Chapter 34

1.2K 52 1
                                    

"Yes, my son Raven,"

"So dalawa ang anak mo?"

"Yes, with my Puerto Rican ex-wife.

"Nasan na yung dating asawa mo?"

"She's in Puerto Rico, may sakit sya at nandon ngayon si Raven, dinalaw nya ito kaya hindi sya nakarating sa debut ni Empress, but he is returning here to manage our businesses,"

"Kailan ang dating?"

"Tomorrow,"

"Ilang taon na si Raven?" Interesadong tanong ni Myrtle.

"Mas matanda lang sya sayo ng dalawang taon, he is 23."

"Hmm?" Interesadong sabi ni Myrtle.

"Bukas na bukas ay aalis na ako, at darating naman si Raven. Sa aking pagbabalik na kami magkikita ng aking anak."

"Alam na ba nya ang nangyari kay Empress?"

"Oo, nasabi ko na sa kanya over phone, at gusto nyang alamin ang buong pangyayari."

"Hmm, sana ay magkasundo kami."

"Mabait si Raven at tiyak ko na magkakasundo kayo. Don't worry, babalik ako kaagad, ingatan mo ang iyong sarili." Sabi ni Don Luiz at niyakap nya si Myrtle at naganap ang kanilang pag-iibigan.

.........

Nung gabing iyon, nang nakatulog na si Don Luiz, nagpunta ng bathroom si Myrtle. At doon ay narinig na naman nya ang tugtog ng piano, alam na nyang magpapakita si Kasandra sa kanya. Nung una ay nakaramdam ito ng takot, ngunit naisip nya na kailangan nyang maging matapang dahil akala nya na ito ang gusto ni Kasandra. "Hindi dapat ako matakot, magkakampi na kami," sabi ni Myrtle sa loob nya at kanyang ginala ang kanyang mga mata sa paligid.

At maya maya ay nagpakita na ang estatwa ni Kasandra.

"Lumabas ka at ihasik ang enigma!" Magaspang at malalim na tinig ni Kasandra.

At nung gabi na iyon ay lumabas ng mansion si Myrtle. Sumakay ito ng kotse, at nagpahatid sa driver sa isang kainan, at tamang nakita nya si Laila na isa sa mga kumakain sa kainan na iyon, kasama ng bagong boyfriend nito.  Naalala niyang inapi sya nito noon dahil nakita syang nagtatrabaho lamang sa basura at naging kasintahan din ito ni Brendan, kaya't nagalit at nagselos sya dito. "Panahon na upang maghiganti ako sayo Laila!"
Nilapitan nya ito. "Kumusta ka na, remember me?" Nakangising wija ni Myrtle. Napanganga si Laila at ang boyfriend nito nang nakita nilang bigla itong umupo sa kanilang tabi.
Namangha sila sa ganda nito. Napatulala ang boyfriend ni Laila sa kakatingin kay Myrtle. "Sino ka?" Tanong ni Laila. "Ako si Myrtle,"
"Ikaw si Myrtle?"
"Oo, maganda at mayaman na ako ngayon!" Sagot nito.
Minasdan syang mabuti ni Laila, at kapansin pansin na mamahalin ang kasuotan nito at mga suot nitong alahas. "Pero hindi ikaw si Myrtle!"
"Kilala mo si Brendan, Nostalgia at Caster hindi ba?"
"Oo, bakit mo sila kilala?"
"Well, dahil ako si Myrtle!" Ngisi nito at tumayo na ito at lumayo. Napahawak sa ulunan si Laila. Di ito mapalagay.
Tinapik sya ng boyfriend nito.
"Sino yun, napakaganda nya,"
"Ewan ko, naguguluhan ako, huwag mo na pansinin yun, kumain na tayo," sabi ni Laila.

Naglalakad ang waiter dala ang tray ng mga inumin para ibigay sa table ni Laila, nang hinarang ito ni Myrtle,

"Saan ang CR?" Tanong ni Myrtle sa lalaking waiter.

"Doon po sa dulo, kumanan lang kayo." Nakangiting sabi ng waiter sa kanya.

"Maaari mo ba akong samahan?" Sabi ni Myrtle.

Dahil sa ganda ni Myrtle ay di naka tanggi ang waiter.

"Ah eh sige po ma'am." Sabi nito at pansamantalang binaba nya ang tray sa may lamesa.

"Mauna ka na maglakad st susundan kita" sabi ni Myrtle.

At nang nauna na naglakad ang waiter ay inilagay nya ang isang talutot sa isang baso, nalaman niyang para kay Laila yon.

"Dito po ang CR." Nakangiting sabi ng waiter.

At nang sya ay lumabas ay inihatid ang inumin sa table ni Laila. Ininom ito ni Laila, at makalipas ang ilang sandali ay naging halimaw ito na kagaya ng nangyari kay Empress.

Nagtatakbuhan ang mga tao sa takot nang nakita nila si Laila na naging halimaw. Napaatras din sa takot ang boyfriend nito at tumakbo ito papalayo.

Habang nagkakagulo, pasimpleng sumakay ng kotse si Myrtle.

"Ihatid mo na ako sa mansion." Nagmamadaling sabi ni Myrtle sa driver habang nagkakagulo ang mga tao, at sya ay inihatid nito pabalik sa mansion.

.....

Kinabukasan ay naka balik na sila Brendan nf Maynila.

"Salamat Brendan bukas na tayo magkita sa ating trabaho."

"Excited na akong makita ang magiging pagbabago mo, baka hindi kita makilala!"

"Siguradong hindi mo ako makikilala dahil mag iiba ang aking itsura."

At may naisip si Brendan, inalis nya ang kanyang suot na kuwintas na krus na gold sa kanyang leeg at isinuot nya ito kay Nostalgia.

"Bakit?" Sabi ni Nostalgia habang isinusuot sa kanya ang kuwintas.

"Yan ang magiging palatandaan na ikaw si Nostalgia,"

"Hmm, magandang idea yan, pero baka mawala ko ito, mukhang tunay ito eh!"

"Bigay ng nanay ko yan, nabili nya yan nung dating OFW pa sya."

"Ah ok, ibabalik ko rin sayo to."

"Sayo na muna yan."

"Iingatan ko ito."

At nag paalamanan na sila.

Nang nakauwi na si Nostalgia ay pinagtapat nya sa kanyang ama at ina ang tungkol sa kanyang lihim.

"Totoo ba mga sinasabi mo?" Di maniwalang sabi ng tatay nya.

"Opo."

"Hindi ba delikado yan, may nabalitaan na naman kagabi na may naging halimaw na naman baka......."

"Nay, Tay, si Myrtle ang may kagagawan nun, kinuha nya ang enigma dahil may balak sya, muntik ko na din makuha ang enigma buti na lamang at kasama ko si Brendan at napaalalahanan nya ako."

"Sigurado ka bang hindi yan delikado anak?"

"Sigurado ako nay, dahil hindi ko kinuha ang enigma."

"Kung yan ang desisyon mo anak ay di ka namin mapipigilan, yan ay isang bagay na nakatadhana para sayo dahil natuklasan mo yan, at mabuti kang bata di gaya ni Myrtle na masama."

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