Chapter 25

1.3K 55 0
                                    

Samantala...

"Myrtle, pasensya na at na over time ka." Sabi ni Elizar.

"Ok lang po yun Sir."

"Ihahatid na kita." Sabi ni Elizar.

"Hindi na Sir, sabay na kami ni Caster umuwi."

"Nandyan pa ba si Caster?"

"Nag over time din sya sir eh."

"Ah ganon ba, o sige mauna na ako sa inyo," sabi ni Elizar at ito ay nauna ng umuwi.

Nang nakaalis na si Elizar, pagtalikod ni Myrtle ay nakasalubong naman nya si Caster.

"Paki antay mo ako, ilalagay ko lang ang mga regalo sa executive suite." Masayang sabi ni Caster.

"Mauna ka na umuwi." Sabi ni Myrtle.

"Pero bakit naman? Saan ka pupunta?"

Niyaya ni Myrtle si Caster sa isang tabi.

"Halika may sasabihin ako sayo." Sabi ni Myrtle.

"Bakit ba?"

"Tatapatin na kita Caster, gusto kita pero alam mo naman na may pangarap ako."

"Oo pero, anong ibig mong sabihin?"

"Magkikita kami ngayong gabi ni Don Luiz."

"Don Luiz? Yung may ari ng hotel na to?"

"Oo,"

"Pero hindi mo pa sya lubusang kilala?"

"Makikilala ko din sya, eh kung sya nga di rin nya ako lubusang kilala diba?"

"Ikaw ang bahala Myrtle, kung saan ka maligaya, basta nandito lang ako kung kailangan mo ako."

"Salamat Caster sa pag unawa."

"Pero papano kung hahanaphanapin natin ang ating mga yakap at mga halik? Gaya ngayon gusto kong makasama ka? Matitiis kaya natin ito?"

"Mahirap pero kailangan nating labanan ang nararamdaman nating pagnanasa sa isa't isa." Sabi ni Myrtle.

"Kung sakaling hahanaphanapin mo ako pag may pagkakataon ay tawagin mo lang ako." Nakangiting sabi ni Caster.

"Kahit nasa piling na ako ni Don Luiz, ikaw pa rin ang magpapaligaya sa akin,"

"Papano si Brendan? Hindi mo na sya gusto?"

"Mahal ko si Brendan, di pa rin nagbabago nararamdaman ko sa kanya, at di ako makakapayag na mapupunta lang sya sa Nostalgia na yan!"

"Pabor ako sa sinabi mo, akin si Nostalgia, at sayo si Brendan,"

Nakaramdam ng selos si Myrtle sa sinabi ni Caster.

"Marami pang iba dyan, huwag na si Nostalgia, hindi na kayo bagay!"

Hindi na lamang kumibo si Caster.

"Basta tadaan mo, ang gusto ko, pupuntahan mo ako kapag kailangan kita,"

"Oo naman, makakaasa ka."

Walang nagawa si Caster kundi sundin ang kagustuhan ni Myrtle.

.........

Hating gabi na ng nakauwi si Brendan at Nostalgia.

Sabay silang naglalakad sa kalye malapit sa bahay nila Nostalgia.

"Nakakapagod din magtrabaho sa hotel, walang pahinga whew!" sabi ni Brendan.

"Kaya nga at least may over time tayo ngayon, dagdag kita din."

"Oo nga, pero nakakapagod talaga."

"Ang ganda ng debut nung anak ng may ari kanina no?"

"Iba talaga ang mayayaman." Sabi ni Brendan.

"Alam mo ba parang nakita ko si Myrtle kanina?"

"Pano naman mapupunta si Myrtle doon, nasa probinsya sya."

"Probinsya?"

"Oo sabi nya pupunta daw sya ng Santa Barbara ba yun? Magbabakasyon daw sya, mula nun di pa umuuwi, hindi sya tumatawag eh, pero hindi na ako interesado sa kanya, parang na ti turn off ako sa ugali nya eh." Sabi ni Brendan.

"Santa Barbara?" Nagtatakang sabi ni Nostalgia,

"Alam mo ba kung saan yun?"

