Chapter 49

1.2K 47 0
                                    

"Ano nangyayari?" Nagtatakang sabi ni Don Luiz.

"Hindi ko alam sir!" sagot ni Madden.

Hindi makapagsalita si Krystal.

Habang nilalapitan ng mga guard ang model ay biglang gumalaw galaw ang katawan nito habang namimilipit at nagkakaroon ng mga pantal ang kanyang mga balat.

Napaatras ang dalawang guard sa kanilang nakita, hindi nila ito malapitan dahil sa kakaibang pag galaw nito. At biglang nangitim ang mga balat nito na kagaya ng balat ng puno.

Natakot ang mga guard at nag atrasan sila sa sobrang takot. Samantala may isang model na nag-agaw eksena at bigla itong rumampa sa stage, naisip ng model na iyon para mawala na ang tensyon sa inaakala nyang epilepsi lamang ang nangyari sa kasamahan niya. At buong ning ning na rumampa ang model na iyon sa stage. Hindi nito napansin na nagbago na ang kaanyuhan ng unang model na iyon. At sa kanyang pag rampa ay bigla na lamang na dumapa na parang hayop ang unang model. Tumingin ito ng nanlilisik ang mga mata sa kanya. Napahiyaw sa takot ang pangalawang model. Ngunit malakas ang tutog kaya di naririnig ang kanyang hiyaw, ngunit nakita ng mga nanonood na humihiyaw ito sa takot,  at bigla na lamang syang sinunggaban ng model na naging halimaw na. At doon na nagtayuan sa takot ang mga tao. Nakita nilang sinasakal nito ang model.

Walang magawa si Madden at Krystal at nagigimbal na lamang sila na nakatingin sa nangyayari sa stage.

"Madden ano nangyayari?!" Hindi makapag salita si Madden at natulala ito. Niyaya naman ni Don Luiz si Myrtle na umalis na.

"Halika na Myrtle umalis na tayo!" Sabi ni Don Luiz.

At habang may kausap naman si Raven sa kanyang cellphone ay napansin nyang nagkakagulo sa paligid, nakita nya ang kanyang ama at si Myrtle na nagmamadaling lumalabas.

"Dad? Ano nangyayari?" Sabi ni Raven kay Don Luiz at napatingin sya sa stage, nagimbal sya sa kanyang nakita. At doon ay hinahanap nya si Nostalgia.

"Lumabas na tayo dito!" Sabi ni Don Luiz.

"Krystal halika na lumabas na tayo!" Sabi ni Madden kay Krystal.

"Teka si Caster, pupuntahan ko si Caster!" Sabi ni Krystal, nakita nilang napatay na ng model na naging halimaw ang model na kasamahan nito. Tumingin ito sa mga tao. Kinilabutan ang lahat, at hinatak ni Madden si Krystal papalabas.

"Sandali lang dad, si Nostalgia?!" Sabi naman ni Raven habang ginagala ang kanyang mga mata sa paligid. Nang biglang may humiyaw sa isang tabi, at ganoon din sa kabilang banda, nagiging halimaw na rin ang mga nakainom ng cocktail na may enigma. Lalong natakot ang mga tao dahil dumadami ang mga halimaw at nagkakagulo na sa buong ballroom at nag uunahan makalabas ang mga ito, ngunit nagkalat na ang mga halimaw sa paligid dahilan na hindi makalabas ang lahat. Iilan ilan lang ang mga nakalabas at isa na sila Don Luiz na hatak hatak ni Myrtle. Malapit na sila ni Myrtle sa exit ng ballroom. "Nasaan na si Raven? Kailangan nyang lumabas na dito!" Natataranta na sambit ni Don Luiz.

"Wala ng oras! Umalis na tayo dito!"  Sagot ni Myrtle at hinatak niya palabas ito.

Napahawak naman ng kamay si Nostalgia kay Brendan sa sobrang takot hindi sila makalabas agad dahil nag kakagulo ang mga tao.

Biglang tumalon ang model na naging halimaw mula stage at dinambahan nito ang isang round table at may nahawakan itong isang tao at ito naman ang kanyang sinasakal.

Pinagbabaril ng mga guard model na naging halimaw ngunit hindi ito tinatablan ng bala, at sila naman ang binalingan nito, at sinakal ang isa sa mga guard, kaya nag atrasan na rin ang mga  guards upang iligtas ang kanilang mga sarili.

"Papano tayo makakalabas?" Sabi ni Nostalgia kay Brendan, at nakita nilang may kanya kanyang biktima ang mga halimaw na nagkalat sa loob ng ballroom, hindi makita ni Nostalgia si Raven dahil malaki ang ballroom at maraming tao ang nagkakagulo.

Samantala, narinig ni Caster mula sa dressing room ang mga ingay sa labas at naglabasan ang mga models para silipin ang  nangyayari sa ballroom at kinilabutan silang lahat sa kanilang nakita, nag panic na rin ang mga tao sa back stage at kanya kanyang nagtakbuhan na rin.

Nakita ni Caster si Nostalgia at Brendan na magkahawak kamay, at hindi sila makatakbo papalabas dahil nagkakatulakan na ang mga tao.

Nilapitan sila ni Caster.

"Sumama kayo sa akin, doon tayo magtago sa back stage!" Sabi ni Caster sa kanila.

"Caster?!" Sabay sabi ni Brendan at Nostalgia at sumama sila kay Caster.

Ngunit biglang may humarang na halimaw sa kanilang harapan, nasa likod ito ng isang round table, ang ginawa ni Caster at Brendan ay pinagtulungan nilang binuhat ang lamesang iyon at itinaob sa halimaw at pansamantalang nadaganan ito kaya nakatakbo sila papunta sa back stage.

Samantala, naiwan si Raven sa isang tabi dahil sa kakahanap kay Nostalgia, nakita nya ang mga halimaw sa paligid na may mga sinasakal na biktima, nagpapanic ang mga tao upang makalabas.

Ang iba ay hindi na nakalabas kaya nagtago na lamang ang iba sa ilalim ng lamesa at ang lahat ay nangangatog sa takot.

Nagtago na rin si Raven sa ilalim ng lamesa at nakikita nya ang mga paa ng mga halimaw na gumagala sa paligid, sa tuwing nakikita nyang lumalapit ang halimaw ay lumilipat ito sa kabilang ilalim ng lamesa.

Makalipas ang ilang sandali ay may nakakita sa kanyang isang halimaw.

Napaatras si Raven at napaupo ito sa sahig at nanlilisik ang mata ng halimaw na nakakita sa kanya.

Samantala.......nakapasok na ng dressing room sila Caster at nang kanya ng ila lock ang pinto ay biglang lumabas si Brendan.

"Brendan! Saan ka pupunta?" Sabi ni Nostalgia.

Hindi na nagsalita si Brendan dahil hinahanap nito ang fire alarm, at nakita niya ito sa isang tabi. Hinatak nya pababa ang kulay pula na handle ng fire alarm.

Habang nilalapitan na ng halimaw si Raven ay biglang nagulantang ang mga halimaw nang narinig nila ang malakas na alarm, nabibingi ang mga taong naging halimaw at kanilang pinag tatakpan ang kanilang mga tenga kung kaya't nabitawan nila ang kanilang mga biktima.

Nagkaroon ng pagkakataon na makatayo si Raven at nakita nya ang mga halimaw na pare parehong nagtatakip ng kanilang mga tenga at naghanap ang mga ito ng malalabasan. Hanggang ang mga taong naging halimaw ay nag gapangan palabas ng ballroom at nang hotel at ang mga ito ay gumala sa syudad.

Nang wala na ang mga halimaw ay naglabasan ang mga tao kung saan sila nakatago at takot na takot ang mga ito, maya maya pa'y nagdatingan ang mga mga pulis at mga media. At nagimbal ang mga ito sa nakitang mga nagkalat na nabiktima ng mga halimaw.

Hindi pa din umaalis si Raven dahil hinahanap nito si Nostalgia. Maya maya ay nilapitan sya ng mga media.

"Sir Raven what happened?"

"I'm sorry I don't need to talk to anyone, all I want is my fiance!" Sabi ni Raven at mabaliw baliw ito sa kakahanap kay Nostalgia nag aalala sya na baka napatay na ito ng halimaw.

Lumabas ng dressing room si Caster at Nostalgia at nang nakita ni Nostalgia si Brendan ay biglang napayakap sya dito.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now