Chapter 31: Crush

10.7K 378 27
                                    

I winced in pain as Trina pressed the ice bag on my lips. Balewala lang naman sa kanya yun. She actually rolled her eyes.

"Mag-isip ka na kung anong idadahilan mo sa mga kuya mo kapag nakita ang sugat mo na yan" she snapped.

Hindi na lang ako kumibo dahil masakit ang buong katawan ko. It was obvious na pinersonal ako ni captain kanina sa training dahil pinahirapan niya ako ng husto sa drills. I was kind of expecting that the training last time will be productive for me pero ni hindi ako nakasali sa mga games. Pinagpulot lang niya ako ng mga bola at pinag refill ng tubig.

"Ari, di ba napag-usapan naman na natin na huwag kang fire starter sa mga gulo?" Trina said again

I shrugged my shoulders "I had no choice. Binabastos yung bisita na babaeng estudyante at nakita ko. I have to do something" sagot ko

"Hindi naman namin kinukwestyon ang ginawa mo na yun. Pero sa ginawa mo na yun imposible na wala ng kasunod yun. Sa tingin mo ba hindi ka babalikan ng mga yun? Especially na sila lang ang naparusahan" Gail said

Natahimik ako doon. Bakit nga ba hindi ko naisip na pwede nga akong balikan ng mga yun? Not that I regret what I did. Kahit maulit pa yun I would've still helped Chesca. Kung suntukan lang naman kayo kong pumalag. Natatakot lang ako na mapagtripan ng mga yun at malaman nila ang sekreto ko.

"Ano kayang trip ng St. Meav's at bakit sila nagpadala ng estudyante sa Herondale High?" Trina asked

"Sabi ni Vanessa taon-taon naman daw talaga ganun. Syempre di ba exclusive school sila for girls? Gusto kasi ng management nila na matuto rin sila makihalubilo sa opposite sex nila kaya ipinapadala sila sa Herondale na puro lalaki naman ang mga estuydante" Trina said referring to her cousin na doon nag-aaral.

Tumunog ang phone ko and there's a message from Blaise. I froze as I remember what I hear last time sa may CR.

"Fuck the deal. I am going to keep her longer than that"

Kung hindi ko lang narinig ang usapan nila ni Russel kanina malamang hindi ako nagdadalawang isip na replyan siya ngayon. But now I just found myself na nakatingin lang sa screen ng phone ko.

Fake bf: Had an interesting day today, babe. May mga bisita na babae sa school and they will stay there for how many weeks. How are you? Is your head still aching? Miss you.

Napahigpit ang hawak ko sa phone ko. Suddenly, I feel like crying. Putangina naman kasi nito ni Blaise. Tangina. Hindi ko na maintindihan. Kagabi lang sinabi niya he will be glad kapag natapos na ang deal namin pero eto siya ngayon. He said he's going to keep me longer than that at nagtetext pa sa'kin ng ganito.

Trip niya ba ako? Nakakainis na. Hindi ako eksperto sa pakikipaglandian. I hate games. Hindi ako handa sa mga ganito. I hate that he's giving me mixed signals.

Binitawan ko na lang ang phone ko sa side table ko. Hindi ko na lang siya rereplyan kahit kailan unless siguro ma-corner niya ako kung saan. Mahirap na. My life has dramatically turned around already when I decided na pumasok sa Herondale High dahil may mga bagay ako na ginagawa ngayon na hindi ko naman ginagawa dati especially ang magsinungaling sa mga kapatid ko. I don't need him na paguluhin pa ang lahat lalo. I am already playing with fate and I don't need to play with fire also. Because the more that things will got tangled, the more it's going to hurt me and I am going to suffer the fall.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon