Chapter 47

1.2K 50 2
                                    


Makalipas ang ilang sandali ay naunang dumating sa ballroom si Raven at Nostalgia.

Nakita nila na papalapit ito sa kanilang table.

"My Gosh here they are, yan si Raven Ayala!" Sabi ni Krystal.

"Napaka guwapo at elegante naman nya at yung girl na kasama nya parang Dyosa ng kagandahan!" Sabi naman ni Madden.

"Oo ayan na malapit na sila, I'm nervous!" Sabi ni Krystal.

At nang sila ay nakalapit ay pinaupo sila ng mga assistant sa table nila Madden at Krystal.

"Here's your seat Sir, Ma'am." Sabi ng staff.

Naupo sila nang nakangiti kina Madden at Krystal.

"Hello Sir, Ma'am, were glad that you're here! I am Krystal."

"Hello my name is Madden."

"Hello!  So you are Madden&Krystal?" Masiglang sabi ni Raven sa kanila.

"Oh yes! How do you do?" Sabi ni Madden.

Nakatahimik lamang si Nostalgia at nginitian ang mga ito.

"She is my fiance, Nostalgia."

"Nice to meet you!" Sabi ng dalawa sa kanila at sila ay naupo ng lahat.

"Both of you are so gorgeous!" Sabi ni Krystal.

"Perfect combination!" Sabi naman ni Madden.

"Thank you!" Proud na sabi naman ni Raven.

Makalipas ang ilang sandali ay dumating na rin si Don Luiz at Myrtle.

Nagbatian sila nila Madden at napahanga din sila sa ganda ni Myrtle.

Nakaka ilang minuto pa lamang silang nakakaupo ay di na mapalagay si Myrtle. At sya ay tumayo.

"Hon punta lang ako sandali ng cr." Pabulong na sabi ni Myrtle kay Don Luiz.

"Oh yeah sure." Nakangiting sabi naman ni Don Luiz.

Ngunit ang totoo ay gusto nyang makita si Caster, nasasabik na syang makita ito.

Nagtungo sya malapit sa dressing room sa may back stage at nagbabakasakaling makita si Caster at nagkataon na lumabas si Caster at nagkasalubong sila ni Myrtle.

Nagkatinginan sila ni Myrtle at sinenyas ni Myrtle na mag-usap sila sa isang tabi at tumalikod na si Myrtle.  Sumunod naman si Caster sa kanya, nagpunta si Myrtle sa isang sulok na walang tao at nang nakalapit si Caster ay bigla nya itong hinalikan at niyakap.

"Oh Caster na mimiss na kita!" nung una ay bumigay si Caster ngunit bigla itong kumalas kay Myrtle.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Myrtle.

"Wala na tayo Myrtle, may kanya-kanya na tayong buhay."

"Pero may usapan tayo na kahit may iba na tayo ay magkikita pa din tayo diba?"

"Hindi na maaaring mangyari yan Myrtle may iba na akong mahal."

"At sino?"

"Hindi mo na kailangang malaman yon."

"Ah! Ganon, baka nakakalimutan mo na kung di dahil sa akin ay hindi ganyan ang itsura mo at wala ka sa kinalalagyan mo ngayon, wala kang utang na loob, niloko mo ko!"

"Ni minsan hindi kita niloko at wala akong utang na loob sayo, nagpasama ka sa akin at sinamahan naman kita nagkataon na nakakuha din ako ng benditas at hindi ikaw ang nagmamay-ari non."

"Tandaan mo to hindi ka magiging maligaya kung sino man ang babae mo, gagawin ko rin gaya ng ginawa ko kay Empress! Tandaan mo yan!"

"Hindi ka magtatagumpay! Paalam Myrtle!" At tumalikod si Caster. Hinabol sya nito at niyakap ang kanyang likuran. "Hindi mo ba hinahanap hanap ang katawan ko?" Naglalambing na sambit ni Myrtle habang niyayakap yakap si Caster. Napabuntong hininga si Caster, ang totoo ay hinahanap hanap nya rin ang katawan nito, ngunit pinigilan nito ang kanyang sarili, naramdanan nyang sa isip lamang ito. "Wala akong pagmamahal sayo, kaya di kita hahanapin!" Mariin na sabi ni Caster at nagmadaling umalis ito.

At naiwan si Myrtle na masama ang loob.

........

Samantala sa back stage, kanina pa hinahanap ng mga organizer si Caster, at nanh nakita nilang paparating na ito ay nakahinga na sila ng maluwag.

"There he is!" Sabi ng isang staff na babae.

"Hay salamat at nandito ka na, saan ka ba nagpunta ang tagal mo naman, mag uumpisa na ang show." Sabi ng isang organizer.

"Sorry po nag CR lang."

"Well! Okay guys the show will start in 5-4-3-2 and 1!" Masiglang sabi nito at tumugtog na ang unang modelling music at isa-isa ng rumampa sa runway stage ang mga lalaki at babaeng model, si Caster ang pinaka huling rarampa.

Nakatingin ang mga bisita at inaabangan ng lahat ang paglabas ni Caster.

Habang isa isang rumarampa ang mga models suot ang mga product ng Madden&Krystal ay di mapakali si Myrtle habang nakaupo.

"Kailangan kong magamit ang enigma dito, para matuwa sa akin si Kasandra at di na nya ako kukunin sa susunod na kabilugan ng buwan!" Akalang sabi ni Myrtle sa kanyang loob.

"Hon, punta lang ulit ako ng cr okay." Bulong ni Myrtle kay Don Luiz.

"Again? Well Ok hon." Sabi naman ni Don Luiz.

Tumayo si Myrtle dala ang kanyang clutch bag.

At naglakad sya sa may malapit sa counter ng mga drinks na nakalagay sa mga tray na ihahain sa mga guest.Tinitigan nya ang isang tray na puno ng mga baso na may laman na iba't ibang uri ng mga cocktail drink. Lumapit sya dito at nakita nya ang isang tray na binuhat ng isang waiter, at may panibago ulit na nilagay sa counter. Pinag iisipan nya kung papano nya malalagyan ng mga enigma ang mga baso na iyon.

Makalipas ang dalawang music ay lalabas na si Caster.

Napatingin ang lahat nang si Caster na ang lumabas ng stage, kahit ang mga waiter at waitress ay pansamantalang nahinto sa kanilang mga ginagawa nang lumabas sa stage si Caster, namangha ang lahat sa kakaibang taglay na kakisigan nito, naka t- shirt sya ng manipis bakat ang kanyang matipunong dibdib at nag nininingning ang kanyang mga balat na ikinamangha ng mga tao.

"Totoo ba yan?" Sabi ng isang guest.

"This guy is so perfect!" Sabi naman ng isa.

"Saan kaya sya galing? Kung saan saan na ako nakarating sa mundo and he looks like one of a kind!" Sabi naman ng isang mayamang producer.

Di makapigil hininga ang pagrampa ni Caster sa stage at ang lahat ay nakanganga sa kanya.

At doon nakakuha ng pagkakataon si Myrtle.

Habang nakatingin ang lahat kay Caster na rumarampa sa stage ay lumapit sya sa may counter kung saan nakalagay ang tray ng mga basong may laman na juice.

At kinuha nya agad ang enigma sa kanyang bag at isa isa nyang nilagyan ang mga baso, mga sampung enigma ang nailagay nya, walang nakakita sa kanya, at nang matapos nyang lagyan ay biglang nakasalubong nya si Brendan.

"Brendan?" Nabiglang sabi ni Myrtle.

Umatras agad si Brendan nang sya ay nakita, natatakot syang mahawakan nito.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now