Chapter 40

1.7K 51 2
                                    

"Bakit ba lagi kang umaatras kapag nakikita mo ako, natatakot ka ba sa akin?" Nakangising sabi ni Myrtle kay Brendan.

"Oo, at hindi lang ako natatakot sayo, marami ka ng nabibiktima Myrtle tigilan mo na yan!"

"Huwag ka ngang maingay dyan, sayang at mahal pa naman kita, at ngayon, kaya kong ibigay sayo lahat ng gusto mo mahalin mo lamang ako Brendan!"

"Hindi! hindi ko kayang mahalin ka!" Sabi ni Brendan at sya ay lumabas ng silid. Nakaramdam ng matinding sama ng loob si Myrtle.
..........

Sinuot ni Nostalgia ang damit na binili para sa kanya ni Raven. Off the shoulder na kulay crystal blue na fitted na one piece above the knee, high heels na color black.

Lalong lumitaw ang kanyang kagandahan.

Humarap ito ng salamin at di pa rin ito makapaniwala.

"Hindi ko akalain na ganito ako kaganda ngayon," sambit nya gabang nananalamin. "Pero kabigan lamang ang turing sa akin ni Brendan, sya ang pangarap ko." Nanghihinayang na sabi ni Nostalgia sa kanyang loob.

Maya maya ay pumasok sa loob ng silid si Raven, nakita nyang nakaupo si Nostalgia at nakaharap sa salamin.

"Are you ready?" Masiglang sabi nito. Nakasuot si Raven na black na pants at Navy blue na long sleeve at nakabukas sa may dibdib, kaya kita ang kalahati ng matipuno nitong dibdib.

Tumayo si Nostalgia at humarap kay Raven, at napanganga ito sa sobrang ganda nito.

"Your beauty is really unbelievable!" Manghang sabi ni Raven.

"Salamat." Nakangiting sabi ni Nostalgia.

"Shall we?" Matatamis na ngiti na sabi ni Raven at ini alok ang kanyang braso para hawakan ni Nostalgia. Lumabas sila ng pinto ng silid at tama namang naglalakad si Brendan sa hallway. At nang nakita nya si Nostalgia na nakasuot ng magarang damit ay napatulala sya sa sobrang ganda nito.

Bahagya lamang sya tiningnan ni Nostalgia at nagpatuloy itong maglakad kasama ni Raven.

Nakaramdam ng lungkot sa dibdib si Brendan, matagal na nyang gustong sabihin na mahal nya si Nostalgia ngunit hindi nya nagawa.

.............

Naunang nakarating sila Raven sa Dining lounge at ang lahat ay napalalingon sa kanilang dalawa.

Iniusog ni Raven ang upuan para makaupo si Nostalgia.

Kinakabahan si Nostalgia dahil magkakaharap na sila ni Myrtle at di nya alam kung ano ang iisipin nito sa kanya. Nangangamba sya na baka may masamang gawin ito sa kanya gaya ng ginawa nito kay Empress.

"Magkikita na kami ni Myrtle, tiyak ko hawak nya ang enigma." Sabi ni Nostalgia sa kanyang loob.

Walang ginawa si Raven kundi tumitig sa magandang mukha ni Nostalgia.

Makalipas ang ilang sandali ay paparating si Myrtle, naka suot ito ng tube na kulay pulang long gown, at may mahabang slit sa kaliwang hita nito. Nakalugay ang kanyang mahabang ma alon-alon na buhok.

Malayo pa lang ay natanaw nya sina Raven na nakaupo at masaya itong nakatitig kay Nostalgia, hindi nya nakikita kung sino ang babaeng kasama ni Raven dahil likuran lang ang nakikita nya dito.

Lumapit ang isa sa mga bodyguard ni Raven.

"Sir andyan na po si Myrtle."

Napatingin si Raven kay Myrtle sa kalayuan na naglalakad papalapit sa kanila, at kinabahan si Nostalgia nang nalaman nyang andyan na si Myrtle.

Maya maya pa'y nakalapit na si Myrtle.

"Magandang gabi!" Misteryosang bati nya kay Raven.

Napatayo si Raven.

