Chapter 62: Stay

9.3K 249 34
                                    

Please read the author's note afterwards. X

Mabuti na lang at hindi na siya nagpumilit pa na mag stay. As soon as he's out of my sight, saka ko pinakawalan ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.

Naging masama ba akong girlfriend sa kanya? Damn, I hate to think of this but when he compared me to Snow ay hindi ko mapigilan na kahit paano ay sumang-ayon sa kanya.

Can I really blame him? Totoo rin naman ang sinabi niya. Sa tuwing may mga laro siya ay palaging nakasuporta si Snow at ang cheering team sa kanila. I perfectly know well kung gaano kaimportante ang volleyball sa kanya kaya alam kong big deal sa kanya yun.

I just didn't know that he has held grudges against me already dahil doon.

"Hey!" hindi ko napansin na nakabalik na pala si Jack. Huli naman na para punasan ko ang mga luha ko. Mabils niyang ibinaba ang tray na hawak niya at tumabi sa'kin.

"What happened? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong niya as he helped me wiped my tears.

I shook my head at sinikap na ngumiti "I'm okay. Kumain na lang tayo" I said at itinuro sa kanya ang mga pagkain but he remained looking at me passively.

"You tell me what happened, Arya Astrid Fonacier. Who made you cry? Si Blaise ba? Sapakin ko yun gusto mo?"

At that, talagang natawa na ako. "Nope it's not Blaise. Habang nakapila ka kasi roon sa counter nilapitan ako ng ex ko. We just had a closure.." pagtatapat ko sabay kibit ng mga balikat ko

He sighed then ruffled my hair. "Closure lang naman pala eh. Oh bakit umiiyak ka? Don't tell me may feelings ka pa para sa kanya"

Mabilis akong umiling "It's not like that. It's just.. ang sakit lang kasi na along the way na fall out of love na pala siya sa'kin habang wala akong kaalam-alam. Akala ko okay lang kaming dalawa. Not just that. Ang sakit lang din na yung mga pagkukulang mo sa kanya ay nahanap niya sa iba" I said bitterly.

He didn't answer at that. Instead, umupo na lang siya sa harapan ko and fixed our food on the table.

"Mga bata pa tayo para masabi kung ang nararamdaman natin ay pagmamahal na ba talaga but one thing na alam ko ay, kapag mahal mo ang isang tao, makakaya mong i-tolerate yung mga kulang sa kanya kasi mahal mo nga. Makukuntento ka at hindi mo hahanapin ang mga pagkukulang na yun sa

ibang tao. I wish people knows that" he said

"Anyway, kumain na lang tayo. Huwag mo na lang isipin yun. Wala siyang kwenta"

Natawa na lang ako at sinabayan na siya sa pag kain. Kungsabagay, ano pa nga bang sense na isipin ko pa yun. It's not as if I want him back.

---

Ang unang pumasok sa isip ko pagkamulat ng mga mata ko ay ito; today is the day that I am going to Herondale!

Nakaupo na ako at nag-uunat when suddenly my phone started ringing. Mas lalo akong naging excited when I saw that it's Blaise.

"Good morning, mister" bati ko sa kanya sabay hikab though tumayo na rin ako.

"Morning. Wake up now, sleepyhead" narinig kong tumawa pa siya

"Yeah.. maghahanda na ako. See you later, alligator" I said at pinatay na ang tawag.

Bumaba na ako sa dining which is just on time dahil aakyatin na sana ako ng maid para gisingin.

"Good morning, familia!" I greeted enthusiastically at them. I even kissed dad soundly on the cheek na ikinatawa naman niya.

"I don't usually see you this excited kapag papasok ng school, mija" he regarded and I just smiled at that.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon