Chapter 21: His Ex

11.6K 340 16
                                    

Naghubad na ako at inilagay yung shirt at pants ko sa loob ng paperbag. Maingat kong isinuot yung dress then the accessories.

Tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin. Magugustuhan naman siguro ako ng mga Gandia di ba? Damn, I'm pretty.

"Babe?" may narinig akong kumatok and heard Blaise. Tumalikod naman ako para buksan sana yung pintuan when I darted my gaze at my feet. Damn naka slippers lang ako!

"Buksan mo to. I bought you shoes. Nakalimutan ko lang kanina. Isukat mo so I can see kung kasya"

Binuksan ko naman yung pinto pero hindi ako nagpakita sa kanya. I reached out my hand instead hanggang sa maramdaman kong isinabit niya na sa kamay ko yun.

"Medyo pakibilisan lang po. Magt-travel pa tayo" pahabol niya before closing the door.

I hurriedly check the shoes. It's a pair of black stilletos. Mayroon itong design na outline ng silver rose sa outsole part nito hanggang sa shank. Ang heel tip naman ay silver din.

Sa totoo lang mas mukhang may alam pa si Blaise sa fashion kaysa sa'kin.

---

"How do I look?" unsure na tanong ko sa kanya as I make my way towards him. Nakangiti yung stylist na nasa tabi niya habang siya naman mariin lang ang tingin sa'kin.

"Ang bagal mo magbihis" he said after a moment of silence. I just rolled my eyes. Nilapitan ko na lang yung stylist na nag-ayos sa'kin para magpasalamat.

"Enjoy the night" he just said then winked at umalis na. When I looked at Blaise mataman siyang nakatingin sa'kin.

"Aminin mo na kasi na nagagandahan ka sa'kin. Wala naman masama dun" pang-aasar ko sa kanya pero sa totoo lang nate-tense ako sa tingin niya sa'kin.

"Yeah, undeniably you're pretty. Pero mas maganda ka pa rin kapag naka shirt at pants lang" sabi niya

"Should I change then?" I said back dahil sa'kin wala naman problema kung ganun ang gusto niya.

He shook his head "No need. Wala naman akong sinabi na pangit ka ah. Naninibago lang siguro ako"

Hindi na ako sumagot. We just walked in silence. Maraming napapatingin sa'min na dalawa. A guy winked at me and pointed at my chest. My eyes widened at that. Lalapitan ko sana para maturuan ng leksyon pero naunahan na ako ni Blaise. Kinwelyuhan niya ito.

"Paki ulit nga lang yung sinenyas mo sa girlfriend ko" he said dangerously at the guy na alam kong takot ang nararamdaman ngayon. I can't blame him dahil di hamak na mas malaki si Blaise sa kanya.

"Sorry po kuya" sabi na lang nito pero hindi pa rin binibitawan ni Blaise. Lumapit na ako sa kanila.

"Blaise okay na. Let's go, mala-late na tayo" sabi ko sa kanya. He just looked at me then at the guy again. Pabalya niya ito na pinakawalan.

"Damn ang disente naman ng suot mo pero nababastos ka pa rin. Wag kang bibitaw, okay?" mariin niyang sabi as he entwined our hands together.

Gusto ko sana makipagtalo sa kanya kaya lang baka mag-away pa kami kaya nanahimik na lang ako. One more thing, he's just being concern so I should just be grateful.

So hand in hand we walked hanggang sa makarating na kami sa parking area. Disappointed na naman ako dahil kotse ulit ang dala niya.

"Come on, Arya. We're both wearing formal attires, lalo ka na naka dress. Do you really think na papayag akong magmo-motor tayo?" tanong niya.

I just pouted my lips as he opened the door of his car for me. I half heartedly put on my seatbelt then crossed my arms.

"Mamaya wag kang papalag kapag sweet ako sa'yo ha? We have to act like we're really crazy for each other. Kung di, mahahalata tayo ni daddy. Okay?' bilin niya

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon