Chapter 50: My Home

11.6K 397 82
                                    

Hindi naman mahalaga sa'kin kung panalo ako o draw lang sa round na ito since just like what Trina said, mas lamang pa rin ang pagmamahal ko kay Blaise. It's him over anyone else. Kahit na nga sobrang halaga na manalo ako sa round na ito, I still can't turn a blind eye on the fact that he's in danger.

Kinuha ko ang spare clothes ko na pinahawak ko kay Trina and went straight to the comfort room na nandito lang malapit sa pool area para magbihis na.

When I went out, I automatically rolled my eyes. Umiwas na lang ako sa kanila and walked the other way instead.

"Kung sana pumayag ka sa offer ko, e di sana hindi to nangyari. Malamang natulungan pa kita"

I clenched my jaw at that and looked at them. "Kahit ikaw pa ang kahuli-hulihang lalaki rito sa mundo, hinding-hindi kita papatulan. And I don't need your help. The mere fact that you exist is already disgusting me" I said then plastered a fake smile.

Kitang-kita ko ang pamumula ng tainga niya dahil sa galit niya sa sinabi ko. I just smirked at nagpatuloy na lang sa paglalakad pero hindi pa man ako nakakalayo nang higitin niya ang braso ko pabalik.

"Bitawan mo nga ako!" sigaw ko at nagpumiglas pero mas lalo niyang diniinan ang paghawak sa'kin. Since it pissed me off, sinapak ko siya gamit ang kabila kong kamay. It hit his jaw hard kaya naman nabitawan niya ako.

Bubulyawan ko sana siya but from the corner of my eye, I saw someone. Oh how convenient that it's my boyfriend. At halatang hindi siya natuwa sa nasaksihan niya.

"What's going on?" nakakunot ang noo na sabi niya. Then it hit me.

"Babe, buti na lang dumating ka. Ito kasing dalawang to hina-harass ako. And alam mo ba, bukod kay captain sila rin yung nakakaalam na ako si Arya?"

Like what I expected nagulat silang dalawa. While Blaise on the other hand balled his fist at masamang tumingin sa kanila.

"Alpha –"

"Then babe, alam mo pa ba ginawa nila? Nung malaman nilang ako si Arya, binlackmail nila ako. Sabi nito.." I pointed at the creep "Na itatago niya raw ang sekreto ko kung papayag ako na maging alipin niya. He even said na wala raw akong karapatan na magreklamo kung gusto niya na ikama ako" pagpapatuloy ko

Blaise gritted his teeth and to my horror, sinakal niya yung dalawa at iniangat ang mga ito sa ere.

"You dare mess up with what's mine.. Saan kayo nakakuha ng lakas ng loob ha?!" sigaw niya sa mga ito habang pahigpit nang pahigpit ang hawak niya sa mga leeg nito.

Is he going to kill them? Damn ang Hunter Fourteen naman walang ginagawa! They're just looking at their Alpha at tila ba para bang sanay na sila na usual na itong ginagawa ni Blaise.

I hugged him from behind. Ikinagulat niya yun kaya naibagsak niya yung dalawa na kapwa naghahabol ng hininga.

"Stop it. Do not kill them. You are better than that" marahan kong bulong sa kanya. Thankfully, he calmed down a bit. Nilingon niya ako then he cupped my face.

"These fucktards said those things to you? Bakit ngayon mo lang sinabi? You should've told me before.." he said slowly

I smiled weakly at that. "Paano ko sasabihin sa'yo kung galit ka sa'kin?"

He sighed at that and hugged me. "You little brat.. Yes, galit ako sa'yo pero hindi naman ibig sabihin nun na wala na akong pakialam sa'yo. I still love you" he whispered at humiwalay na sa'kin. Ibinalik niya ang atensyon doon sa dalawa. Tumigas ulit ang anyo niya.

"You think you're going away with this? I want to kill you pero sa tingin ko madali yun masyado. And wait.. isn't it na kayo rin ang nakaaway ni Brandon nun? The one who punched him?"

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon