Chapter 9: Trouble Has Name

13.6K 361 27
                                    

Sabi ng mga pulis, me chasing someone na akala ko na kidnap kahit hindi naman is heroic. Yet kapag ganun daw kailangan tumawag ako ng pulis para makahingi ng tulong.

Buti na nga lang at hindi magsasampa ng demanda yung delivery guy yet he asked for payment para doon sa gulong niya na sobrang nagasgasan dahil sa bilis nang pagpapatakbo ko. Wala akong dalang cash and I just told him that I will send him the money pero laking gulat ko when Blaise gave him it instead. Tumanggi ako pero hindi niya tinanggap. Kasalanan naman daw niya kaya dapat lang na siya ang magbayad ng damages.

Hinayaan ko na lang. Mas kailangan ko maging thankful na hindi na ako napahamak pa. Kung malalaman lang to ng mga kuya ko for sure they'll freak out. Sigurado mapapauwi rin sila Rennan kahit na nga sobrang halaga ng business trip nila doon sa China.

"Anytime now I am expecting na may susundo na sa'yo galing sa school niyo. Anyway, thank you for the concern para sa kapatid ko" Blaise said

Napalunok ako dahil nahihiya pa rin ako sa nagawa ko kanina. Medyo tuyo naman na siya pero basa pa rin ang dibdib niya.

"Wala yun. Sorry kung binuhusan kita ng tubig" sabi ko na lang then took a bite on my brownies that he ordered for me. Wala siyang plano isara ang blazer na kasama ng uniform niya kaya kitang-kita talaga ang dibdib niya.

Magkaharap kaming dalawa habang katabi ko naman si Kristel. Sa tuwing naiisip ko na magkapatid sila, natatangahan talaga ako sa sarili ko. Alam ko na Gandia ang surname ni Kristel but I didn't give any attention to it. It's not as if Cruz or Reyes na common surname. Bakit ba hindi ko talaga naisip yun?

"Magkakilala na pala kayo ni kuya, ate" Kristel said all smiling. Blaise smirked at that.

"Hindi lang kami basta magkakilala. Girlfriend ko siya, baby"

Pinanlakihan ko siya ng mga mata but he just ignored me. I looked at Kristel na bakas ang matinding gulat sa mukha.

"Di nakakatawa joke mo, kuya. Kaka break lang kaya ni Ate Arya at saka ni Kuya Maven" Kristel said

"Wag mo nga tawaging kuya yun. Kapatid mo ba yun ha?" clearly he's pissed sa pagtawag ni Kristel kay Maven na kuya.

"And anyway.. seryoso ako. Ask her"

"Hahaha. Ate Arya totoo ba yun?"

"Uhm.. yes"

Kristel stopped eating and looked at me with disbelief. Hindi ako tumawa o ngumiti man lang even for a bit para hindi niya talaga maisip na nagbibiro ako.

"Oh.. Hala! Waaaaa!" she exclaimed at yumakap pa sa akin. "Yehey may ate na ako!" she added.

Bigla akong nakaramdam ng konsensya. Ramdam ko na ang saya niya talaga ngayon. I know what she's feeling. Ganito rin ang naramdaman ko when Kuya GD brought Ate Savanna to us the first time. Tuwang-tuwa ako nun dahil magkakaroon na ako ng sister. All my life I asked for that dahil puro lalaki ang mga kapatid ko.

One month lang ang deal namin ni Blaise.. after nun tapos na. I can't imagine the disappointment of her.

When I looked at Blaise nakatingin siya sa'kin. I just smiled at him. Atleast when the time comes it's over hindi lang ako ang kailangan magpaliwanag kay Kristel.

---

Like what Blaise expected, dumating nga ang ilang staffs from school. Si Mr. Montgomery, ang assistant niya, ang high school head na si Ms. Dematera at ang adviser ko na si Mr. Cabellada. They all have their identical worried face upon seeing me.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon