Chapter 6: Blaise Rafaelo

15.6K 504 80
                                    

"So let me get this straight, Maven and you have broken up, dahil nahuli mo sila ni Snow sa dug out?" Trina asked disbelieving. I can't blame her though.

I shrugged my shoulders and just resumed sipping my coffee "Yes. And there will be no part two or sequel for us" I said confidentlly and that is true.

Magsimula kasi kagabi ilang beses na siyang text nang text sa'kin. I actually have a plan of changing my digits kaya lang malaking abala yun sa'kin so I just blocked his number instead. Salamat na nga lang at hindi niya sinubukan pumunta sa bahay. Despite that my brothers promised to not hurt him, hindi ko pa rin maga-guarantee na ganun pa rin ang mangyayari if he tries to go to our doorstep. Para na rin siyang pumasok sa bahay ng mga leon kung gagawin niya yun.

"I know we're friends, Arya but then.. hindi kaya OA ka lang? Baka wala naman silang ginagawang masama. Maybe you just misunderstood the whole thing" Gail said. Ang pinaka logical sa amin as ever.

Trina tsked "Come on, Gail. They're in the same room together at silang dalawa lang. What could it be then? And the fact that he didn't tell our dear friend here na close pala sila ng demonyitang yun is already something" nanggagalaiti na sabi ni Trina. Hindi ko naman na ipinagtataka ang galit niya na yan dahil may hindi sila magandang nakaraan ni Snow. Well, that serial flirt stole his boyfriend back then. Naaalala ko pa nga, ginulpi ko ang lalaki na yun then a week later he dropped out dahil na rin siguro sa hiya at takot sa'kin. "Well, that's love isn't it? You will get hurt but it's more than worth it" positive na sabi pa rin ni Gail.

"Tss.. Gail that's obviously not love. Isa pa, ayos lang naman ako. I didn't even cry nung mahuli ko sila. I just felt betrayed. Pero hindi ako magsasayang ng oras pagluksaan ang pagkawala ng tulad niya" pagtatapos ko ng usapan dahil natatakot ako na baka magkaaway pa kaming tatlo. Maven can go to hell for all I care pero hindi ko kakayanin kapag nawala sa akin si Trina at Gail. Next to my family, sila ang bumubuo ng mundo ko.

"Oo nga, let's just be happy that our friend here is not like the other girls out there na halos magpakamatay kapag iniwan ng boyfriend. Mabuhay ang mga single!" Trina cheered and even raised his cup of coffee for a toast. May mga napatingin pa nga sa amin na medyo natawa pa but Gail and I just get on with her.

"Parang biglang gusto ko ng chicken joy. Tara Jollibee tayo" biglang yaya ni Gail after our toast.

"I am actually thinking of samgyeopsal or chicken quesadillas pero sige, Jollibee na lang" Trina agreed.

"So ano, tara na? I am starving also" sabi ko sa kanila. Iniwan na namin ang mga kape namin sa mesa then make our way to the bee house.

---

Luckily despite na maraming tao, nakahanap pa rin kami ng mauupuan.

"Dito na lang kayo. Ako na ang oorder" sabi ko sa kanila. Tumalikod na ako at tinungo ang counter para pumila na. I rolled my eyes seeing a couple in front of me. Si ate kung makakapit sa boyfriend para bang mawawala ito anytime. I can't see their faces pero sa mga tindig pa lang nila alam kong maganda at gwapo sila. The girl is tall at mahaba ang kanyang brown na buhok na nakatali nang mataas gamit ang ribbon. Maiksi ang maong na palda na suot niya so kitang-kita ang mahahaba niyang legs.

Well, ganyan din naman ang akin pero hindi lang talaga ako komportable na nagsusuot ng mga ganyan kaiksi except volleyball trainings at sa games mismo. Wala kasing ibang ginawa ang mga tao sa paligid ko kung di tignan ang mga hita ko. It's not that I am scared of them. Sa sarili ko ako natatakot na baka mapatay ko pa sila.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon