Chapter 14

1.4K 64 2
                                    

Napitas ni Myrtle ang bulaklak kasama ang Enigma, at nang nakuha niya ito ay may narinig silang malakas na halakhak.

"Naririnig mo ba yung malakas na halakhak!" sabi ni Caster.
 
"Oo, humahalakhak si Kasandra!" Bulalas na sabi ni Myrtle habang hawak ang kambal na bulaklak.

"Halika na, lumabas na tayo! Nakuha ko na ang gusto ko! Sa wakas hahaha!" Ngisi ni Myrtle at humalakhak din sya.

"Pero, papano naman ako?" Sabi ni Caster at kanyang ginala ang kanyang mga mata, nagbabakasakali na may makita pa syang katulad nito.

"Ewan ko sayo, basta akin lang to." sabi ni Myrtle habang hawak ang kambal na bulaklak.

Tiningnan ulit ni Caster ang mga halaman ngunit wala na sya nakitang bulaklak.

"Maghati na lang tayo dyan?"

"Hindi pwede,"

Walang nagawa si Caster sa sinabi ni Myrtle at naglakad sila papalabas.

At nang nakakalayo na sila, ay napalingon ulit si Caster sa halamanan ng kambal na bulaklak, at laking gulat niya nang nakita nyang biglang may bagong sumibol muli.

At bigla niyang binalikan ito.

"Saan ka pupunta?" Sabi ni Myrtle.

"Babalik ako doon!"

"Pero bakit?"

"Tingnan mo, may sumibol ulit, kukunin ko!" Sabi ni Caster. Lumingon si Myrtle at laking mangha nya nang nakita niya na may bagong kumikinang na kambal na bulaklak.

"Pero, wala ng oras, delikado!" nag-aalalang sabi ni Myrtle at tiningnan nya ang kanyang relo na mabilis tumatakbo ang oras. Pilit nyang pinipigilan si Caster, ngunit hindi sya pinansin nito. Nakita nyang naglalapitan ang mga taong puno sa halamanan.

"Iiwan na kita dito!" Sabi ni Myrtle at nagmadali itong tumakbo papalabas at iniwan si Caster. Habang nagmamadaling lumabas ito, sinusundan na sya ni Kasandra.

Samantala, papalapit na si Caster sa may halamanan, ngunit hindi sya makalapit ng husto dahil sa mga taong puno na nakapaligid dito. "Umalis kayo dyan!" Utos ni Caster. At doon ay naglayuan ang mga ito. Napangisi si Caster, alam nyang may talab pa ang bunga ng Hermosa. "Kailangan ko magmadali, baka abutan pa ako ng pagkawala ng bisa ng bunga na yon!" Sabi nya sa kanyang sarili, at nang kanyang pipitasin na ang kambal na bulaklak ay biglang naalala nya ang sinabi ni Myrtle. "Ang benditas ay walang mga tinik, ito ang nakakapag paganda ng walang katulad, ang enigma naman ay may mga tinik, at ito ang pampapangit!" Naalala nyang sinabi ito ni Myrtle. At doon ay napaisip sya.

"Hindi ko kailangan ang enigma na to, matinik ito at pampapangit, bakit ko pa kukunin?" Sabi niya sa loob nya. Nag-isip sya mabuti at naguluhan.  "Hmn...ito na lang walang tinik ang kukunin ko." Sabi ni Caster sa kanyang loob, at dahan-dahan nyang pinitas ang tangkay ng benditas at nakuha niya ito at naiwan doon ang Enigma. Lingid sa kaalamanan ni Caster, hindi sya masusundan ni Kasandra dahil hindi nya kinuha ang enigma, at si Myrtle lamang ang susundan nito.

Nailagay niya ito sa kanyang dalang bag, at binalikan nito si Myrtle ngunit wala na ito. Wala ng nagawa pa si Caster at tumakbo sya papalabas, hindi sya naligaw gawa ng liwanag na nakikita na tila tinuturo ang tamang daan palabas ng gubat na yon.  Hanggang nakita na nya ang puting hamog sa kalayuan. "Ayun na yung labasan! Makalalabas na ako!" Wika nya, ngunit unti unting naglalaho ang liwanag at di na nya makita ang hamog kung saan ang labasan.

Samantala, sa labas ng hamog, nakalabas ng buhay si Myrtle at doon lamang nya naramdaman ang pagod at takot.

Hindi nya akalain na napasok nya ang mahamog na kagubatan na yon, ngunit nang nakita nya ang kambal na bulaklak sa kanyang kamay ay napangisi sya.

"Di ako makapaniwala na hawak ko na to, gusto ko na umalis dito! Pero nasaan na si Caster?" Wika nya at muli syang lumingon sa hamog na gubat, ngunit wala pa rin si Caster. At naririnig nya ang mga nakakakilabot na ingay mula sa loob nito. Napailing ng ulo si Myrtle. "Siguradong inabutan na sya ng pagkawalang bisa ng bunga ng hermosa, napaligiran na sya ng mga maligno! At wala na ako magagawa para sa kanya!" Sabi nya sa loob nya, at tinalikuran nya ang hamog na gubat.
Ngunit nang nakita nyang malayo pa ang kanyang lalakarin ay nakaramdam sya ng matinding takot.
Wala din syang kamalay malay na nasa likuran nya ang statwa ni Kasandra, sinusundan sya nito.

...

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now