Chapter 13

1.4K 64 0
                                    

Makalipas ang ilang sandali ay nakatulog sila sa bench.

.......

Kinabukasan ay ginising ni Myrtle si Caster.

"Caster gising ka na, alas sais na ng umaga."

"Umaga na ba." Papungas pungas na wika ni Caster.

Tumayo sila at lumabas ng park.

"Saan kaya yung kagubatan na yon?"

"Magtatanong tayo."

Sa kanilang paglalakad ay nagtanong sila sa isang matandang lalaki.

"Mawalang galang po, saan po ba ang kagubatan ng Santa Barbara?"

"Kagubatan?"

"Opo."

"Eh malayo pa yun, lagpas pa ng dalampasigan, mag tricycle kayo, ihahatid kayo sa bukana, at tiyak ituturo sa inyo."

"Salamat po."

Sumakay sila ng tricycle at hinatid sila sa bukana ng gubat.

Sa daan sila binaba kung saan may mga sasakyan na dumadaan.

"Saan yung kagubatan?" Tanong ni Myrtle.

"Nakikita nyo ba yang mga matataas na mga puno? Yan ang kagubatan, at mag iingat kayo, malaki sa loob nyan, baka maligaw kayo," sabi ng driver.

"Huwag ka mag alala, ito po bayad," sagot Myrtle. Nais pa sana magtanong ng driver kung ano gagawin nila doon ngunit nagmadali na silang bumaba at umalis, napailing na lamang ng ulo ang driver at umalis na ito.

Pagdating nila doon.

"Nakakatakot naman dito." Sabi ni Caster habang ginagala ang mga mata sa paligid.

"Kaya nga sinama kita kasi di ko kaya mag isang pumunta dito, nakakatakot, buti na lamang at maaga pa, at sisikat na ang araw."

"Saan kaya dito yon?" Sabi ni Caster habang naglalakad sila paloob ng gubat.

"Ang nakasulat sa libro pag may nakita tayong puti na hamog na parang makapal na usok ay doon daw sa loob yon,'

"Papasok tayo sa loob nun?"

"Oo, doon nakatamim ang kambal na bulaklak,"

"Baka delikado sa loob non, baka di na tayo makalabas ng buhay?" Nangangamba na sabi ni Caster.
Napangisi si Myrtle.
"Tama ka, walang nakakalabas ng buhay dyan!" Wika ni Myrtle at humalakhak ito.

"Bakit tumatawa ka pa dyan? Ayoko na nga pumasok, sabi na nga ba tama hinala ko! Bakit sumama pa ko sayo," sabi ni Caster at nagbabalak na ito umalis, pinigila sya ni Myrtle.

"Napakaduwag mo naman,"

"Sino ba naman di matatakot sa sinabi mo,"

"Makinig ka nga,
Kailangan nating kainin ang bunga na nakuha natin sa loob ng gubat para mawala takot natin at para makakalabas tayo ng buhay."

"Papano ka nakakasiguro?"

"Yun ang nabasa ko sa libro at may nakagawa na nito!'

"Sino?"

"Si Kasandra!" Sagot Myrtle.

"Storya lang pala yun, di yun totoo!"

"Kung di yun totoo, bakit totoong may ganitong klase ng bunga at nandito tayo ngayon mismo sa lugar na to! Nakasulat ito sa libro,"

"Nagpapaniwala ka sa libro,"

"Pero libro ito na sulat kamay, parang diary, kapag di natin sinubukan, papano natin malalaman?" Sagot ni Myrtle.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now