Chapter 28

1.4K 52 1
                                    

Nagpunta si Empress sa may bintana at ito ay dumungaw sa magandang view.

Isa isa namang pinupulot ni Caster ang kanyang mga uniform na nagkalat sa sahig.

At hinahanap nya ang kanyang brief.

"Nasaan na kaya yun?" Sabi ni Caster habang hinahanap nya ito.

"Eto ba ang hinahanap mo?"

Nakangiting sabi ni Empress sa kanya habang hawak ng kanyang kanang kamay ang brief ni Caster.

Nagulat at nahiya si Caster nang nakita nya na hawak ito ni Empress.
Lumapit sya agad para kunin ito
Ngunit nakipaglaro pa sa kanya si Empress.

"Halikan mo na muna ako bago ko ibigay sayo to!" Naglalambing na sabi ni Empress.

"Ha eh, nahihiya po ako." Sabi ni Caster.

Nang narinig naman nila Nostalgia at Brendan ang boses ni Caster ay nagkatinginan silang muli dahil pamilyar sa kanila ito.

Pinipilit pa rin kunin ni Caster ang kanyang brief sa kamay ni Empress pero ayaw ibigay ito sa kanya at tinatago ito ni Empress sa kanyang likuran.

"Halikan mo na muna ako sabi eh."

Walang nagawa si Caster at hinalikan nya si Empress sa pisngi pero hinawakan sya sa mukha at tinapat sa kanyang labi kaya nagkahalikan sila at lalo namang hinarot sya ni Empress.

Nakatingin lamang sina Nostalgia sa kanilang ginagawa.

Ilang sandali lang ay bumitiw si Caster.

"Ok, eto na!" Sabi ni Empress at binigay ang brief ni Caster at nang kanyang nakuha ay nagtungo agad ito sa bathroom para magbihis.

"Kayong dalawa anong titingin tingin nyo dyan? Maaari na kayong lumabas!" Utos ni Empress sa kanila.

"Ah opo ma'am lalabas na po kami, nakahain na ang lunch ninyo, salamat po!" Nagmamadaling sabi ni Nostlagia.

At sabay silang nagbigay galang kay Empress at sila ay lumabas na ng suite.

................

Kinagabihan.......

Nalaman na ni Elizar na magkasama si Myrtle at Don Luiz nung gabing iyon at wala syang nagawa kundi tanggapin ito.

Nakita nyang bumaba ng elevator si Myrtle at Don Luiz at sila ay magkahawak na ng mga kamay.

"Elizar!" Bati ni Don Luiz.

"Magandang gabi!"

"Nagustuhan ko agad si Myrtle at nagustuhan nya rin ako, mula ngayon ay sa akin na sya titira at magpapakasal na kami." Sabi ni Don Luiz kay Elizar.

Di na nagtaka si Elizar kung bakit ganon na lamang nahumaling ito dahil kahit sinong lalaki ay maeenganyo sa ganda ni Myrtle. Ngunit nagtaka lamang ito dahil sa sobrang bilis, ngunit wala naman ito magagawa sa kagustuhan ni Don Luiz. Naisip pa nito na maswerte si Don Luiz kay Myrtle dahil namumukod tangi ang kagandahan nito na maaaring ipagmalaki sa buong mundo. Iniisip nya rin na kung kasingyaman lamang nya si Don Luiz, tiyak ay maiibigan din sya ni Myrtle lalo na at sya ang unang nakikala nito, ngunit ang lahat ng iyon ay isang pangarap na lamang.

"Kung gayon ay binabati ko kayo! At napakaswerte mo Don Luiz at mapapasayo ang pinakamagandang babae na nakita ko sa buong buhay ko!" Wika ni Elizar kahit masakit sa kaniyang kalooban. Sinuklian sya ng magagandang ngiti ni Don Luiz at ngumisi naman ng patago si Myrtle.

"Ako ang pinaka maganda sa buong mundo, walang hihigit pa sa akin! Salamat sa kambal na bulaklak hahaha!" Sambit nya sa kalooblooban nya.

Nagtungo sila sa Dining lounge.
..........

Ang sumunod na bumaba ng elevator ay sina Empress at Caster.

Suot lamang ni Caster ang pang ibaba ng kanyang uniform at t-shirt na puti. Upang walang nakapansin na isa lamang syang bellboy.

Magkahawak sila ng kamay kasama ng mga alalay ni Empress na nasa kanilang likuran.

At tumuloy sila sa Dining lounge.

"Nahihiya at natatakot ako, baka makita tayong magkasama ng daddy mo."

"Huwag ka matakot, di ka naman kilala ng daddy ko, kaya ako ang bahala sayo, ok?" Sabi ni Empress kay Caster.

Pinagtitinginan si Caster ng kanyang mga kasamahan at iba pang mga staffs sa hotel.

"Ibang klase talaga yang si Caster!" Sabi ng isang bellboy na si Mark.

"Oo nga, bakit ba kasi ganyan kakisig yang tao na yan, so unfair!" Sabi naman ng isa.

"Wala na kayong magagawa talagang guwapo sya."

"Nakakainggit naman si Empress!" Sabi naman ng isang staff na babae.

"Ano? Yung babae pa ang nakakainggit? Eh ang ganda ni Empress at tagapagmana pa, si Caster ang swerte." Sabi naman ni Mark.

"Di ko mawari, pero talagang mas maswerte si Empress haha!" Sabi naman ng iba at sila ay nagtawanan at masaya nilang pinag usapan ang mga ito.

.............

Samantala nasa isang tabi si Nostalgia at naririnig nya lahat ang mga usap-usapan sa paligid.

Maya maya ay paparating si Brendan, sabay sila ni Nostalgia na umuwi.

"Okay lets go, uwi na tayo!" Nakangiting sabi ni Brendan.

At nang sila ay nakalabas ng hotel ay sumakay sila ng jeep pauwi. At nang nakarating sa kanilang lugar ay kumain sila sa isang kainan malapit sa dampa nila Nostalgia.

"Syanga pala ano ba ang sasabihin mo?" Tanong ni Brendan kay Nostalgia.

"Wala ka bang napapansin sa mga nangyayari sa hotel?" Sabi ni Nostalgia.

"Parang may something nga, may kaparehong pangalan si Caster at Myrtle at sila ang usap usapan ngayon, at kakaiba ang kagandahan at kakisigan nila, sino kaya sila?"

"Alam mo sa tingin ko si Myrtle ang nakita natin kanina at yung isa naman ay si Caster." Hinalang sabi ni Nostalgia.

"Pero papano naman nangyari yon, e wala naman sa kalingkingan nila ang itsura nila sa mga yon?"

"Ito ang nais ko sabihin sayo, may napulot akong lumang diary, at may nakasulat na lihim doon kung papano maging maganda ng walang katulad at kung sino man ang taong makakahaplos sa taong ito ay iibigin ng wagas." Saad ni Nostalgia.

"Ano? Hindi kita maintindihan,"

"Kung totoo ang kutob ko, ngayon ako naniniwalang totoo nga ang kambal na bulaklak na nakasulat sa libro! Ginawa  nina Myrtle at Caster ang nakasulat na lihim!"

"Totoo ba yang mga sinasabi mo? Nasaan na ang diary?"

"Wala sa akin, na kay Myrtle, hiniram nya pero di na nya ibinalik sa akin."

"Ano ba yung lihim na yun?"

"Ito ay tungkol sa kambal na bulaklak."

"Kambal na bulaklak?"

"Oo, ang isa ay matitinik, at ito ay tinatawag na enigma at ang isa naman ay walang mga tinik, at ito naman ay tinatawag na Benditas."

"Anong meron sa Enigma at Benditas na sinasabi mo?"

"Ang Benditas ay nakakapagpagpaganda ng isang tao, gaya ng kay Caster at Myrtle, ginagamit ang bawat talutot nito at dapat ay kumpleto ang talutot para di na magbabalik ang dating kaanyuan,"

"Talaga? Ibig sabihin, ginamit nila yun kaya ganoon sila kaganda ngayon?"
Manghang tanong ni Brendan.

"Oo, sigurado ko!"

"Sa nakita kong itsura nung dalawa ay nakakamangha talaga ang taglay nilang kagandahan whew! Ano naman ang enigma?" Interesadong tanong ni Brendan.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now