"Good evening sit down." Sabi ni Raven.

At naupo si Myrtle at napatingin sya kay Nostalgia, at nang nakita nya si ito ay laking gulat nya dahil kung bakit may babaeng kasing ganda nya, ang alam nya ay ang sinumang gumamit ng Benditas ay walang katulad ang magiging kagandahan nito. "Sino sya, bakit may kagaya ako?" Nababalisang tanong sa kaloob looban nya.

"I would like to introduce to you my private secretary, her name is Nostalgia." Proud na sabi ni Raven kay Myrtle. At laking gulat ni Myrtle nang nalaman nya na ito ay si Nostalgia, pinigilan nya ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon at hindi sya nagpahalata. "Gumamit din sya ng Benditas!" Sabi nya sa loob nya.

Tumingin sa kanya si Nostalgia at bahagya lamang sya nitong nginitian, at tiningnan lamang sya ni Myrtle mula ulo hanggang paa at binaling nya agad ang pagtingin kay Raven.

Habang sila ay nagdidiner,  hindi sya  pinapansin ni Raven dahil nakatutok ito kay Nostalgia.

Nung mga sandaling iyon, ay labis na selos ang nararamdaman ni Myrtle. At sa tuwing nagtatama ang mga mata nila ni Nostalgia ay pinangdidilatan nya ito. Nakakaramdam naman ng matinding takot si Nostalgia, at lagi nyang tinitingnan ang mga kamay ni Myrtle, kinakabahan na baka lagyan nito ng enigma ang kanyang inumin o baka sabuyan sya nito. Di sya mapalagay nung mga oras na yon.

Di naman maawat si Raven sa pagpuri sa kagandahan ni Nostalgia. "I've been so many places in the world, but I never saw a woman as beautiful as you," sambit ni Raven habang nakatitig kay Nostalgia.  At nung mga sandaling iyon ay nakaramdam na ng sobrang selos at poot si Myrtle. Binuksan nito ang hawak nitong clutch bag at nagbabadyang kunin ang talutot ng enigma. Nagulat si Nostalgia nang nakita nyang may kinukuha ito sa bag.
"Myrtle, ano gagawin mo?" Biglang sabi ni Nostalgia. "What is wrong?" Sabi naman ni Raven at tumingin ito kay Myrtle. Sinara muli ni Myrtle ang kanyang bag. "Gusto ko na magpahinga," sagot ni Myrtle at bigla itong tumayo sa kanyang kinauupuan.
At agad iyong umalis.
"What is wrong with her?"
"Ewan ko po,"
"Ah alam ko na, she is jealous on you, mas maganda ka kasi sa kanya," nakangiting wika ni Raven, hindi na lamang kumibo si Nostalgia.

............

Pagbalik ng silid ni Myrtle ay nagwala ito mag isa.  Dahil hindi ito makapaniwala na mas maganda pa sa kanya si Nostalgia.

"BAKIT MAS MAGANDA PA SYA AKIN?ANG DAYA NG BENDITAS NA TO! BAKA PAG NAKITA SYA NI DON LUIZ AY SYA ANG MAGUSTUHAN AT IWANAN NYA AKO, AT ANG MGA PANGARAP AT PLANO KO SA BUHAY AY MAPUPUNTA LAHAT KAY NOSTALGIA! HINDI!HINDI AKO MAKAPAPAYAG NA MANGYARI ITO!" Nagwawalang sabi ni Myrtle at humarap sya ng salamin.

"Gagamitin ko ang enigma sayo Nostalgia, hahanap lang ako ng tyempo at isasaboy ko sa mukha mo! HAHAHA!" At sya ay humalakhak habang nakaharap ng salamin. Ngunit bigla syang may naisip at sya naman ang nakaramdam ng takot. "Siguradong may hawak din syang enigma, kailangan ko mag ingat sa kanya!" 
Maya maya ay  biglang humangin sa paligid, at sya ay kinutuban.  "Kailangang mahasik ko na ulit ang enigma na to, at magtitira ako ng isang talutot para sayo Nostalgia!"

At lumabas syang muli para maghasik ng enigma.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon