Chapter 54: No Matter What

10.7K 345 39
                                    

Seven ng gabi ang dinner at ang usapan namin ni Blaise ay six thirty nandito na siya. Hindi naman ito formal na dinner so I told him to wear something just casual. My family hates formal parties or any occasions for that matter. Kaya rin siguro wala akong mga dress sa closet ko. Pumupunta naman kami sa mga parties pero bihira. We don't also usually throw parties. Kapag may birthday sa'min we tend to celebrate it through intimate dinner in a fancy restaurant na kami lang at ilang very close friends of ours.

Nandito ako sa patio namin dahil inaabangan ko na si Blaise. He texted last time na on the way na siya so I am expecting him to turn up anytime sooner. Siya na lang ang hinihintay. Nasa loob na si daddy at ang mga kuya ko. Even Gail is here dahil pormal na siyang pinakilala ni Rennan bilang girlfriend niya. I called Trina but she can't make it dahil masakit ang ulo niya. Though I think more likely na magkasama sila ni Russel.

Nung makarinig ako nang pamilyar na tunog ng kotse, tumayo kaagad ako at tumakbo papunta sa gate. Excited kong binuksan yun and found Blaise na saktong kabababa lang ng kotse niya. He's holding a bouquet of red roses in his hand.

I surveyed him quickly. He's wearing a royal blue polo shirt na naka tucked in sa puting pants na hapit sa legs niya. He's also wearing a pair of white sneakers and as usual ang mga hikaw niya.

Napangiti siya pagkakita sa'kin. He then opened his arms so I rushed to him quickly.

"Gwapo mo" bulong ko habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Napapikit ako as I inhaled his manly scent.

When we parted he gave me the flowers.

"Congrats for the win last time" he said then eyed me seriously. Napangisi siya.

"Tsss. Parang dati hindi ka naman ganyan. You used to wear those flimsy shirts and pants. Now you have learned to wear short shorts like this and tops that expose your skin" umiiling na sabi niya and even tsked. Unconscious tuloy ako na napatingin sa sarili ko. I am wearing a high waist shirt and a crop top na suot ko rin nung birthday ni Maoi.

"Do you want me to change, then?" tanong ko

Umiling siya "No. It suits you. Naninibago lang ako but I like it. You can wear whatever you want and I am fine with it" he said

I just smiled at that at niyaya na siya sa loob. Ang mga maids namin ang unang nakakita sa'min dalawa. Nanlaki ang mga mata nila at pasimple pang nagsikuhan. Tinapunan ko sila nang nagbababalang tingin kaya naman bigla silang umayos.

Pagdating namin dito sa dining table lahat sila ay napatingin sa'min. "Good evening po" magalang na sabi ni Blaise. He even bowed his head.

I looked at dad and my brothers na mataman lang nakatingin sa kanya.

This is the scariest dinner ever!

"Dad, Kuya GD, Kuya CL, Rennan. This is my boyfriend, Blaise" I announced. Hindi pa rin sila kumibo maliban kay Rennan na nginisian ako kaya mas lalo akong ninenerbyos.

It seems forever already when daddy sighed .

"Ano pang tinatayo niyo dyan? Hijo, sit with us" he said. Blaise smiled at that and bidded his thanks as we sit together. Si daddy ang nasa puno ng mesa at katapat niya si Kuya GD. Nasa kaliwa niya si Kuya CL, Rennan, at Gail at kami ni Blaise ang nasa kanan niya.

"Mabuti at nakarating ka, hijo" dad said to Blaise nang makaupo na kami habang ako naman ay binilin yun mga bulaklak sa maid namin.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon