ni Nostalgia.

"Well sumama na kayo sa amin sa office, lets go guys!" Masiglang sabi ni Madden at masaya silang sumakay ng kotse.

....................

Sumunod na araw ay may dumating na imbestigador sa mansion nila Don Luiz at may pinakita sa kanya ang cctv footage.

"Don Luiz, ang inyong girlfriend ang may kagagawan ng trahedya sa ballroom, panoorin nyo ito.!"sabi ng isang imbestigador.

Napanood sa cctv na lumapit si Myrtle sa counter at may nilagay ito sa mga baso, at nakita nila ang unang rumampa na model na isa sa mga nakainom, kaya ito naging halimaw at nakita rin sa cctv na ang mga basong nakainom ay naging halimaw.

Nabigla sa takot si Don Luiz.

"Papano nya nagawa ito, anong meron sya?!"

"Pinaghahanap na po ngayon si Myrtle, nasaan na sya!?"

"Wala na si Myrtle, kinuha sya ng isang istatwa!"

Kahit hirap maniwala ang mga imbestigador ay wala na silang magawa nang sinabi ni Don Luiz na wala na si Myrtle.

Kinagabihan.

Nasa sala si Don Luiz at Raven.

"Dad, I'll go back to Puerto Rico to see my mom!"

"Sasama ako sayo anak, makikipagbalikan na ako sa mommy mo."

"Really?"

Nakangiting sabi ni Raven.

Makalipas ang ilang sandali ay biglang may pumasok.

"Dad! Kuya?"

Napatingin silang dalawa at laking tuwa nila nang nakita nila si Empress na nagbalik, ngunit mukhang gusgusin ang itsura nito.

"Anak?!"

"Empress?" Nasurpresang sabi ni Raven.

"Ako nga huhuhu!" At nagyakapan sila.

"Don't cry anymore, pupunta na tayo ng Puerto Rico to see your mom okay?" Sabi ni Don Luiz.

Mula nang nawala si Myrtle at ang statwa ni Kasandra, ay nagbalik na sa dating anyo ang mga naging halimaw.
......

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon