Chapter 17: ILYSB

12.9K 461 56
                                    

Hindi na kami nagtagal ni Blaise. Nagpahatid ako sa kanya pabalik sa school dahil nandun ang driver namin. Nawala sa isip ko na, palagi nga pala akong susunduin habang wala pa ang kambal ko.

Pag-uwi nagbihis agad ako at humarap sa laptop ko. I opened my mail and like what I expected may mga mails na galing sa Herondale High. Actually, marami-rami yun. I decided to open the latest one. They are asking kung tutuloy pa ako sa kanila dahil hindi na ako nagparamdam. They even said that it will mean a lot to them kapag tumuloy pa rin ako since they think that I will be an asset to the school. Well, hindi naman na nakakapagtaka na ganito sila especially na na perfect ko ang entrance exam nila.

I typed a quick reply, asking if I can go this weekend. After ten minutes nagreply naman sila and said that I can come anytime I want.

I sighed heavily. Hindi ko akalain that I will go this far. But then, maganda na rin to. Sometimes what I need in this life is an adventure. Dahil sa totoo lang, medyo nagsasawa na rin ako sa paulit-ulit na cycle sa buhay ko. If Blaise actually didn't come who knows kung gaano ka boring ang mga nangyayari sa akin especially na wala na ang team. Nothing excites me anymore.

I decided to just give Trina and Gail a call to tell them about the mail. Nag online ako sa Skype para makapag video call kami.

"So gagawin mo na nga?" Gail asked as if she's silently wishing na magbabago pa ang isip ko.

"Yes. It's the only way to avenge myself and the team" sagot ko

Trina sighed "So what's the plan? Base from my source, huling makakalaban ng school natin ang Herondale sa elimination round. So probably that's three weeks or maybe a month from now"

Damn. Kakayanin ko ba na makapasok sa team nila right away? Sa Monday ko na plano pumasok doon.

"I don't know. Basta sa Saturday pupunta ako doon and maybe use the fact that I aced the exam to make my way to the team. Ang problema ko muna ngayon ay paano ako magmumukhang lalaki and of course, to convince Rennan" sabi ko

"Hindi natin problema kung paano ka magmumukhang lalaki. You'll just need wig and a cotton cloth to conceal your breast. Mas problemahin mo kung paano mo makukumbinsi si Rennan and your sched. Anyway, di ba sabi mo kapatid ni Kristel si Blaise? What are you gonna do kung masabi niya sa kuya niya na hindi ka niya nakikita sa school? And for that matter paano kung makita ka ni Blaise at makilala?"

Napatutop ako sa noo ko upon hearing what Trina said. Damn, I completely forgot about Kristel. Magkalayo ang department namin pero hindi naman malabo na malaman niya na hindi ako pumapasok especially na overseas ang ipapaalam ko na dahilan. Hindi ko naman pwede I sacrifice ang relasyon namin ni Blaise dahil isang buwan lang yun. One more thing, alam kong may paraan siya na malaman kung aalis ba talaga ako ng bansa o hindi.

"Well, I think you have to talk to Kristel then. Madali lang naman siguro siya kausap. Anyway, ate nga ang tawag niya sa'yo di ba?" Trina consoled. Gusto kong maging positive pero hindi ko kayang maging tiwala talaga. But then siya na lang ang pag-asa ko so I am left with no choice.

---

Sinadya ko na pumasok nang maaga dahil kailangan ko makipag-usap kay Kristel. Hindi naman ako nabigo dahil pagpunta ko sa room nila nandun na siya.

"Anong pag-uusapan natin, ate?" she asked and took a bite from her pancake. Nandito kami ngayon sa cafeteria and I thought of treating her to breakfast since maaga pa naman.

"I need your help" I started. Kumunot naman ang noo niya.

"With what? Tungkol ba ito kay Kuya Blaise? Nag-away ba kayo?"

Well, how I wish na ganun nga lang kasimple ang dahilan kung bakit ko siya kinakusap ngayon..

"Uhm, ganito kasi yun.. I took an entrance exam sa Herondale High then I passed" I said

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon