Chapter 23: Stephen

10.4K 347 24
                                    

Hindi ko mapigilan ang ngisi ko habang naglalakad na ako papunta ng classroom. Pumayag si Mr. Gandia na tulungan ako pumasok sa volleyball team. Hindi na raw kasi nagpapa try out ang team ngayon since nag-umpisa na ang interschool league. Pero tutulungan niya pa rin daw ako. Kakausapin niya raw yung team captain para sa'kin. Hindi pa sigurado yun pero hindi ako nawawalan ng pag-asa.

Dumiretso na muna ako sa locker area kung saan marami rin estudyante na katulad ko. Supposedly, dapat sanay na ako sa lugar tulad nito considering na puro lalaki ang mga kapatid ko yet I'm still disgusted sa nakikita ko ngayon. Damn, ganito ba talaga ang mga lalaki? Kahit saan na lang sila maghubad. And they're even comparing sizes of their hotdogs!

Nag-iwas na lang ako ng tingin and just get on my way. Hinanap ko ang locker ko and when I found it, binuksan ko kaagad at ipinasok ang bag ko. Mahirap na at baka may makakita nitong uniform ng St. Agatha sa bag ko. Kinuha ko lang yung binder at ballpen ko. Sabi ni Mr. Gandia, yung mga books ko ay ibibigay naman ng adviser ko mamaya.

Paglingon ko natagpuan ko na lang ang lahat na tahimik at may tinitignan sa bandang direksyon ng entrance nitong locker area.

I caught my breath in my throat when I realized why. It's Blaise Rafaelo Gandia.

Agad naman ako na nag-iwas ng tingin. This is dangerous.

"Good morning, alpha" may nagsabi pero nanatili lang na tahimik si Blaise. Tuloy-tuloy lang siya na naglakad hanggang sa makarating sa locker niya.

Locker niya na katabi ng locker ko..

"What are you looking at?" he asked in a baritone voice. And clearly the question is for me kahit hindi niya ako tignan.

I swallowed hard. Napatingin ako doon sa iba. Yung mga lalaki kanina na mga nakahubad ay nakabihis na ngayon. And basically, everyone's attention is on us.

"Bingi ka ba? I asked a question. What are you looking at?" he asked again and this time his voice is menacingly quiet. His tone somewhat reminds me of those psychopaths in movies na katulad ng tono niya ang pagsasalita when they're about to torture their victim.

My knees are shaking but I have to get through this. After all, wala naman akong dapat katakutan dahil wala naman akong ginagawang masama.

I stood up straight and bowed my head slightly. "Sorry, alpha. Wala pong ibig sabihin yung pagtingin ko sa'yo" I said humbly.

Pasalamat ka, Blaise. Kung ako lang si Arya ngayon lagot ka talaga sa'kin. Tinignan ka lang nung tao, isyu na agad sa'yo?! What the hell!

Nanatili lang ako na naka bow. Wala akong paki kung isipin pa nila na duwag ako dahil sa ginagawa kong ito.

Narinig ko ang mga yabag niya at huminto yun sa harapan ko.

"Transferee ka ba?" tanong niya. Tumango ako.

"Then no problem. Though next time hindi ko na ito palalagpasin" he said at umalis na. Nung totally hindi ko na naririnig ang mga hakbang niya saka lang ako nakahinga nang maluwag at idiniretso ang katawan ko.

---

Habang naglalakad patingin-tingin ako sa paligud ko. Kung sakaling matatanaw ko man ang kahit sino sa Hunter Fourteen, lalayo talaga ako. Ayoko magkaroon ng close encounter pa sa kanila gaya nung kay Blaise kanina. Because if that happens, hindi na ako sigurado kung makakaligtas pa ba ako.

Naging panatag lang ako nung malapit na ako sa classroom. Papasok na sana ako when I jumped in surprise. May lalaking bigla na lang lumipad galing sa classroom namin. Tutulungan ko sana because he looks hurt when a woman, went out of the room na classroom ko at lapitan ang lalaki. My eyes widened when she stepped on his chest habang nakahiga ito.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon