Chapter 38

1.8K 53 4
                                    


Nagkukumpulan ang mga babae at mga bading na staff kay Caster, pantalon lamang ang kanyang suot at wala itong damit pang itaas. Di napipigilan ng iba na sya ay haplusin, ngunit hindi nakakaramdam ng pag ibig na wagas ang mga ito sa kanya, humahanga lamang sila sa taglay na kakisigan ni Caster. 

Matapos ang photo shoot ay lumabas sila ni Madden para mag lunch kasama si Caster.

"Taga saan ka Caster, galing ka ba ng Greece?" Tanong ni Madden sa kanya.

"Ah eh naku hindi po!"

"Hindi ako makapaniwala na nakakakita ako sa aking harapan na kagaya mo nakakaloka!"
Nakangiting sabi ni Madden.

Nakangiti lamang si Caster.

"Nagpagawa na ako ng billboard at ilalabas sa isang buwan sa highway." Masayang sabi ni Krystal.

"Pero bakit sa isang buwan pa?"

"Hindi pa kami nagkakasundo ng presyo sa kausap ko na gumagawa ng billboard, at nangako sya sa akin na maghintay ako ng isang buwan para ang gusto ko ang masusunod, so I agreed."

"Haha siguradong mamangha ang mga tao kapag nakita nila ang billboard ni Caster."

"At syanga pala, sya ang magiging cover ng magazine ng Playmate."

"Really? Ang bilis naman."

"Kahapon, nung sinama ko sya sa party ay na spot an agad sya ni Mr. Raff at yun nilapitan agad ako at di na sya nagdalawang isip na I cover sya agad ng magazine, sobrang bilis nya mag decide, and take note si Caster ang kauna unahang sarili nating model, wala syang manager kundi tayo lang, hindi ako papayag na makuha sya ng iba, tayo ang magmamanage sa kanya," wika ni Krystal.

"Hmn... I smell something good in our company." Masayang sabi naman ni Madden.

............

Samantala.....

Bumaba ng lobby si Brendan at excited na itong makita ang pagbabago ng kaanyuan ni Nostalgia.

Makalipas ang ilang sandali ay dumating na si Nostlagia at pumasok ito sa grand entrance ng Saphire View Hotel at naglingunan ang mga taong nakakakita sa kanya.

Nasa medyo kalayuan si Brendan at napanganga sya nang nakita nya ito.

"Sya na kaya si Nostalgia sobrang ganda nya, mas maganda pa sya kay Myrtle!" Manghang sambit ni Brendan sa kanyang loob. Nakita nya na suot nito ang kwintas.

"Yes! Sya na nga si Nostalgia!" Masayang sabi ni Brendan sa kanyang loob.

Lalapitan na dapat ni Brendan si Nostalgia ngunit bigla syang inutusan ng floor manager na babae.

"Brendan, halika sumama ka sa akin sa 3rd floor." Sabi nito sa kanya.

Napapalingon si Brendan kay Nostalgiakahit sumusunid ito sa likuran ng floor manager. Nilapitan ito ng mga lalaki at napapatingkayad sya sa kakasilip kay Nostalgia na napalibutan na ng mga lalaki.

"Brendan? Naririnig mo ba ako?" Sabi ng floor manager.

"Ah ok po mam!"

Walang nagawa si Brendan at sumama ito at naghihintay sila na bumukas ang elevator. Nakalingon pa rin sya kay Nostalgia.

At nang nagbukas ang elevator ay bumaba naman si Raven na nakasuot ng napakagarang kasuotan, kasama ng kanyang mga body guard. Nagkasalubong sila ni Brendan at napatingin ito ngunit hindi sya tiningnan ni Raven.

"Good afternoon po Sir Raven!" Bati ng Floor manager, ngunit nginitian lamang sya nito at nagmadaling lumabas ito ng elevator.

"Sino sya?" Tanong ni Brendan.

"Sya lang naman ang anak ni Don Luiz, sya si Raven." Kinikilig na sabi nito.
Nakaramdam ng kakaiba si Brendan sa sinabi nito.

...

Habang naglalakad si Raven kasama ng mga body guards sa hall ng lobby ng hotel ay nakatawag pansin sa kanya ang mga lalaking nag kukumpulan kay Nostalgia.

"May hinahanap lang po ako." Sabi ni Nostalgia sa mga lalaking naglapitan sa kanya, ang karamihan ay mga customer sa hotel na iyon.

Napahinto sa paglalakad si Raven.

"What is going on there?" Nagtatakang tanong ni Raven sa mga body guard habang nakatingin sya sa mga lalaking nagkukumpulan malapit sa gitna ng lobby.

"Hindi ko po alam Sir, baka po may artista?" Sagot ng isang bodyguard.

Maya maya ay nagbigay daan ang mga lalaking nakapalibot kay Nostalgia at naglakad sya sa gitna, nakatigin pa rin ang mga ito sa kanya.  Nang maluwang na sa kanyang paligid, iginagala nya ang kanyang mga mata, hinahanap nya si Brendan. "Nasaan na kaya si Brendan," sambit sa loob nya.

At nang nakita sya ni Raven ay napanganga ito dah sa sobrang ganda nito.

"Is she real?" Sabi ni Raven sa kanyang mga guard, naka nganga din ang mga body guard nito kaya hindi nakasagot agad ang mga ito.

Habang hinahanap ni Nostalgia si Brendan ay unti-unting lumapit sa kanya si Raven, at pagkaharap ni Nostalgia ay nakabangga nya si Raven.

"Oh sorry po Sir!" Sabi ni Nostlagia at nabitawan nya ang hawak nyang bag.

At nang pupulutin ito ni Nostalgia ay pinulot din ito ni Raven.

At iniabot ito kay Nostalgia, nakaramdam si Raven ng love at first sight.

"Hi! what is your name?" Tanong ni Raven sa kanya,

"Ako si Nostalgia."

"Nostalgia? I'm Raven."

"Raven?"

"Yeah I'm the owner of this hotel."

"Oh! Anak po kayo ni Don Luiz?"

"Yeah, do you know my dad?"

"Ah opo, nakilala ko na sya," Nalilitong sabi ni Nostalgia,

"Anyway are you a guest here?"

"No sir, hinahanap ko lang ang kaibigan ko."

"Who?"

"Uhm isa syang roomboy, best friend ko  sya, mag aaply ako ng work sana dito eh,"

"Really? Unbelievable! I thought you are a princess, well your hired!"

"Ano po?"

"Tanggap ka na!"

"Pero."

"Will you join me in my office?"

"Ah opo Sir."

"Come with me we will talk about your job." Masayang sabi ni Raven at iniabot nya ang kanyang braso kay Nostalgia at humawak naman ito sa kanya.

At nang sila ay naglakad ay naglilingunan ang mga tao sa kanila.Nagpunta sila sa office ni Raven sa 2nd floor.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon