Chapter 63: Not Right

8.6K 229 31
                                    

***
Okay entitled kayo sa pagbibigay ng opinyon pero kung ang opinyon na yan ay hindi maganda, itikom na lang ang bibig.

Imagine. Pinage-effortan ko ang pagu-update tapos makakabasa ako ng di maganda na comment. Haha. Di ko naman kini-claim na magaling ako kaya sana maghinay-hinay lang. Tumatanggap naman ako ng constructive criticism pero sana wag naman panlalait sa story ko. Kung di niyo gusto to, maghanap kayo ng ibang babasahin :)

"Where's Arya?" it was Blaise pero hindi ako kumibo. Nanatili lang ako na nakayuko at nakapikit.

Hindi nagtagal, naramdaman ko na may umupo sa tabi ko which I am sure na siya. He then pulled me to him at ihiniga ang ulo ko sa balikat niya.

"Are you okay, misis?" nag-aalalang tanong niya "Patrick called me habang papunta kayo rito"

Paulit-ulit na nag flashback sa isip ko ang nangyari kanina. On how that bread knife pierced Keith on the chest and how blood sprouted from it. It's like on those Game of Throne's stabbing moment that came to life. Shit.

Nandito kami ngayon sa ospital and Keith is currently in the operating room. How long are we here already? Two hours? Three hours? I don't know. Kanina pa kami nakaabang na may lumabas galing sa operating room pero wala pa rin. At habang patagal kami nang patagal dito ay mas lalong nadadagdagan ang pag-aalala namin.

"What happened?" Blaise asked sa iba. At that, I snapped my eyes open. Magsasalita sana si captain pero inunahan ko siya.

"It was my fault. I should've just walked away. Ipinagtanggol lang nila ako and now Keith is there.." I said as my tears started falling down that I angrily wiped away.

Those bastards should better pray that Keith is going to be okay. Dahil kapag may malala talagang nangyari sa kanya ay mas malala pa ang gagawin ko sa kanila.

"Mga taga St. Agatha ang sumaksak sa kanya, Alpha. Hindi ko lang po sigurado kung kilala sila ni Arya. Binabastos po kasi siya ng mga yun at nataon na nakita namin" Joshua said

"I told you to keep eyes on her, didn't I?" Blaise snapped. At that, pakiramdam ko umakyat sa ulo ko ang lahat ng dugo ko.

I stood up then faced him "Really?! At a time like this, nakuha mo pang manisi? Wala silang kasalanan doon! Hindi nila kasalanan na bastos ang mga schoolmates ko na yun! I was just minding my business papunta sa comfort room nang harangin nila ako!" sigaw ko

Mukha naman siyang natauhan sa sinabi ko na yun dahil lumambot ang mukha niya.

"It's not that I am blaming anyone. I am sorry if that's what it looks like" he said softly at hinawakan ako para paupuin. Nang makaupo na ako ay niyakap niya ako. Hinayaan ko lang naman siya. His hug feels like home.

Tumawag na ako sa'min and told them na malamang hindi muna ako makakauwi because I intend to wait for Keith to wake up. At first, dad is against it at syempre ang mga kapatid ko but I am not having any of their sermons right now. I need to be here. Kailangan pagkagising ni Keith ay ako ang agad niyang makita para masabi ko how sorry I am na napahamak siya dahil sa'kin.

Nung makumbinsi ko na sila na desidido talaga ako mag stay, ibinaba ko na ang telepono. Blaise looked worriedly at me.

"Are you hungry? I'll buy you food" he said. Umiling ako.

"Hangga't hindi ko alam ang kalagayan ni Keith, wala akong lakas para kumain. I need to do something after this, Blaise. Papatayin ko ang mga yun kapag may nangyaring hindi maganda kay Keith"

Narinig yun ng mga classmates ko at nagkatinginan sila. Blaise is just looking at me.

"Let me handle them. Kami na ang bahala sa kanila. I assure you that they will get what's coming for them" he said

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon