Chapter 38: Love Confession

11K 315 61
                                    

"Kinakabahan na ako sa'yo, Ari. Ano ba talaga yung sasabihin mo? Bakit ba hindi mo na lang sabihin sa'kin ngayon then together let's tell Gail later" Trina said pero gaya kanina umiling ako.

"Gusto ko sabay kong sasabihin sa inyong dalawa para fair. Since I love you both equally tama lang naman yun" I answered

She rolled her eyes and tsked "Kapag yan hindi ko nagustuhan I swear isusumbong ko mga pinag gagagawa mo kay Tito Armando" she threatened.

Gusto ko sana siya bigyan ng clue kaya lang ayoko na muna na makatunog siya. Plano ko rin kasi tawagan si Blaise mamaya at sabay namin na sasabihin sa kanila. Ngayon pa lang nae-excite na ako sa reaksyon nila lalo na si Gail who's an avid fan of me and Blaise.

"Thanks for the ride, beshie" paalam ko sa kanya nung makarating na kami sa kanto ng Herondale. I blew a kiss before going out of the car then make my way to school.

Hindi na nagtext si Blaise so more likely abala na yun. Monday nga pala ngayon. May Monday assembly. Kung dati kinakabahan ako na makita ang Hunter Fourteen especially si Blaise ngayon kahit paano nae-excite ako kahit na nga ba mula sa malayo ko lang naman siya tatanawin.

Pagpasok sa school grounds dumiretso na kaagad ako sa field kung saan ang Monday assembly at agad na pumila sa mga seniors. Natanaw ko si Stephen kaya agad naman akong tumabi sa kanya.

"Bro" bati ko sa kanya sabay akbay. Medyo napatalon pa siya sa gulat pero napangiti rin. Nakipag fistbump ako na tinanggap naman niya.

"Congrats kahapon. Sensya na di ako nakapanood. Nagpasama kasi sa'kin ang mommy ko sa amiga niya" he said

I shook my head "No problem. Anyway, nagkita na ba kayo ng pinsan mo?" I asked

He nodded "Oo, kanina. Why are you looking for him?" he asked curiously. Doon lang nag sink in sa'kin ang sinabi ko. Damn, Arya looking for Blaise is normal but Brandon looking for Blaise isn't.

I swallowed "Nakita ko kasi sila kahapon na nanonood. Nanonood pala sila ng games?" palusot ko

Thankfully it seems that Stephen bought that.

"Ah oo. Sa volleyball na lang kasi kasali ang Herondale" he said

"Volleyball na lang? Bakit dati ba meron pa?" curious na tanong ko and this time I really mean it.

He nodded "Kasali tayo dati sa basketball and baseball. Hunter Fourteen ang players dati sa baseball team kaya lang banned na tayo dahil may nangyari na riot dati na yung kabilang school naman ang nagsimula. Napikon kasi natalo"

"Talaga? Eh bakit tayo ang na banned at hindi ang school na yun?" tanong ko because it sounds unfair. Though hindi ko mapigilan magulat na may alam pala sa sports si Blaise. I thought he's just the boy next door type who's just busy with his gang activities.

"Well, we are Herondale. Kilala tayo sa pakikipag away so may maniniwala ba sa'tin?" Stephen asked back. I just rolled my eyes at napailing. Fuck people and their prejudices.

Hindi na kami nakapag-usap ni Stephen because just then dumating na ang Hunter Fourteen.

I caught my breath at the sight of Blaise. His hair is styled into a mullet. A fucking mullet. A fucking mullet and he's fucking hot with it. He looks like an angel deployed to hell and summoned up in heaven again. And yes, he's my boyfriend. The one who sang ILYSB to me, who held my hand and trailed kisses on my lips and stomach.

"Parang may kakaiba kay alpha" dinig kong sabi nung nasa harapan ko.

"Hindi ka maniniwala. Nakita namin siya kanina na nakangiti. Baka may sapi" sagot naman nung kausap niya.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon