Chapter 22

1.3K 56 0
                                    

Sumunod na mga araw ay sa wakas at nakumpleto na ni Nostalgia ang kanyang requirements upang makapag apply ng trabaho sa tulong ni Brendan.

"Ayos! Kumpleto na ang requirements mo, makaka pag aaply ka na!" Masayang sabi ni Brendan habang magkasama sila ni Nostalgia galing sa isang tanggapan kung saan nya nakuha ang kanyang NBI clearance.

"Salamat Brendan, makakapag apply na ako ng trabaho."

"Maghanap tayo ng agency, gusto ko magkasama tayo sa trabaho."

"Sana nga magkasama tayo no? Pero matatanggap kaya ako?"

"Tara subukan natin." Masayang sabi ni Brendan.

"Yung kapitbahay nga pala namin nag tatrabaho sya sa hotel, housekeeper, nabanggit nya dati sa akin na pwede daw ako magtrabaho doon kapag kumpleto na ako ng requirements, baka pwede tayo doon," sabi ni Nostalgia.

"Subukan natin." Masayang sabi ni Brendan.

Nagpunta sila sa kapitbahay nila Nostalgia na si Milen, upang magtanong.

"Aling Milen gusto po sana namin mag apply doon po sa pinag tatrabahuan po ninyo?" ani Nostalgia.

"Ganon ba? Pero umalis na ako doon, pupunta na kasi ko ng Dubai." Ani Milen.

"Pwede kaya mag apply doon?"

"Pwede, basta pumunta na lang kayo sa Agency, sila ang nagpapasok ng mga trabaho, hindi lang sa hotel marami pang iba." Sabi ni Milen at binigay nya ang isang calling card.

"Salamat po!" Masayang sabi ni Nostalgia at Brendan.

Nagpunta sila sa Agency na tinuro ni Milen. Sa kanilang pagpasok sa agecy na ito, isang babae na medyo bata pa ang nakaupo sa desk. Napatingin ito nang sila ay papalapit. Kay Brendan ito nakatingin.

"Gusto po namin mag apply ng trabaho." Nakangiting sabi ni Brendan sa babaeng clerk habang nakaupo sa kanyang desk.

"Ano ba ang gusto mong trabaho.?" Nakangiting sabi ng babaeng clerk kay Brendan.

"Kahit anong trabaho, kaming dalawa po."

Napatingin ang clerk kay Nostalgia at binaling nya ulit ang kanyang mata kay Brendan.

"Kumpleto ba kayo ng requirements?"

"Opo, meron po kami lahat ng kailangan, naayos po namin bago kami mag apply dito," masayang tugon ni Brendan.

" Mabuti kung gayon, at madali kitang maipapasok sa kaguwapuhan mong iyan. Pero ang kasama mo ay di ako nakakasiguro kasi wala pang mga bakante ngayon."

"Ah ganon po ba, gusto ko po kasi magkasama kami."

Sabi ni Brendan.

"Sa ngayon nangangailangan ng waiter sa isang class na restaurant at ikaw....ano nga pala pangalan mo?" Tanong ng clerk kay Brendan.

"Brendan Miguel po."

"Okay Brendan, pwede kitang ilagay sa restaurant, high end na restaurant yun, wala pang ibang available eh."

"Ah ganon po ba, sayang naman kasi di rin ako makakapasok pag ako lang."

"Ganito na lang, ikaw na muna ang mauna at pag may available ay ang kasama mo naman." Sabi ng clerk.

"Ah di bale na lang po kasi gusto ko  talaga magkasama kami, thank you." Dismayadong sabi ni Brendan,

Maya maya ay nag ring ang telephone na nakapatong sa lamesa ng babaeng clerk.

"Saglit lang at may tumatawag." Sabi ng clerk at nakipag usap sa telepono.

Habang nakikipag usap ang clerk ay kinausap ni Nostalgia si Brendan.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now