"Ah hindi ko alam, pero parang pamilyar eh."

At nakarating na sila sa tapat ng dampa ni Nostalgia.

"Sabay ulit tayo pumasok bukas?"

"Oo naman, susunduin kita ulit,"

"Salamat Brendan."

"Daanan kita bukas ng 11:00."

"Okay sige, 12 pm naman ang pasok natin eh."

Nakangiting sabi ni Nostalgia at hinalikan sya ni Brendan sa kanyang pisngi bilang kaibigan.

Masayang pumasok ng dampa si Nostalgia.

Nahiga sa papag si Nostalgia at naalala nya ang Santa Barbara.

"Santa Barbara?" Habang iniisip nya ang lugar na iyon ay  kinuha niya ang notebook nya, sinulat nya doon ang tungkol sa nabasa nyang lihim sa libro bago nya ito binigay kay Myrtle.
"Yun nga yung lugar kung saan nakukuha yung kambal na bulaklak,   pero bakit nagpunta doon si Myrtle? hindi nga nya alam kung saan yon?"

Nagtatakang sabi ni Nostalgia sa kanyang loob at naalala nya ulit ang babaeng nakita nya sa hotel.

"Ang boses nya at mga kilos nito ay kagayang kagaya kay Myrtle? Hindi kaya sya si Myrtle?" Naguguluhang sabi nya sa kanyang loob.

At sa sobrang pagod ay nakatulog na si Nostalgia.

........

Sumakay ng elevator si Myrtle papunta sa Penthouse suite kung saan naghihintay si Don Luiz.

Nakadungaw sa terrace si Don Luiz at natatanaw nya ang mga matataas na gusali na may mga ilaw sa paligid ng kanyang hotel, hinihintay nya si Myrtle.

........

Pagbaba ng elevator ni Myrtle ay naglakad sya sa mahabang hallway, sa kaliwang dulo nito ang penthouse suite ni Don Luiz.

At sa kanyang paglalakad ay narinig nyang muli ang himig ng piano. Kumabog ang kanyang dibdib alam na nyang magpapakita na naman ang estatwa ni Kasandra at natatakot syang makita ito.

Nanginginig ang kanyang buong katawan habang sya ay naglalakad sa mahabang hallway.

At bigla itong napahinto sa paglalakad  dahil nagpakita na ang estatwa ni Kasandra sa kanya, nasa dulo ito at masamang nakatingin sa kanya, hindi makasigaw si Myrtle, at hindi rin sya makagalaw sa kanyang kinatatayuan, unti-unting naglakad ang estatwa ni Kasandra papalapit sa kanya, naririnig ni Myrtle ang bawat yabag nito habang lumalapit sa kanyang harapan.

Hindi makatinang si Myrtle at nandidilat ang kanyang mga mata sa takot, habang lumalapit ang estatwa sa kanya, nanlilisik ang mga mata nito, inaanay ang imahe nito at namumula ang mga mata. Matitigas ang imahe nito habang naglalakad papalapit sa kanya, nakanganga sa takot si Myrtle at binabalot ng buong takot ang kanyang nararamdaman, hindi sya makakilos at na stuck sya sa kanyang kinatatayuan.

Malapit na sya maabot ni Kasandra.

At nang nakalapit ay biglang nagsalita ito.

"Gamitin mo ang enigma at maghasik ng lagim, ubusin mo ang bawat talutot, kung ayaw mong mamatay sa kabilugan ng buwan!" Malamig na boses na sabi ng Estatwa ni Kasandra sa kanya. Masama ang pag uugali ni Myrtle kung kaya't may kakayahan itong gawin ang utos ni Kasandra, hindi na kailangan pumasok pa sa katawan ni Myrtle ang katauhan ni Kasandra dahil alam ni Kasandra na magagawa ito ni Myrtle para sa sarili nitong interes.

At maya maya pa'y biglang nawala si Kasandra. At nang nawala ito ay doon lamang sya nakagalaw at nagmadali syang pumunta sa penthouse suite ni Don Luiz.

At sya ay nag door bell sa pinto nito.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now