Chapter 97: The Mess

7.3K 174 18
                                    

I am a firm believer of destiny.

Ako yung klase ng tao na naniniwala na lahat ng mga nangyayari ay may dahilan. That fate always meddles with things so they will be put everything in their right place. I think that regardless of the choices we make, mapupunta at mapupunta pa rin tayo sa kung saan tayo nakatadhana malagay.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko magawang kalimutan ang pag-uusap namin ni Tita Eliana noong nakaraan.

Part of me really feels sorry for her. Just knowing na nagkaanak ang asawa mo sa ex nito na sobrang minahal nito ay sobrang sakit talaga. I must know because that's what I felt with Maoi many years ago too. I remember feeling so intimidated and frustrated dahil alam kong sobra siyang minahal ni Blaise.

Paano pa kaya kay tita na kahit kasal na sila ay hindi pa rin siya nagawang mahalin nang buo ni Tito Franz? I can't even imagine where she got the guts to continue being with him through the years despite na alam niyang wala sa kanya ang buong pagmamahal nito. Kahit na nga ba may mga anak sila. Actually I think mas masakit nga yun eh. May mga anak sila pero si tito ay ganun pa rin.

I really do feel bad for her and God knows that pero hindi pa rin ata tama na madamay ako – kami, ng mga anak ko. It should be just between her and his husband. Hindi ata tama na kami ang magdusa sa kasalanan ng magulang ko dahil ibang tao naman ako sa kanila. It's just unfair na iwan ko si Blaise para sa mga pangyayari na hindi ko na mababago o wala naman kinalaman.

"Noong mga nakaraan ko pa napapansin na tulala ka. Is there something bothering you?" Blaise asked worriedly as he caressed my cheeks.

Mabilis akong umiling. I know I promised that this time I will trust him pero sa tingin ko mas makabubuti kung itatago ko na lang sa kanya yun. The last thing I want now ay pati sila ng mommy niya ay magkagalit din. Masyado na kaming maraming problema at ayoko nang dumagdag pa.

His eyes are telling me that he doesn't believe me so with all my might, I mustered a big smile.

"Wala talagang bumabagabag sa'kin. It's just, I am curious kung saan pumunta si Tito Franz after natin sabihin sa kanya yung kay Kuya GD" I lied though somewhat, I am really curious about that.

He smiled weakly at that. "Do you really want to know?" I nodded

"The warden where your dad is staying called me that night and said na nandun daw si daddy and wants to kill your dad. Nang-agaw daw ng baril si daddy doon. He was crying so hard while cursing Tito Armando. They didn't know how to stop him so I told them na hampasin sa ulo para mahimatay tapos saka nila alisin sa lugar na yun. Thankfully it went well" he said tonelessly na para bang balewala lang sa kanya ang nangyari.

"I know dad has a lot of reasons to get mad pero hindi pa rin tama na makapatay siya lalo na kung ang papatayin niya ay tatay ng pinaka mamahal ko. Thinking of it, kung sila ng mommy ang nagkatuluyan e di wala tayong dalawa"

He has a point there pero hindi pa rin nun nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. No matter how we justify it, may mga nasasaktan pa rin talaga.

He curled his arms around my waist and buried his face on the crook of my neck.

"Kamusta na ang mga baby ko?" he asked as he caressed my stomach.

"We're good, daddy" I answered in my baby voice.

"You're not giving mommy a hard time, arent' you?" natatawang sabi niya as he lift up my dress this time and kiss my stomach.

"No, daddy. Ikaw lang naman po dyan yung pasaway eh" we both laughed at that.

"How many more kids are we going to make? I want a big family with you, babe. I won't really mind kahit sampu pa ang maging anak natin basta ikaw ang nanay nila"

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon