Chapter 76: Still Choose

6.1K 204 11
                                    

It's been months since we went to River Styx pero hanggang ngayon ay wala pa rin development. It's like our dead end.

As much as gusto kong bumalik doon, I guess huwag na lang. Sinwerte kami nung una pero hindi ko sigurado na ganun pa rin ang mangyayari kung babalik kami roon. Ayokong ilagay ulit ang mga buhay namin sa panganib. I didn't even bother to tell it to dad dahil sigurado akong aatakehin siya sa puso if I do.

Pero hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin yun. Kahit kasi ano talagang isip ko ay hindi ko maintindihan bakit kami pinakawalan. Sino ba talaga ang mga taong yun sa likod ng maskara? When I first realize it, naisip ko na baka kilala ko yun but since iniligtas din ang tatlo nun, I figure that it's not the case.

"May nagawa ka na bang draft?" tanong sa'kin ni Blaise. I narrowed my eyes.

"What draft?"

"Letter na ibibigay sa St. Claire. Aren't you informed yet na sila ang school na laging ka partner natin kapag promenade?"

Natigilan ako kasabay nang paniningkit ng mga mata ko. "You mean, makikita natin ang ex mo?"

"Well.. no choice" kibit balikat niya

"I don't want. Walang prom this year"

"Oh come on. Hindi ko naman lalapitan yun dahil siguradong tayo ang laging magkasama nun. I will be your escort for sure. Isa pa, hindi papayag si daddy na hindi ka papayag"

I just rolled my eyes and huffed in annoyance.

---

"Naku beshie, delikado ang ganyan. For sure Maoi will use that opportunity to steal Blaise from you. Kabisado ko na ang mga ganito eh. Mark my word mangyayari yun" Trina said bitchily as she take another bite with her pizza.

It's weekend kaya napagkasunduan namin na magkita-kita. Which is also a good thing since we really miss each other already. I told them about the prom and since then, they've been telling me na hindi maganda yun dahil nga magku-krus na naman ang landas namin ni Maoi.

I shook my head. Marinig ko pa lang ang pangalan ng babaeng yun nag-iinit na ang dugo ko.

"Ano nang gagawin mo ngayon? May naiisip ka na ba?" Trina again. I shrugged my shoulders. Blaise said that whether I like it or not ay magkakaroon talaga ng prom at kailangan kong tanggapin yun. At ako pa nga ang gagawa ng letter na ibibigay sa St. Claire which has always been the tradition ever since then.

"Well.. paano kaya kung ganito, let's write something on the letter na pwedeng ayawan ng mga taga St. Claire?" Gail suggested

I sipped from my frappe first and looked at her with my eyes narrowed.

"What do you mean?"

"Hmmm.. saan ba madalas ginaganap ang prom nila?"

"Hotel daw"

Trina sniggered. "Well, what if baguhin natin ang venue? Like let's set it sa lugar na kung saan sa tingin mo pwedeng hindi nila puntahan?"

At first, hindi ko maintindihan ang sinasabi nila until eventually an idea occurred to me.

My lips curled into smirk. I now have a damn idea how to stop that stupid prom.

---

Blaise is already waiting for me on the living room kaya minadali ko na rin ang pag-aayos sa sarili ko. Tonight is LANY's concert. Hindi naman kami nagmamadali since sa VIP seating kami yet we're afraid na maipit kami sa traffic.

Nang hindi ko na talaga alam kung paano aayusin ang buhok ko, hinayaan ko na lang yun na nakalaglag. Pinasadahan ko ng tingin ang suot kong black off shoulder blouse na tinernuhan ko ng maong na palda and when I am already satisfied, kinuha ko na ang sling bag ko at nagmadali na lumabas.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon