Chapter 55: Jackson

10.8K 305 45
                                    

Ang plano ko talaga ay midnight na umuwi kaya nag play pa ako nang maraming movies but when the clock strikes at seven in the evening, Blaise stopped it.

"Don't you have any plans to go home? May pasok bukas" tanong niya.

I shrugged my shoulders as a response "Meron naman but I just don't feel like going home already. Ayoko pang makita si daddy" pagtatapat ko

For a while nakatingin lang siya sa'kin until eventually he sighed. Niyakap niya ako nang mahigpit.

"Kapag nagmatigas ka sa daddy mo mas lalo niya tayong pag-iinitan" he said

I tsked at that "Kapag hindi ako nagmatigas sa kanya iisipin niya na pumapayag ako sa gusto niya. I don't understand. Kagabi ba anong napag-usapan niyo? I don't believe that's it's just about the usual stuffs. Daddy never done it with Maven so I know something is really up. So tell me ano ang mga sinabi niya sa'yo"

Hindi na naman siya kumibo. When I looked at him nakapikit ang mga mata niya.

"Wag mo akong lusutan. I know you're not asleep" saway ko

"He didn't want me for you dahil ako ang Alpha ng Hunter Fourteen"

Kumunot ang noo ko "That's not what he told me. He said that he doesn't want me dahil isa kang Gandia" nalilitong sabi ko

At that he snapped his open "I don't know. Maybe I'll ask my parents. Baka may away ang mga magulang natin na hindi natin alam.."

Napabuntong hininga na lang ako dahil pakiramdam ko ay mas lalong bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi niya na yun. Paano kung ganun nga ang kaso? Damn, things will be harder for us.

He then pulled away from me and looked straightly to my eyes.

"Pero kahit ganun pa ang lagay, wala naman akong pakialam. We're together at this aren't we? Kung ipaglalaban kita, di ba ipaglalaban mo rin naman ako?" tanong niya

Hindi naman ako nagdalawang isip sa isasagot sa kanya.

"I will"

---

Wala sana akong balak na sabihin sa mga kaibigan ko ang about sa'min ni daddy but I am left with no choice dahil hindi ko talaga kayang kimkimin. They're both looking at me sympathetically.

"Tito Armando for sure has reasons. Talk to him, wag mong balewalain. Sa'yo na rin mismo nanggaling. Tito isn't particular with whom you date pero ngayon bakit nag-iba ang ihip ng hangin? Because more likely may alam siya na hindi mo alam" Trina said

Tumango ako dahil alam kong may punto siya. More likely dad has his reasons. I tried asking him about that last time but I have no luck. Nauwi lang kami sa pagtatalo.

Isinubsob ko na lang ang mukha ko sa desk ko and closed my eyes tightly. Wishing na sana ay panaginip lang to. It's not that I am envisioning a perfect relationship with Blaise. Alam ko naman na lahat ng relasyon ay dumadaan sa pagsubok but this isn't what I expected. Kung mga naghahabol lang naman na babae sa kanya ang problema, wala akong pakialam but this is different. Big deal. At masyado pang maaga ang ganito para sa relasyon namin.

I felt Gail's hand caressing my back. "Tama si Trina. Talk to Tito Armando. Huwag mo na sabayan ang galit niya. Instead of taunting him, patunayan mo – niyo na lang ni Blaise na walang mali sa relasyon niyo"

Hindi ako sumagot. Sana nga ay ganyan lang kasimple ang lahat. Though tama rin naman ang mga kaibigan ko. Kailangan kong kausapin si daddy at the same time i-prove si Blaise sa kanya.

"Buti pa ang mga kaibigan mo alam ang gagawin" umiiling na sabi sa'kin ni Rennan. Oo nga pala nandito na siya.

"Tara na sa cafeteria. Isn't it na may balak kang ngisian si Maven today?" Trina asked. At that kahit paano ay napangiti ako. Kaya naman ay nagpunta na kami sa cafeteria. Nakakapanibago lang na dati tatlo lang kami na sabay kumakain ng lunch pero ngayon ay sumama na sa'min ang kambal ko.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon