Chapter 47: Number 143

10K 349 36
                                    

Walang nagsalita kahit isa. Sobrang tahimik. Pagtapos kong magsalita lahat sila ay nakatitig lang sa'kin. Ang tanging naririnig ko lang ay ang paghinga ko.

Until Blaise stepped forward na hindi pa rin inaalis ang tingin sa'kin.

"Are you serious?" nakakunot noo na tanong niya

"I am Arya Astrid Fonacier. Also, Brandon Garcia of Fourth Year Section A. Patrick Jiro Escoleto is my captain and my classmate. I hereby challenge anyone of you for a trial by combat" ulit ko sa sinabi ko kanina. Hindi siya sumagot. He just looked at me emotionlessly.

Naramdaman kong hinawakan ni captain ang braso ko.

"Umalis ka na Arya. Mas lalo niya akong pag-iinitan kung patuloy mo siyang sasabayan. Utang na loob naman" sabi niya sa nakikiusap na tono.

I looked at him then shook my head "You figured out my secret yet you didn't rat me out. Hindi mo ako iniwan. Ipinagtanggol mo ko sa kanya. It's my turn to return the favor. Hayaan mo lang ako. Trust me" marahan kong sabi sa kanya then faced Blaise again whose gaze at me is as cold as ice.

If looks could kill, malamang pinaglalamayan na ako ngayon.

"Now what? I challenge anyone of you. Wala bang lalaban sa'kin?" hamon ko. Pero hindi ko rin mapigilan ang kaba na nararamdaman ko ngayon. These guys are gangsters and I am just my family's little princess na nagkataon lang na may alam sa martial arts.

Blaise balled his fist. "You really want it this way? Then sige. A trial by combat it is. Ako ang kalaban mo" he said tonelessly. Nagkatinginan ang Hunter Fourteen at nag-umpisa ang bulungan ng iba. Obviously everyone is too perplexed.

Malungkot akong ngumiti. "When is it then? Ngayon na ba? Or kailangan pa natin i-sched?" tanong ko sa pormal na tono.

He smirked "Let's discuss the rules and terms first. Follow me" sabi niya at tumalikod na.

Hahakbang na sana ako para sundan siya when captain stopped me.

"Have you seen that look? Sa mga oras na to, hindi na girlfriend ang tingin niya sa'yo. Papatulan ka niyan" nag-aalalang tanong niya.

I shook my head. "Bahala na. Basta ako gagawin ko ang lahat hindi ka lang mapahamak. I am sorry for putting you to this" seryoso kong sabi at kumawala na para sundan si Blaise na medyo nakakalayo na.

Kusang humahawi ang mga estudyante na nakakasalubong namin. Lahat ay sa'kin nakatingin but as much as possible I am not making eye contact with anyone. Until I saw Stephen from the crowd who's looking at me with his mouth in O shape.

Nginitian ko siya. Mamaya siguro kung may pagkakataon ay pupuntahan ko siya para magpaliwanag. Deserve niya yun mula sa'kin dahil hindi naman kasama sa pagpapanggap ko ang pagiging kaibigan sa kanya.

"What are you looking at?! Drop your gazes or I'll blind you!" biglang sigaw ni Blaise sa mga lalaki na nasa harapan niya. Taranta naman na nag-alisan ang mga yun.

He then looked back at me "Come here" asik niya at hinatak ang braso ko. Sinubukan kong kumawala sa kanya pero hindi niya ako binitawan. Ang lagay tuloy ngayon ay magkahawak kaming dalawa ng kamay habang naglalakad.

Kasalukuyan na kami ngayon na nasa building ng seniors. Building namin. Pumasok kami sa elevator at pinindot niya ang third floor. Malamang ay sa classroom nila kami pupunta. Ang Hunter Fourteen ay may sariling kwarto na sila-sila lang ang magkaka-klase.

Once the elevator door closed, he pinned me to the wall at mabilis akong hinalikan. My eyes widened when I tasted tears from him.

Umiiyak siya.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon