Chapter 60: Reward

8.9K 254 14
                                    

I stay out of the main road tutal si Blaise naman ay may alam na daanan. We had to do that dahil sa traffic na wala ng paggalaw. Actually malapit na kami. More or less makakarating na kami roon within five minutes.

"Shit!" Blaise yelled and pointed at the side of the road kung saan may dalawang pulis na pumapara sa'min gayong malayo pa kami.

"Hihinto ba ako?" I asked nervously dahil hindi ko alam ang gagawin.

"No. Kapag malapit na tayo bigla mong bilisan. We are out of time. Who knows kung ano rin ang sadya ng mga yan" Blaise answered. Sinunod ko naman siya. Nung malapit na kami sa dalawang pulis, iniwas ko ang manibela at binilisan ang pagpapatakbo.

When I looked at them from the rearview mirror ay nakita kong sumakay sila sa mga motor nila at humahabol na sa'min.

"Shit! Shit! Shit!" nagpa-panic na sigaw ko though I keep my eyes on the road. Nagmura pa ako ng isa pa, nang makita kong wala kaming dadaanan dahil sa mga tao. Ito na ata yung sinasabi sa radyo kanina na mga nagra-rally. May mga nakikita rin akong media sa paligid.

Bigla akong napatapak sa brake when the two policemen on their motorcycles ay harangin kami.

I helplessly looked at Blaise. Hindi niya pinapahalata pero alam kong kahit paano ay kinakabahan na siya.

"What are we gonna do?" I asked no one in particular

"Bababa na ako" Mr. President said from behind. Napatingin kami sa kanya.

"Paano po kung may mangyari sa inyo? We have to do something!" napatingin ulit ako sa mga pulis who parked their motorcycles sa harapan namin at bumaba na sila para puntahan kami. Pareho silang naglalakad papunta sa side ko. Actually yung isa ay kumakatok na sa bintana ko.

"You two stay out of this. Ako na ang bahala. Hanggang dito niyo na lang ako matutulungan. Thank you so much. I will never forget this" akmang bababa na si Mr. President when I stopped him. May bigla akong naisip na paraan.

Patuloy pa rin sa pagkatok yung dalawang pulis sa bintana ko but no fucks were given to them. I looked at Blaise instead and cupped his face with my hands.

"Listen carefully to me.. I will go out there and talk to them. I will keep them occupied. Habang ginagawa ko yun, I want the both of you to sneak out and walk there. Magpakita kayo sa media. It has to be one of us at ikaw yun, mister" I said with urgency. But as usual, he shook his head. I can also see na matigas ang anyo niya tanda na hindi siya payag sa gusto ko na mangyari.

"Sabay natin pinasok to so we'll figure this out, together. Hindi ako payag. Pwede kang mapahamak. It's dangerous"

I closed my eyes for a moment then pulled him for a kiss. "It is. It's dangerous but we have to do this. We have to conquer our fears at times like this even though it's cutting us deep like a sword" I whispered

He didn't answer. I saw that my words have effect on him yet I know he'll still not let me go.

I kissed him again "I love you. See you later" sabi ko then unlocked my door at bumaba na. Sinalubong ko ang mga pulis na nakangiti.

"Sir, may problema ba tayo?" I asked cluelessly. They almost rolled their eyes at me.

"Pinara ka namin kanina. Akala namin ay hihinto ka pero laking gulat namin na bigla kang bumilis. Pinahabol mo pa kami sa'yo. Hindi mo ba alam na pwede ka namin kasuhan sa ginawa mo, miss?"

I smiled sheepishly at nagkamot pa ng ulo "Sorry po. Nagmamadali po kasi ako dahil naramdaman ko na parang may regla ako. Tumulo po kasi eh"

They both widened their eyes at that. Shit, nakakahiya itong ginagawa ko at malalagot ako lalo kay daddy pag nalaman to but hey, I have to do this.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon