Chapter 41

1.8K 55 2
                                    

Hinatid ni Raven si Nostalgia sa kanyang silid.

"Maraming salamat po Sir sa diner." Naka ngiting sabi ni Nostalgia.

"Good night Nostalgia, see you again tomorrow okay?" Matamis na ngiti na sabi ni Raven.

Napatango na lamang si Nostalgia sa kanya at hinalikan ni Raven ang kanyang kamay.

.....

Pagpasok ni Raven sa kanyang silid ay di sya mapalagay sa kakaisip kay Nostalgia.

Maya maya ay nag ring ang kanyang cellphone at tinawagan sya ng kanyang ama na nasa America na.

"Raven my son, how's your day?"

"Everything is fine dad, but why you didn't told me about that freaking monster who took my sister?"

"Oh sorry my son, kase mahirap paniwalaan kung sasabihin ko sayo by phone, kaya sinabihan ko si Elizar na sya na ang magsabi sayo, and besides wala na tayong magagawa kundi imbestigahan ang mga pangyayari alam ko na buhay pa si Empess!"

"You need to come home to help me to investigate about this freaking thingi.'

"I'll try to go back home soon, anyway did you meet Myrtle already right? What can you say about her?"

"She is mind blowing beautiful, but......"

"I told you! But what?...."

"Oh nothing dad, but anyway I found my personal secretary."

"Really? But all this time ngayon ka lang nagkaroon ka ng secretary?"

"Yeah I decided to have one."

"Mabuti kung ganon, I think maganda sya right?"

"Yes Dad, she is the most beautiful girl I've ever seen."

"Sa sinasabi mo parang mas maganda pa sya kay Myrtle?"

"For me yes! And I'm sure she is the perfect one for me!" Excited na sabi ni Raven sa kanyang ama na nasa kabilang linya..

"Well I can't take that, may mas maganda pa kay Myrtle? That's impossible!"

"Dad, maybe we have different taste when it comes to women,"

"Yeah, well if that what you see its good for you then, see you soon my son."

Matapos makipag usap sa kanyang ama ay di nya nasabi na hindi nya gusto si Myrtle para sa kanya, naisip ni Raven na sa personal na nya ito sasabihin.

Nahiga si Raven sa kama at naaalala nya ang nakakapigil hiningang kagandahan ni Nostalgia.

........

Samantala, sa condo unit ni Krystal.

"Napagod ka ba sa shooting?" Tanong ni Krystal kay Caster pagdating nila sa condo.

"Naku hindi po, nag enjoy nga ako eh."

"Caster...don't even say 'po' again okay? Kahit mas matanda ako ng ten years sayo but you don't need to say it."

"Okay sorry."

Dalawa ang bedroom sa condo ni Krystal at pansamantalang doon na muna nya pinapatulog si Caster.

"Magpapahinga na ako Krystal, salamat sa buong araw na ito, nag enjoy talaga ako,"

"Well good night, may appointment tayo bukas okay?"

"Okay!" Masayang sabi ni Caster at pumasok na sya sa kanyang silid.

Matapos nito ay biglang nag ring ang cellphone ni Krystal, at isang di magandang balita ang kanyang natanggap.

Tinawagan nya agad si Madden at pinapunta nya sa kanyang unit, doon din sa condo building na iyon nakatira si Madden.

"What is happening? Ano ang balita?" Tanong ni Madden.

"Hindi na interesado si Mr. Suzuki sa ating company!"

"What? How it would happened? Ang ganda ng uasapan namin nung nandon ako sa Tokyo?"

"Kay Eunice (Isa sa kanilang staff) nya sinabi na hindi na sya interesado, dahil sya ang marunong mag nihonggo at pinapasabi na lang ito sa atin,"

"Ano ang dahilan?"

"I don't know! Madden wala na tayong magagawa, hindi lang naman tayo ang nagbigay ng proposal sa kanya, pero ang masakit ay ang kalaban natin ang napili ni Mr. Suzuki, ang H&H, sa kanila mag iinvest si Mr. Suzuki para magkaroon sila ng mga branches sa Asia."

"Mga walanghiyang H&H na yan, pag aari yan ni Honeylyn at Henrick, ako ang may idea kaya sila nakapag patayo ng clothing line, malaki ang ambag ko sa kanila, pero nung sumisikat na ang H&H tinanggal nila ako, at kung hindi dahil sa akin ay di nila maiisip na maitayo ang H&H!"

"Alam ko lahat yan Madden."

"Papano na tayo? Matagal ko ng pangarap na magkaroon ng mga branches sa iba't ibang bansa sa Asia, then now ay wala na ang lahat at mapupunta sa H&H!"

"Balita ko maganda ang proposal ng H&H kesa sa atin."

Napaupo sa sahig si Madden at naghinagpis.

"Wala na tayong magagawa Madden, all we have to do is to find another investors."

"Pero kanino? Ilang beses na tayong na turned down at last na si Mr. Suzuki kaya pinuntahan ko pa sya sa Tokyo." Malungkot na sabi ni Madden.

"Well huwag ka ng manlumo dyan, pagbutihan na lang natin ang dalawang branches natin, kahit papano ay nakikilala na tayo, malay mo kung biglang dumami ang mga customer natin at mag boom tayo, we din't need  investor anymore dahil tayo na mismo ang mag iinvest."

"Oh come on girl! Sa pangarap lang maaring mangyari yan, it will takes too much time and money!"

"Dream Big! Lalo na ngayon at may mala anghel tayong model, kapag naipost natin ang kanyang billboard at nalaman ng mga tao na totoo sya ay marami ang mamimisteryohan sa kanyang itsura, magiging curious sila, at lalakas na ang ating mga branch, tingnan mo ang mga balat nya parang nag niningning na di ko malaman kung bakit? Isusugal ko ang pera ko para dito, I feel something good about Caster."

"What? Nababaliw na ba? Hindi yan sa model nakukuha ok, sa quality ng product natin, kahit si Brad Pitt pa ang model natin kung hindi naman nila nagustuhan ang ating product useless din! At ayoko ng umasa!"

"About our product ay walang duda na maganda ito, ngunit marami tayong kakumpetensya, pero di dapat tayo mawalan ng pag-asa ng dahil lang sa Mr. Suzuki na yan, nung nagkita kami before nangako sya sa atin pero di nya tinupad yon." Sabi ni Krystal.

"I'm so stressed! Please give me sometime to rest, gusto kong mag unwind sa Cebu for a couple of days." sabi ni Madden at nag paalam na itong umuwi.

At ng mapag isa si Krystal ay nag isip sya.

"Ipapalagay ko ang billboard ni Caster, hindi ko na hihintayin ang isang buwan, who cares kung mas mahal ang babayaran ko, ang importante ay makita na sya ng mga tao, at tamang tama ay ilalabas na sya sa magazine at mamangha ang lahat dahil sya ay exclusive lamang na model ng Madden&Krystal."

Binuksan ni Krystal ang pinto ng silid ni Caster na mahimbing na natutulog at kanya itong pinagmasdan.

"I feel something good about you Caster, nahuhulog na damdamin ko sayo." Sabi ni Krystal sa kanyang loob habang pinagmamasdan nya itong natutulog.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora