Chapter 4: Blaise

15.5K 491 31
                                    

Balik na sa normal na ingay at atmosphere nito ang buong café at ganun din ako. Inipit ko sa notebook ko ang tissue and decided na magpatuloy na lang sa pag kain.

I know it's absurd. What he said.. na niloloko ako ni Maven. We've been together for long at kung sakaling totoo man yun mararamdaman ko naman yet hindi.

But I don't know why I can't just shrug it off. It's as if maging ang isip ko ay nagdududa. And I fucking hate this. Boyfriend ko si Maven. Nagmamahalan kami. And if you love someone then that love should also comes with trust yet ito ako, letting a stranger make me doubt about our relationship. At ang mas malala pa, I even had the audacity to agree to be his girl if I proved him correct!

"Ate Arya okay ka lang ba?" may lumapit sa akin na ka schoolmate ko yet hindi ko naman kilala. But if I am going to give a wild guess na sa tingin ko freshmen siya or maybe sophomore. Maliit lang siya na babae, mapayat at hanggang balikat ang itim na buhok.

She looks worried na ipinagtataka ko. "Why should I not be okay?" balik ko sa kanya at hindi itinatanggi ang pagtataka.

"Those guys.. Hindi mo ba sila kilala? Mga taga Herondale High sila. Hindi mo ba alam ang history nila?" she inquired.

"I know they're from there pero bakit naman ako hindi dapat maging okay?" tanong ko pa rin.

Yet, hindi ko na rin siya masisi kung bakit ganito ang pag-aalala niya. Herondale high is a school for delinquents. Drop outs. Kick outs. Mga black sheep sa pamilya at maging mga may criminal records. Nakakapag function ang eskwelahan na yun dahil sa special permit na binigay sa kanila ng dating presidente ng Pilipinas. Ang school na yun ay binigay bilang regalo kay William Herondale na pinaka nirerespetong gangster sa buong bansa dahil sa napaka laking kontribusyon niya at ng gang nito para sugpuin ang bentahan ng droga na naging laganap noon.

Hence the reason kung bakit ang mga nag-aaral doon ay mga gangsters at puro lalaki. Pero hindi mo pa rin naman masasabi na mga wala silang kwenta dahil karamihan sa kanila ay mga anak mayaman. Anak ng general, negosyante, politiko at kung ano-ano pa na ang mga magulang ay karespe-respeto.

"Yung kausap mo kanina.. siya lang naman ang Alpha sa Herondale High ngayon" sagot ng kausap ko na pansamantala kong nakalimutan na nandyan pala.

"Alpha? Ano yun?" sa totoo lang hindi ako komportable na nag-uusap kami ngayon yet I am curious. I don't know why is it to me that it seems like this kid has a keen interest sa mga taga Herondale High.

"Gaya siguro ng alam mo.. karamihan ng mga estudyante sa Herondale ay mga basagulero. Walang araw na lumipas doon na walang nagaganap na away. Kaya ang naisip na paraan ng school management nila ay magkaroon ng tinatawag na Alpha at Beta. Ang Alpha ang pinaka lider ng mga estudyante. Sa normal na school gaya ng sa'tin, para siyang student council president. Ang Beta ang person in command kapag wala ang alpha"

"Whoa, paano alam ang mga yan?" amused na tanong ko dahil nakakabilib lang na marami siyang alam.

"Yung kausap mo kanina siya si Kuya Blaise. Kapatid ko ang Beta niya na si Kuya Russel. " sagot niya.

Okay, alam kong wala naman akong mapapala sa pagtsismis pero hindi ko na talaga mapigilan ang curiousity ko. Hindi ko alam na may mga ganun kapritso pala ang eskwelahan na yun.

"Bakit siya ang Alpha doon? Paano ba nila pinipili ang Alpha? Botohan ba yun? Pinipili ng school management?" tanong ko

Umiling siya "Taon-taon may nagaganap na underground tournament kung saan may hinahalal na bagong Alpha. Labanan yun. Palakasan at pautakan. Lahat nang naghahangad na maging Alpha ay kailangan makipaglaban. Ang matitirang nakatayo ang siyang panalo"

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon