Chapter 2: Deal

22.9K 471 49
                                    


Pag-uwi sa bahay nagbihis lang ako kaagad at pagtapos sumalampak na sa harapan ng laptop ko para makapag research ng strategies na pwede kong mai-suggest sa team. Marami naman alam sa ganito si Maven pero gusto ko rin na gumagawa ako ng sarili kong research so I can acquire information as many as I can. Isa pa, ayoko rin humingi ng tulong sa kanya dahil alam kong ang mga ituturo niya rin naman sa'kin ay nalaman niya rin sa coach niya - which is disgusting kaya talagang magsisikap na lang ako.

Marami-rami na akong nare-research when I heard knocks on my door which the sound is patterned. Two loud knocks and three soft and slow knocks. Napangiti agad ako.

"Pasok na Kuya GD!" I yelled then the door opened up at pumasok ang kuya ko na halatang kagagaling lang sa gang war dahil suot niya pa ang brass knuckles niya at may mga bahid ng dugo sa puti niyang damit. Automatically my eyes rolled at that.

"Sabi ko naman sa'yo kapag makikipag-away ka di ba magsuot ka ng red o kaya ng black para hindi halata ang dugo? Tss you look horrible" I told him na tinawanan niya lang.

Sa aming apat na magkakapatid si Kuya GD ang panganay. He's twenty years old already and just got out of college. Tumutulong siya sa business namin yet active rin siya sa gang kung saan member sila nung isa ko pang kuya na si Kuya CL. Secret Monarch ang pangalan ng gang nila. Yun din ang gang ni daddy nung binata siya kung saan siya ang gang leader pero ngayon sila kuya na at ang mga anak ng dati niyang gang members ang pumalit na. At minana ni Kuya GD ang pagiging gang leader.

Tumawa lang si kuya sa sinabi kong yun at naglahad ng kamay. "Do I really look horrible? Sabi ng Ate Savanna mo gwapo pa rin daw ako kahit ganito" buong pagmamalaki niyang sabi.

Umirap ako. "Syempre fiancée mo yun eh!" singhal ko sa kanya yet tumayo na rin ako para kunin ang first aid kit at gamutin siya though gasgas lang naman sa balikat ang mayroon siya.

"Rennan told me that you're still on that team at hindi man lang sinusuportahan ng St. Agatha" kuya started

Nagkibit lang ako ng balikat "Okay lang naman sa'kin yun. Isa pa, mahal ko naman talaga ang volleyball so I don't mind"

"Eh sino mas mahal mo? Si Maven o volleyball?"

I pouted at that "That's unfair, kuya" sabi ko. He just laughed then ruffled my hair.

"You know what, pare-pareho kami ng mga kuya mo na natatakot para sa'yo. God, pwede ba princess mag-iingat ka dyan sa mga pinag-gagagawa mo? Rennan told us also that you don't walk away in fights" biglang seryoso na sabi ni kuya.

"Eh bakit naman ako uurong kung kaya ko naman protektahan ang sarili ko di ba? You guys taught me martial arts, didn't you?"

"Yep. And that's our biggest mistake"

Hindi ko mapigilang mapangiti. Sa lahat ng mga kapatid kong lalaki si Kuya GD talaga ang pinaka protective sa'kin. Protective din naman si Kuya CL at Rennan pero si Kuya GD talaga ang todo. Naalala ko nung nanliligaw sa akin si Maven nun, dumaan talaga siya sa butas ng karayom kay Kuya GD na sabi niya nga nun sumuko na talaga siya kung hindi niya ako mahal.

"Huwag kang masyado na mag-alala sa'kin, big bro. You know that I can protect myself. Kaya ko nga sigurong talunin si Rennan sa suntukan. But anyway, ikaw ang pag-usapan natin. Ano ang nangyari sa inyo? Natalo niyo ba yung gang?" tanong ko.

Naalala ko dati hindi ko naiintindihan ang mga ginagawang to ng mga kuya ko but eventually naintindihan ko na rin. Ang Secret Monarch ay isang big time gang na hawak ng kumpanya namin. Kapag may mga grupo na gustong sirain ang kumpanya namin, ang Secret Monarch na ang bahala doon. All top performing companies need that, they said.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon