Chapter 39: Deal Is Over

11.4K 410 24
                                    

"Earth to Arya?" Ate Savannah said snapping her fingers in front of me. Taranta naman akong napatingin sa kanya. Natawa naman siya.

"What's happening to you? You've been spacing out the whole time" she said smiling but concern is still evident on her voice.

Napabuntong hininga ako as I mix my frappe with my straw. "Ate.. I feel so guilty, may nasaktan akong tao na hindi ko naman sinasadya" I said frustratedly as Chesca's crying face still haunts me. Kahit anong gawin ko I can't just shake it off my mind.

Gusto kong ire-assure ang sarili ko na hindi dapat ako ma-guilty dahil hindi ko naman sinasadya na paiyakin siya but still it doesn't mean that I can just forget it. Wala akong excuse na pwedeng sabihin para doon. Especially na hindi pa malinaw ang sinabi kong dahilan sa kanya. Baka nga naga-assume siya na may girlfriend ako kung kaya't hindi kami pwede.

Ate Savannah sighed and clutched my hand "Hey.. Do not be too hard on yourself. Gaya nang sabi mo hindi mo naman sinasadya na masaktan siya. So just take it easy. Sometimes we really tend to hurt people whether it's our purpose or not. Ganun talaga. Kami nga ng kuya mo ganyan minsan. There are things na ginagawa ko na akala ko hindi nakakasakit sa kanya at ganun din siya. We have no control over people's feelings and how they will react on what we do" she said

I smiled dahil kahit paano gumaan ang pakiramdam ko. Yet, I have to do something about it. Siguro, palilipasin ko na lang muna ng ilang araw then I'll apologize to her para matahimik lang ang konsensya ko. Ayoko talaga na nakakasakit maliban na lang kung ako ang unang sasaktan.

"Thanks ate. You're the best" I said appreciatively. She blushed at that. Hindi ko mapigilan matawa dahil hanggang ngayon namumula pa rin si ate kapag pinupuri ko siya. Ever since then ganyan na kasi talaga siya. Kaya nga lagi kong sinasabihan si Kuya GD na huwag na siya pakawalan. Ate Savannah is more than enough. Aware ito sa pinag gagagawa niya yet hindi yun naging dahilan para iwan siya nito. Through hell and back she was there for him.

"Anyway, thank you pala for helping me out. Sana magustuhan to ng kuya mo" she said talking about me helping her sa paghahanap nang maireregalo kay Kuya GD for their fifth anniversary. Yes, they've been together since they're fifteen.

"You're always welcome, ate. Huwag niyo na nga po pala akong ihatid sa bahay. Magkikita po kasi kami ng mga friends ko rito mamaya" sabi ko

She looked at me with teasing smile "Eh? Friends ba talaga or baka naman.." I just rolled my eyes.

"Si Gail and Trina talaga, ate" I half lied. Actually totoo naman na sila ang kikitain ko pero kasama namin si Blaise. Mamaya pag-alis ni ate tatawagan ko na siya para papuntahin dito.

"O sige. Mag-ingat ka ha? Your brother is always worried about you. Minsan nga pinagsasabihan ko siya na hayaan ka naman na gawin ang mga bagay na mag-isa lang so you'll learn"

Napangiti ako because I truly appreciate that 'Gee, thanks" I said then kissed her on the cheek.

---

"Hindi mo man lang kami sinabihan na kasama mo pala si Ate Savy!" naiinis na sabi sa'kin ni Trina who even hit my back. I can't blame her because they also adore my brother's girl. Kapag family outing kasi isinasama ko sila ni Gail kung kaya't naging close na rin sila kay Ate Savannah

"Tsss.. nagmamadali na ako kanina! Mabuti nga at pinayagan ako ni captain na lumiban muna sa training. Pagkagaling sa school, pumunta na kaagad ako rito. Nag reason out lang ako kay ate na hindi kami nagkaintindihan kanina ni kuya because supposedly susunduin dapat ako sa St. Agatha" I said as I recount what happened last time.

Gail sniggered "Alam mo ba si Rennan kanina nagde-demand na kausapin ka. I just reasoned out na mainit ang ulo mo and it won't help kung mag-uusap kayo"

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon